Chapter 27 – May Ganoon?

1981 Words
Kinabukasan, hindi sumama sa akin si Jiro pauwi. Dala ang bagahe niyang iniwan namin sa grocery, bumalik na siya sa Bulakan para mag-isip. `Yun ang dinahilan niya sa akin. Kinabukasan, on time akong pumuntang SM East – 10 am, sa pagbukas ng mall. Hinintay ko si Ronald, pero mag aalas-onse na, wala pa rin siya. ‘traffic ba d2 n q san u?’ I texted him. Matagal siyang nakasagot, later, tumunog na ang phone ko at nakita ang kaniyang message. “Sorry, work emergency, see you next week, absuwelto ka today.” Napakipit-balikat na lang ako at umuwi. At least mababawasan ang mga encounters namin. Nakapag bayad na rin si Tita ng 8K, next week 8K pa ang ibibigay niya, and soon, hindi ko na kailangang makipag meet pa kay Ronald. Bumili na lang ako ng pasalubong kay Tita at maagang umuwi. Come Monday, nagmamadali akong lumabas ng MRT station at pumunta sa bench na hintayan namin ni Jiro. Nakita ko siya doon, nakaupo, at matiyagang naghihintay sa akin. “Jiro!” tawag ko sa kaniya. Nagliwanag ang mukha niya nang magtama ang paningin namin. “Bicoy!” Para kaming hindi nagkita nang sampung taon! Patakbo akong lumapit sa kaniya, at sabik na sabik naman siyang lumundag nang payakap sa akin. Gusto ko siyang halikan. Gusto kong ibaon ang mukha ko sa kaniyang dibdib at langhapin ang mabango niyang katawan, pero naalala ko kung nasaan kami, at nagawang humiwalay sa kaniya. “Kamusta na?” tanong ko sa kaniya. “Naayos na ba `yung bubong sa bahay mo?” “Oo,” natatawa niyang sinabi. “Buti nga may pera pa `kong naitabi, nakitulong na lang ako sa carpintero para `di na `ko magbayad ng extra labor. Eto nga o...” pinakita niya sa akin ang mahabang galos sa kaliwang braso niya. “Muntik pa akong mahulog sa bubong!” “Naku, ikaw talaga! Dapat tinawagan mo `ko para nakatulong din ako sa inyo!” inabot ko ang braso niya at hinalikan iyon. Agad namula ang mukha ni Jiro. “I-Ikaw talaga... ayan, pinagtitinginan na tayo ng mga tao!” bulong niya. Tumawa lang ako at hinawakan nang mahigpit ang kaniyang kamay. “Halika na, pasok na tayo.” Parang hindi kami nag-away nang araw na `yun. Maayos ang lahat pagdating namin sa klase. Hindi na outcast si Jiro, nakikigulo na siya sa amin nila Jojo na natanggap na rin kung ano siya. Kahit nga si big bro Tony na mahilig mag-sermon, madalas na ring mag-alala at magpayo sa kaniya. “Mag-inuman tayo!” aya nanaman ni Tony. “Since parating na ang undas at mag-uuwian na tayo sa kani-kanilang probinsya, gusto ko magsama-sama tayo at mag-celebrate!” “Kailan naman `yan?” tanong ni Rick. “Sa Wednesday, para bago magbakasyon,” sagot ni Jojo. “Bukas na lang, at sa 29 na ang uwi ko!” sabi ni Tony “Sige, handa kayo ha, walwal nanaman `to, hindi ako titigil hangga’t di ako bumabagsak!” sabi ni Jojo na kahihiwalay lang sa huli niyang girlfriend. “Pucha, kung ganon, eh, doon na tayo sa apartment ko para walang uwian!” sabi ni Tony. “Mahirap na baka mamaya kung saan pa kayo mapadpad `pag lasing na kayo!” “Okay! Ikaw na rin ang sumagot sa alak!” sabi ni Rick. “Ano? Mag-chip-in naman kayo!” “Ako na sagot!” sabi ni Jojo. “Basta kayo sa pulutan.” “Ayown!” masayang sigaw ni Tony. “O, Vic, Jiro, ba’t nananahimik kayo r’yan? `Wag n’yong sabihi na `di kayo sasama?” tanong sa amin ni Rick. “`Oy, hindi p’wedeng humindi, ha!” sabi ni Tony na sumimangot sa amin. “Dapat kumpleto tayong lima!” “Pasensya na, wala kaming maiaambag d’yan, kayo na lang,” sabi ni Jiro. “Oo nga, next time na lang kami,” dugtong ko. “Anong next time? `Wag n’yong isipin ang ambag! Basta dapat sama-sama tayo bukas!” At sa pagdating nga ng hapon kinabukasan, ay kinaladkad na kami ng mga bugoy at hindi binitawan hangga’t `di kami nakakarating sa apartment ni Tony. “Kampay!” nakipag cheers si Tony kay Jiro na may dalang bote ng alak. “Inom ka pa! Baka akala mo, `di ko napapansin na kanina mo pa kapit `yan!” “Sige, iinom na,” tumatawang sabi ni Jiro sa tabi ko. Idinikit niya ang bote sa bibig, pero alam kong hindi siya lumunok ng alak. “Ikaw, Vic, ubusin mo na yang sa `yo para makarami ka!” sabi naman niya sa akin. Nakadalawang baso na si Tony, at lalo na s’yang umiingay. Si Rick naman ay nasa unang bote pa rin, samantalang si Jojo, naka tatlo na at kanina pa nag e-emote. “Biro n’yo, matapos kong gastusan `yung putang `yun, bigla ko’ng nalaman na may iba palang nilalandi sa kabilang college!” sumbong niya sa amin. “Binili ko pa siya ng branded na sapatos at bag noong monthsary namin!” “Ikaw kasi, ang hilig mong magpa-uto sa babae!” tumatawang sabi ni Rick. “Okay lang `yun `tol! Nakatikim ka rin naman, eh! Sulit ang bayad mo!” sabi ni Tony na sabay tumawa. “Ako nga, eh, virgin pa rin hanggang ngayon! Walang gustong pumatol!” “Kasi, pangit ka na, wla ka pang pera! At ang ingay-ingay pa ng bunganga mo!” sabi sa kaniya ni Jojo na mukhang nairita sa kaniya. “O, kayo naman, nandito tayo para mag-chill at makalimot, bawal ang kantyawan,” sabi ni Rick na pinagitnaan ang dalawa. “`Di ba Vic?” “Oo, iinom n’yo na lang `yan!” at inubos ko na ang boteng hawak ko. That night, bagsak pareho sina Jojo at Tony. Si Rick, as usual, mukhang hindi uminom. Ako naman ay hindi nalalasing. Ayoko kasing kung ano ang masabi ko habang kasama si Jiro. “Vic, tapos na ko sa banyo, ikaw naman,” sabi niya paglabas ng CR. Amoy facial wash nanaman siya at mouthwash. “Ang bango mo talaga...” Yumuko ako at inamoy ang leeg niya. “Okay, sige na Vic, mag CR ka na.” Tinapik niya ako sa likod. “Sandali, inaamoy pa kita.” Hinawakan ko siya sa batok. Nakita kong kilabutan ang katawan niya at mamula ang kaniyang mukha. “At bakit ba ‘Vic’ ka ng ‘Vic’? `Di ba dapat Bicoy ang tawag mo sa `kin?” tanong ko, sabay halik sa leeg niya. Agad napaatras si Jiro. “`Oy, Vic, saan mo gustong matulog? Sa loob o sa sala?” tanong sa amin ni Rick. “Kahit saan basta tabi kami ni Jiro,” sagot ko. “Ha-ha, sige, sa sala na lang tayong tatlo.” bumalik siya sa sala. “Halika, tulungan n’yo muna akong dalhin tong dalawang `to sa loob ng kuwarto. Nag CR na ako matapos namin pagtabihin sina Tony at Jojo sa kama. Paglabas ko, nag-uusap sina Rick at napansin kong pulang-pula ang mukha ni Jiro. Napasimangot ako. “Anong ginawa mo kay Jiro?” tanong ko kay Rick. “Wala,” sabi ni Rick. “Tinanong ko lang s’ya kung kayo na.” Tumawa siya. “M-magkaibigan lang kami!” agad sabi ni Jiro, at parang nagsikip ang dibdib ko. “Oo, magkaibigan lang kami,” sabi ko. Sa lahat talaga ng kakilala ko, yang si Jiro lang ang ayaw sa akin! “Ganoon ba?” muling tumawa ni Rick. “Ba’t naman ayaw mo kay Vic? Nagsisikip tuloy dibdib ni Vic!” tanong niya kay Jiro. “M-magkaibigan lang kami!” ulit niya. Ang kulit niya talaga. “Makulit ka raw, Jiro!” sabi ni Rick. “Biro mo, ni ayaw niya akong tawaging Bicoy `pag magkakasama tayo!” reklamo ko. “Bakit nga ba, Jiro?” Tanong ni Rick. “Kasi...” “Kasi ano? Ayaw mong ipaalam sa iba na close tayo?” sabi ko sa kaniya. “Kinahihiya mo ako? Ganon?” Namula si Jiro. “Hindi!” sabi niya, “A-ayaw ko lang na... na may ibang makaalam ng palayaw mo...” he trailed off. “Bakit? Dahil mabaho?” “K-kasi... ayokong may ibang tumawag sa palayaw mo liban sa `kin.” Lalong humina ang boses ni Jiro, pero narinig ko iyon, at naramdamang mag-init ang mukha ko. “Naks, how sweet naman!” natatawang sabi ni Rick. “At hindi pa kayo n’yan, ha?” “Jiro...” “M-matulog na nga tayo!” biglang sabi ni Jiro na humiga sa nakalatag na comforter sa kabila ni Rick. Kinuha niya ang isang unan at tinakip iyon sa mukha niya. Ang lakas ng tawa ni Rick! “Vic, nag-na-narate ka nanaman! Ayan tuloy, pinaiyak mo si Jiro!” kantyaw ni Rick. “H-hindi ako umiiyak!” sigaw ni Jiro mula sa ilalim ng unan. “O-okay...” natahimik ako. Hindi ko alam ang gagawin, lalo na’t kasama namin si Rick. “Bakit? Ano naman kung nandito ako?” Tumatawa nanaman siya! “O-oyatsumi mederu,” sabi ko na lang kay Jiro. “Ha? May gano’n?” sabi ni Rick na napatitig sa akin. Biglang bumangon si Jiro at ihinampas kay Rick ang yakap niyang unan. Muling nagtatawa si Rick, ako naman, napatitig na lang sa kanilang dalawa. Kailan pa naging close ang dalawang `to? “H-Hindi kami close!” sabi ni Jiro sa akin. “Bicoy! Kanina mo pa kinakausap ang sarili mo!” sabi ni Rick. “Basta ako, mahilig lang ako sa anime!” muli siyang humalakhak at kumanta sa hapon. “Anata o mederu!” kanta niya. “M-matulog na nga tayo!” sabi `uli ni Jiro. “Oyatsumi!” Kinaumagahan, nagising ako na katabi si Jiro na nakayakap sa akin. Nakabangon na si Rick at mukhang wala sa sala. Pinagmasdan ko ang maamong mukha niya at hinalikan siya sa labi. Unti-unting bumukas ang mata niya at ngumiti sa akin. “Ohaiyou, mederu.” bati ko sa kaniya. “Na miss kong magising sa tabi mo.” “Ohaiyou...” bigla siyang napatingin sa paligid at napaupo. “Nasaan na sina Rick?” tanong niya. “Ewan... kakagising ko pa lang rin...” Hinawakan ko ang ulo ko sa pag bangon. Parang binibiyak ito sa sakit! Nakailang bote ba ako kagabi? “May klase pa tayo mamaya,” sabi ni Jiro na itinabi ang mga unan at itinupe ang hinigaan naming comforter at mga kahon sa ilalim. “Haaa~ may kape ba d`yan?” lumabas naman sa kuwarto si Jojo na nakakapit din sa ulo. “Mukhang wala,” sabi ni Jiro na naghanap sa maliit na kusina. “Ni wala ngang baso si Tony, `di ba?” “Sa susunod, magdala tayo ng kani-kaniyang kubyertos,” natatawa kong ginabi. “Anong kubyertos?” sabi naman ni Tony na mukhang masakit din ang ulo. May kumatok sa pinto. Binuksan namin ito at nakita si Rick na may dalang isang stack na styro cups at isang umuusok na takure. “O, eto na ang StartBox delivery n’yo!” Nagtimpla kami ng 3-in-1 na nabili niya sa karinderia sa baba at naghati sa dalawang supot ng monay. “Ikaw, Tony, kung makasermon ka, parang ang galing-galing mo, tignan mo nga tong tinutuluyan mo, ni walang matinong plato!” sita ni Jojo sa kaibigan. “Eh, tulugan ko lang naman `to, eh,” tanggol ni Tony. “Kumpleto naman `yung karinderia sa baba, yun ang pinaka kusina ko!” “Kahit na, sa susunod na magpunta kami rito, bibilan kita ng gamit!” “Naku, ayan nanaman ang pagiging galante ni Jojo,” sabi ni Rick. “Kaya ka pinagsasamantalahan ng mga babae mo, eh.” “Mas gusto ko na `yung kaibigan ang gastusan kesa babae! Tapos na `ko sa mga babae!” sabi ni Jojo. “Gago, puta! Baka jowain mo ko n’yan ha?” sabi ni Tony. Lahat kami, masayang nagtawanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD