Chapter 23 – Too Precious to Rush

1231 Words
Binalik ako ni Ronald sa SM East. “Eto, ibili mo ng pasalubong ang Tita mo.” Nag-abot siya sa akin ng isang libo. “Bukas, linggo, maaga ang delivery, ha, basta lumagda ka lang sa receipt, ako na ang bahala sa lahat.” Tumango na lang ako at umalis. Pagdating ko sa bahay nang mga bandang alas-siete, wala na ang mga mananahi. “O, ba’t ngayon ka lang, malayo ba ang pinuntahan mo?” tanong ni Tita. “Sa may Cainta lang, Tita, kaya lang nakipag negosasyon pa ako,” sabi ko sa kaniya na nakangiti. “Eto, pasalubong.” Inabot ko sa kaniya ang isang kahon ng sapin-sapin. “Kamusta naman? Nakakuha ka ba?” “Opo, bukas daw darating ang tela, maaga raw kaya abangan natin.” “Ha? Linggong-linggo?” nagtaka si Tita. “Eh, ano bang kasunduan n’yo?” “Eh, may utang na loob po kasi sa akin `yung tao, kaya pumayag siyang i-wave ang p*****t, kahit onti-onti raw, at hindi na rin niya tayo papatungan.” “Aba, mabait pala yang kaibigan mong iyan, ano bang pangalan niyan?” “Ronald po...” May narinig akong nahulog at pagtingin sa may hagdan ay nakitang nakatayo doon si Jiro. Nabitawan niya ang bitbit niyang mangkok na mukhang may laman na pansit. “O, buti na lang plastic `yan!” tumatawa kong sinabi sa kaniya. “Jiro, kain ka muna sapin-sapin.” alok sa kaniya ni Tita. “S-salamat na lang po, kakakain ko lang po...” sabi niya habang nililinis ang nagkalat na pansit sa hagdanan. “Nagluto nga pala si Jiro ng pansit... ay ano nga ba tawag doon?” tanong ni Tita kay Jiro. “Yakisoba po,” mahinang sagot ni Jiro. “Ayan, kumuha ka sa taas, tikman mo luto ng kaibigan mo.” Pumanik `uli si Jiro sa taas. Sumunod naman ako sa kaniya, pero dumiretso siya sa aming kuwarto. Kumuha ako ng niluto niyang pansit. “Masarap `tong pansit mo, ha?” nakangiti kong sinabi pagpasok ng kuwarto “Yakisoba,” sabi niya habang nakaupo sa kama. “Marunong ka pala’ng magluto?” sumubo `uli ako ng pansit. “At ang sarap ha.” “Buti nagustuhan mo,” he said flatly. “Niluto ko `yan para sa `yo.” “Yung sapin-sapin para sa inyo ni Tita, kain ka rin.” Hindi kumibo si Jiro. “Kamusta usapan n’yo ni Ronald na nanghipo sa `yo sa UV Express?” tanong niya sa akin. Tinamaan ako doon. “Ayun, pinagbigyan ko para pautangin kami ng tela.” Napatingin sa akin si Jiro. Alam kong marami s’yang gustong sabihin. Mukha s’yang nagagalit na nalulungkot na gustong umiyak at magwala. Pero tumango lang `uli siya at nanahimik. “Ipadadala niya ang tela bukas ng umaga. Walang down, walang tubo. Pay when able, no deadlines.” “At ang kapalit?” Lumapit ako sa kaniya at isinandal ang aking ulo sa balikat niya. Hindi siya gumalaw. “Weekends, hanggang sa mabayaran namin lahat.” Naramdaman kong mag-tense ang katawan ni Jiro. “Once a week lang naman...” Hindi siya nagsalita. “Galit ka ba?” “Ano naman ang karapatan kong magalit? Kaibigan mo lang ako.” Basag ang boses niya. Inikot ko ang mga braso ko sa manipis niyang katawan. “Sorry...” bulong ko sa kaniya. “`Wag sa akin,” sagot niya. “May mas masasaktan `pag nalaman niya kung anong ginagawa mo para sa kaniya.” Lalong humigpit ang pagkakayakap ko kay Jiro. “Wala na akong ibang maisip na paraan.” “Maaring ganon na nga... Pero, Bicoy, okay pa ba ito para sa `yo? Kaya mo pa ba?” Noon ako napa-iyak. Hindi ko mapigil ang mga luhang biglang tumulo sa mga mata ko. Itinago ko na lang iyon sa pagkakayakap ko kay Jiro, pero napansin niya ito. Inabot niya ang ulo ko at niyakap ako pabalik. Hinimas ako, inamo. Napahagulgol lang ako lalo. Naisip ko ang pinagdaanan ko sa aking paglaki, mula sa mga pinsan ko noong nagbakasyon ako sa tiyahin ko sa Cavite, sa mga naging kaklase ko at ilang guro sa highschool, sa mga babaeng lumapit sa akin na ni minsan ay `di ako nagawang maintindihan, at sa mga suki ni Tita na natuwa sa akin. Nagsimula sila sa pakurot-kurot, na nadagdagan ng halik, tapos ay inaaya na ako sa kama. “Okay lang naman... masaya naman kami pagkatapos...” bulong ko habang hinihimas ni Jiro ang likod ko. “Matutuwa sila at bibigyan ako ng regalo o pera...” humikbi ako. “W-wala namang nawawala sa akin... hindi naman ako malalaspag o mabubuntis... gumagamit naman ako ng proteksyon... nasasarapan naman ako...” muli akong humagulgol. “P-pero... unti-unti akong namamatay... unti-unti kong pinatay ang dignidad at damdamin ko... dahil hindi ko naman `yun kailangan...” “Shh...” hinalikan ako ni Jiro sa ulo “It’s okay... sige, ilabas mo lang lahat ng tinatago mo... nandito lang ako...” muli niya akong hinalikan. He have never kissed me before. “Jiro... hindi ka pa ba nandidiri sa akin?” tanong ko, kinakabahan sa maari niyang isagot. “Nope... never...” Tiningala ko siya. Nakita ko ang mga mata niyang puno ng pagmamahal at pag-uunawa. Hinimas niya ang mukha ko, pinunasan ang mga luha, at marahan akong hinalikan sa labi. Tinulak ko siya pahiga sa kama. Hinalikan ko siya pabalik. Inikot niya ang mga braso niya sa akin at napaungol nang dumagan ang katawan ko sa kaniya. Bumilis ang t***k ng puso ko. Sobrang bilis na para bang sasabog ito palabas sa aking bidbid. Hinalikan ko ang kaniyang baba, ang kaniyang leeg, pababa sa kaniyang balikat. Pumasok ang kamay ko sa suot niyang kamiseta na hinimas kong pataas at tuluyang inalis. Pinagmasdan ko ang mga u***g niyang kulay rosas at hinalikan ito magkabila bago sinubo ang isa. Napaungol si Jiro, pero hindi niya ako pinigilan. Inalis ko rin ang aking kamiseta ikinapit ang kamay niya sa dibdib ko. Hindi siya nahiyang himasin ito. Nang muli ko siyang titigan ay nakadama ako ng kiliti sa buo kong katawan. Nangungusap ang mga mata niyang nagniningning. Ang bibig niyang nakabukas, hinihingal, naglalaway. Napaka sarap niyang pagmasdan. Gusto ko siyang angkinin. Gusto ko siyang gawing akin. Pero pinigilan niya ako nang hawakan ko ang salawal niya. “`Wag, Bicoy... “ hinihingal niyang sinabi. “Halikan mo na lang ako... hawakan mo katawan ko hanggang gusto mo, pero hanggang dito lang tayo, okay?” hinimas niya ang mukha ko. “Ayokong maging tulad ng mga suki ni Tita... ayokong maging outlet lang ng libog o init ng katawan. Kaibigan kita, Bicoy. Ayokong masira `yon.” Napatango na lang ako at muling yumakap sa katawan niya. “Okay... I respect that... kaibigan kita... matalik na kaibigan.” That night, magkatabi kaming natulog sa kama. This will be the first of many, where we lay side by side, cuddling each other, feeling each other’s heartbeats. Mahirap? Oo. Masakit? Medyo. Lalo na pag gigil na gigil na ako. But would I ask for more? No. Not now. This is too precious to rush, too rare to let go. I would rather live through this sweet pain than watch this relationship shatter. I know, some day, I will be ready. I know that I would finally tell him my real feelings, and hopefully, he would still feel the same way for me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD