Chapter 24 – Napaka Hapdi

1657 Words
Kinabukasan, alas-sais. Nagising kami sa busina ng malaking truck na nakaparada sa harap ng bahay namin. “Delivery po para kay Mr. Victor De Mesa?” tawag ng pahinante. Nakasalubong ko si Tita sa hagdan habang pababa kami ni Jiro na nagkukuskos pa ng mata. “May delivery daw, para sa `yo!” “Ha? Sandali lang po...” Agad akong kumuha ng kamiseta at sinoot iyon. “Mr. De Mesa?” tanong sa akin ng pahinante na may dalang clipboard. “Opo.” “Saan po namin ilalagay ang mga order ninyo?” “Ay, pakipasok na lang po dito sa patahian!” sabi ni Tita Lucy na binuksan nang malaki ang gate namin sa harap. “Kailangan ko lang po ng valid ID at signature ninyo.” Inabot sa akin ng lalaki ang clipboard, kinuha ko naman ang pitaka ko para magpakita ng valid ID. “Eh, magkano naman po ang babayaran namin?” tanong naman ni Tita. “Wala po, paid in full na po ang lahat,” sagot ng lalaki. “Aba... maraming salamat kung ganoon!” mukhang namumutla si Tita. Isa-isa na ngang inilabas ng lalaki at ng driver ang mga tela. Pinakain pa sila ni Tita ng sopas na pinabili sa akin sa karinderia sa kanto. Matapos kumain ay umalis din sila. Tulala kaming tatlo sa bulto-bultong tela na ibinaba nila sa truck. Dati-rati, ang binibili namin ni Tita ay pira-piraso lang, minsan pa nga, eh, mga putol-putol na ang binibili namin para lang makatipid, pero eto, ngayon, fresh from the weaver pa ang nasa harap namin. At higit pa roon, hindi lang tatlong kulay ang pinadala ni Ronald! Anim na kulay! At ang ganda pa ng quality nila! “Bicoy...” tawag ni Tita Lucy sa akin. “Ano bang pabor ang ginawa mo para sa kaibigan mo para tulungan tayo nang ganito?” Hindi ako nakasagot. Tinignan ko na lang ang resibong inabot sa akin kanina. “Fourty thousand sarado.” Kinuha sa akin ni Tita ang resibo. “Para sa lahat nang ito?!” nagulat siya. “Eh, kahit sa bagsakan, nasa 48K na ang 900 na yarda nang ganitong tela!” “S-sabi nga niya, bibigyan niya ako ng 20% discount..” “Nako, Bicoy ha, kinakabahan na ako d’yan sa kaibigan mo na `yan!” sabi ni Tita na ipinampaypay sa sarili ang resibo. Napatingin ako kay Jiro. Malungkot ang tingin niya sa akin. “Nandiyan na `yan,” sabi ni Tita. “Magpasalamat na lang tayo.” At yun na nga ang ginawa namin. ‘Nasa Tapat na ako ng StartBox,’ text ni Ronald sa akin on our second meeting. ‘On the way traffic.’ I texted back. Natagalan ako dahil may nagpumilit sumama sa akin. Muntik na kaming magtalo ni Jiro kanina nang ipagpilitan niya na kasalan din niya ang pagkawala ng pera ni Tita. Kaya kailangan daw pagbayaran din niya ang pinautang ni Ronald sa amin. “Hindi mo ito problema!” sabi ko sa kaniya, pilit nagpipigil na mapasigaw sa galit. “Hindi ka naman namin kaano-ano, eh!” “Hindi ko man kayo kaano-ano, hindi n’yo naman ako tinrato na iba, `di ba?” pilit niya. “Hayaan mong mag-bayad din ako sa inutang mo!” “Ano? Magpapaka-puta ka rin gaya ko?” aking nasabi. “Ibabayad mo rin ang katawan mo? Para saan, Jiro? Sa tingin mo matutuwa ako `pag ginawa mo `yun?!” “At ano namang masama doon? `Di ba’t ikaw na rin nagsabing pisikal na bagay lang `yan? Maglalabas lang ako ng init ng katawan!” “Ano?” ako’y napasinghal, “Ibibigay mo katawan mo kay Ronald? Papayag kang babuyin ka niya? Eh, ako nga, ni hindi pa kita...” “Ano? Hindi mo pa ako nagagalaw?” tinuloy niya para sa akin. “Hindi ako suki ng Tita mo, Bicoy. Hindi ako labasan ng libog mo. Kaibigan mo ako, at gusto ko lang makatulong sa iyo!” “P`wes hindi ito nakakatulong!” napasigaw na ako. Napaatras si Jiro, nagulat sa lakas ng boses ko. Hiningal ako sa galit. Maya-maya lang ay narinig naming kumatok sa pinto si Tita Lucy. “Bicoy? Jiro? Anong problema? Nag-aaway ba kayo?” tawag niya sa amin. “Wala po Tita, may dumaan lang na ipis!” sigaw ko sa labas. “Hoy, Bicoy, `wag mo akong lokohin, ha? Buksan mo `tong pinto.” Wala akong nagawa kundi buksan ang pinto at papasukin si Tita. Sumimangot siya sa akin at agad lumapit kay Jiro na kaniyang inakbayan. “Ano ba ang nangyayari at nag-aaway kayo?” “Wala po, nagpipilit lang si Jiro na sumama sa `kin kay Ronald... eh, mahirap ang trabaho doon...” “Anong klaseng trabaho nga ba iyon?” tanong ni Tita, “Baka naman mamaya, eh, delikado `yan?!” “Magbubuhat lang po, Tita,” nagsinungaling ako sa kaniya. “Magkakarkador po ako sa bodega nila, kaya ayokong isama si Jiro.” “Ganoon ba?” Tumingin si Tita kay Jiro na tahimik na nakatitig lang sa akin. “Eh, iho, hindi pa masyado magaling ang sugat mo, `di ba? Medyo umiika-ika ka pa nga sa paglakad, eh, kahit sarado na `yan sa labas, sa loob n’yan ay sariwa pa rin.” “Oo nga po Tita, mahapdi pa rin ang kirot,” sabi ni Jiro. “Napaka hapdi. Pero gusto ko pa rin sanang samahan si Bicoy. Gusto ko rin po’ng tumulong.” “Hay, ikaw talaga, nagpaturo ka na nga sa aking manahi, eh, at ayaw mo pang tumanggap ng suweldo! Sapat na `yun para tulong sa amin!” “Tama, Jiro, magtahi ka na lang sa baba para `di kung anu-ano naiisipan mo,” sabi ko pa. Sumama lalo ang tingin ni Jiro sa akin. “Sige po, Tita, alis na po ako. Baka po hapon na ako makauwi.” “Sige, iho, mag-ingat ka lang lagi, ha? At magpasalamat ka `uli kay sir Ronald para sa akin.” “Ayun, dumating ka rin.” binati ako ni Ronald nang nakangiti. “Akala ko mag ba-back-out ka na, eh. “Saan po tayo ngayon?” tanong ko. “`Wag kang magmadali, marami pa tayong oras ngayon,” ngumiti siya ng masama sa akin, na para bang nilalasap na niya ang katawan ko. Napatingin ako palayo. “Halika, change venue tayo.” Hinila niya ang kamay ko, palabas ng mall. “Doon tayo sa lugar na mas babagay sa atin.” Sumakay kami sa kaniyang kotse. Ginawa niyang patungan ang aking binti. Hinihimas niya ko tuwing natitigil kami sa traffic, at matraffic ang oras na iyon. Nagpunta kaming Podium. Isang lugar na ayokong pinapasok, dahil alam kong wala akong maa-afford bilhin. “Nasa 3rd floor ang branch namin dito,” sabi niya sa akin matapos niya akong pasunurin sa kaniya. Pumasok kami sa shop ng ‘Blue Ridges’. Itsura pa lang ng mga display sa labas, alam ko na, na pang mayaman lang ang tindahan na ito. “Good morning, Sir Ronald!” bati sa kaniya ng isang magandang babae sa likod ng counter. “Good morning Ms. Lindsay, did you ready the wardrobe I told you about?” tanong niya. “Of course, sir, I have the clothes at the back room as you requested, will you be using it now?” “Yes, thank you. By the way, this is my young friend Victor De Mesa, the clothes will be for him.” “Hello, pleasure to meet you,” bati sa akin ng babae. “The pleasure is all mine,” I replied with a smile. “Oh, a charmer, I see,” ngumiti siya sa akin. “We’ll be in the back room then,” sabi ni Ronald. “Please don’t disturb us unless I call for you.” “Yes, Sir Ronald, as always.” Muling ngumiti ang babae. Sinama naman ako ni Ronald sa room sa likod ng counter. Malaki-laki ito, may maliit na entablado na nalilibutan ng mga salamin na para bang studio. May mga rack ng damit dito, ang isa, nakahiwalay sa iba. Lumapit si Ronald dito at namili ng ilang damit. “Go ahead and strip,” sabi niya sa akin. “P-po?” tanong ko. Napatingin ako sa pinto sa may gilid na may nakalagay na ‘dressing room’ at papunta na roon nang tigilan ako ni Ronald. “Dito ka na maghubad,” sabi niya. “Nakalock ang pinto, walang ibang papasok dito.” Tumingin-tingin muna ako sa paligid bago inalis ang suot kong t-shirt na may tatak na Davao. Sinunod ko ang pantalon ko, at tinupi ko ang mga ito at ipinatong sa silya sa isang tabi. Ang itinira ko lang ay ang puti kong briefs at medyas na maluwag. “I said strip,” natatawang sinabi ni Ronald. “You mean, everything?!” ulit ko. Lumapit sa akin si Ronald. “Okay, ako na lang ang mag-aalis nang natira.” Dinilaan niya ang labi niya habang papalapit sa akin. Lumuhod siya sa harap ko, hinimas ang aking abs, at ibinaba ang suot kong brief. Kuluntoy ang alaga ko. Hinawakan niya ito, hinimas-himas, at saka nilaro ng kaniyang dila hanggang sa magising ito. Ano pa nga ba kasi ang s*x kung `di kalibugan lang ng katawan? Napa-ungol ako nang ipatong niya ang isang binti ko sa balikat niya at supsupin ang mga bayag ko. Pinaikot niya ang mga iyon sa loob ng bibig niya habang binabate niya ang t**i ko na lalong tumayo at tumigas. Humawak ako sa ulo niya. Napasandal ako sa pader sa aking likuran at napapikit sa sarap ng pag-hada niya sa akin. Kung may pagsisisi man sa aking dibdib, nawala ang lahat ng iyon nang maramdaman ko na ang sarap. Namanhid nanaman ang utak ko at napuno ng kalibugan na dulot ng mga haplos at dila ni Ronald. Tama. Ito ang s*x. Walang ibang kailangang damdamin kung `di ang sarap. Ito na ang nakasanayan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD