Chapter 21 - ‘Bikuto’

1704 Words
Since ten pa ang unang klase namin, dumaan muna kami sa isang grocery at iniwan sa baggage counter nila ang malaking maletang bitbit ko. Naisip iyon ni Jiro, para daw hindi ako mahirapan nang may kinakaladkad na bagahe. Obviously, ayaw lang niyang may magtanong sa amin kung saan kami magtatanan. Natawa ako with the idea with eloping with Jiro. “O, anong nakakatawa?” tanong sa akin ni Jojo na katabi ko sa klase. “Wala... may naalala lang.” “Kala ko may balak kang bambohin, eh.” bulong niya habang nagsusulat sa notebook.” Dinala ko rin kasi ang shinai o bamboo sword ni Jiro. Natuwa ako rito, at hindi ko ito pinaiwan kasama ng gamit niya. Kasalukuyan itong nakasandal sa upuan sa harap ko. Muli akong natawa. “Anti-theft `yan.” bulong ko kay Jojo. Pinagkatuwaan nila iyon kanina, pinilit pa namin si Jiro na magpakita ng moves sa kendo, na ginawa naman niya. Mas nagiging open na siya sa class, at mabuti iyon, para mas dumami ang mga kaibigan niya. Nag bus kami pauwi. Ayoko kasing makipagsiksikan sa MRT, lalo na’t may pilay pa si Jiro. Kaya kahit sinabi pa niya na kaya na niya nang walang saklay, pinilit ko pa rin na mag bus kami. At least nakaupo kami. Pinaupo ko siya sa tabi ng bintana at inakbayan. “Inaantok ako,” sabi ko habang naninigas ang katawan niya sa nerbiyos. “Gisingin mo `ko pag nasa Ortigas na tayo, sa Starmall tayo bababa.” “O-okay...” sagot niya. Later, naramdaman ko nga na yinuyugyog na niya ang braso ko. “Lampas na tayo Ortigas,” sabi niya sa akin. Nag-inat ako at inayos ang mga bitbitin namin. Tumawid kami ng Edsa at pumila sa UV Express. Nang maabot namin ang dulo, may biglang lumapit sa akin. “Vic!” tawag niya, “Kamusta na?” Napatingin ako at nakita ang isang lalaking nakasuot ng business suit na nakangisi sa akin. “Um...” “Ronald, remember? Nagkasabay tayo dati pauwi?” “Ah, tama.” Siya nga pala `yung nanansing sa akin habang natutulog. “Kamusta na? Hindi mo na ako kinontact?” “Oo, busy kasi sa school...” at wala naman akong reason para kontakin ka. “And who might your friend be?” pumila na siya sa likod namin. “Best friend ko, si Jiro.” inakbayan ko ang kaibigan ko at ngumiti kay Ronald. “Ah,” mukhang nakuha niya ang pinahiwatig ko. “I’m Ronald Chu,” he said, reaching his hand out to Jiro, who shook it “I work for Blue Ridges Garments International.” “Oh!” mukhang nagulat si Jiro. “N-nice to meet you.” “Nice to meet you, too.” hindi pa rin bumibitaw si Ronald kay Jiro. “Mukhang magkasabay nanaman tayo ngayon?” sabi ko while pulling Jiro away from him. “Mukhang ganoon na nga,” sabi ni Ronald. “It’s good though, that there seems to be little traffic today.” “Oo, mabilis tayong makakauwi.” “By the way, in case you’ve lost the last one...” may kinuha si Ronald sa chest pocket niya. “Here’s my business card.” Inabot iyon ni Jiro at binasa, tapos ay bahagyang tumango. “Thank you.” “Also, our company just opened a new clothes line, and we’re currently looking for young models, perhaps you would be interested in trying out?” “Modeling?” tanong ko. “Yes, teen’s wear ang products na una naming inilabas.” “Sounds interesting...” sabi ni Jiro. Mukhang natuwa naman si Ronald. “You can call me anytime, any day, I’ll set you up for an interview. May kapit ako sa sales and marketing, kaya p’wede ko kayong tulungan makapasok.” “Interested ka ba talaga?” tanong ko kay Jiro. “Eh, konting kibo lang, namumula ka na?” at pinatunayan nga iyon ni Jiro nang magkulay kamatis ang mukha niya. Natawa si Ronald. “Anyway, what happened there?” tinuro niya ang saklay ni Jiro. “Accident,” tipid kong sagot. “Ah, well, okay lang naman since photos ang kailangan namin, hindi pa videos, so please think about it.” “I will.” Ngumiti sa kaniya si Jiro. “Mukhang malayo pinanggalingan ninyo?” tanong pa ni Ronald na nakatingin naman ngayon sa maleta ni Jiro. “May dala pa kayong samurai!” “Shinai po,” sabi ni Jiro. “Lilipat si Jiro sa amin,” sabi ko, “Doon na siya titira.” “Hindi naman, pansamantala lang,” sabi ng katabi kong manhed. “Ako bantay niya habang nagpapagaling siya ng binti,” ngumiti ako. “Mukhang close nga talaga kayo,” tumawa si Ronald. “Basta, pag-isipan n’yo ang alok ko, sana mag-try out din kayo.” Hindi na siya nagsalita after that, at nang makasakay kami ay umupo siya sa gitna habang sa likod naman kami dumiretso. “Seryoso ka ba talaga sa alok ni Ronald?” tanong ko kay Jiro habang nag-aayos ng mga gamit niyang dala sa loob ng aking kuwarto. “Medyo?” sagot niya. “Alam mo ba, nang nakasabayan ko `yun dati sa UV, naramdaman kong hinihipuan niya `ko habang natutulog?” Napatitig sa akin si Jiro. ”Anong ginawa mo?!” tanong niya. Natigilan ako. “W-wala...” umiwas ako ng tingin. “Ayoko namang mag-eskandalo pa sa loob ng masikip ng sasakyan.” “Hay, siguro nagustuhan mo rin, ano?” nagulat ako sa reaksyon niya. “H-hindi ha!” “Eh, bakit parang ang close niya sa `yo kanina nang makita ka niya? Tuwang-tuwa pa siya? Ibig sabihin nag-e-expect siya na may maulit pa sa inyo.” Nag-init ang mukha ko. Ano ba `tong nararamdaman ko? Pero wala akong mai-sagot. Wala nga akong ginawa noon, at nagpaasa pa ako na parang gusto ko `uli s’yang makita. “Eh, hindi ko naman inakalang magkikita pa kami `uli eh...” sabi ko na lang. “Well, mukhang legit naman ang offer niya, kilala ang Blue Ridges Garments... madalas iyon mabanggit nila mommy sa garment business nila.” “So, mag t-try out ka sa modeling?” tanong ko, gulat. “Oo, gusto kong subukan kung makakapasok ako. Pero saka na, `pag mas maayos na ang sugat ko. Sa Thursday, aalisin na ang tahi ko, `di ba?” “Oo nga pala, babalik pa tayo sa ospital.” Hinimas ko ang binti niyang naka shorts lang. “Masakit pa ba?” tanong ko. “Hindi na masyado, kumikirot na lang paminsan-minsan, at syempre, pag-lean ko sa left leg ko, lalo na `pag biglaan.” “Basta, gamitin mo pa ang saklay mo ha?” “Opo, tatay,” nakangiti niyang sinabi. Thursday, pumunta kami sa ospital para sa check-up ni Jiro. Halos himatayin ako nang panoorin ko kung paano hatakin ng doktor ang tahi niya paalis! Tinigil na niya ang iniinom niyang pain killers at anti-biotic. Maayos daw na gumagaling ang sugat niya, pero mga isang buwan o higit pa ang aabutin para tuluyang gumaling ang loob nito. Tuloy ang buhay namin sa Pasig. Nagpaalam na si Jiro sa tiyahen niya na sa amin na titira, at nakabalik na kami sa kanila para kumuha pa ng ibang mga gamit. Noon ko nakita ang picture ng mommy niya. “Hindi kayo magkamukha!” sabi ko, “Parang ilong lang ata ang nakuha mo.” matangos kasi ang ilong ni Jiro, ang sa tatay niya naman ay katamtaman lang at parang pa-bend na parang rainbow. “Eto si papa nang bata-bata pa siya.” pagmamalaki niyang inabot sa akin ang isang black and white picture ng lalaking naka suot ng samurai clothes at nakangiti. Nasa mid 20’s ang edad nito, at kamukhnag-kamukha niya si Jiro! “Woah, mas ga-guwapo ka pa pala pagtanda mo!” sabi ko. “`Di ba?” tumawa si Jiro. May nakita naman akong picture ng batang Jiro na may dalang placard na may nakasulat sa Hapon. “Ano naman `tong dala mo?” kinuha ito ni Jiro sa akin. “Pangalan ko `yan – Kenjiro, in Japanese writing****” turo niya. “Itong ‘ken’, ibig sabihin ‘wise’ ang sumunod naman ‘ji’ na dalawang linya, ibigsabihin ‘second’ or two, `yung huling symbol na ‘ro’ ibig sabihin ‘anak na lalaki’.” “So, ang pangalan mo, ibigsabihin, ikaw ang ‘Wise Second Son’?” natawa ako. “Oo, wa-is ako!” ngumisi si Jiro, “Kita mo nga, ako ang kinokopyahan n’yo sa Physics!” “Uy, sila Tony lang `yun, ha!” tumatawa kong sinabi. “So may ‘Wise First Son’ ba?” “Oo, si Kuya Shinichiro, pero sakitin siya, kaya madalas siyang nasa bahay lang. Sixteen years ang agwat namin at ang first wife naman ni papa, nauna nang namatay, before pa sila magkakilala ni mommy.” “Eh, ang pangalan ko, may Japanese ba?” “Hmm...” kumuha si Jiro ng pen and paper at nagsulat ng mga linya. “Pwedeng ‘Bikuto’ ビクタ— ibig sabihin, literaly, ‘Victor’.” “Turuan mo nga akong isulat `yan.” “Eto, iisa-isahin ko...” at isinulat nga niya ang step-by step strokes nito hanggang matutunan ko iyon. Sinulat niya nang magkatabi ang mga pangalan namin, tapos ay nagdrawing siya ng bubong sa taas nito. Sagitna naman ng dalawang pangalan ay naglagay siya ng linya. “Bakit may bubong?” tanong ko. “Eh... kasi... `di ba magkasama tayo ngayon sa bahay n’yo?” sabi niya. “Hm, oo nga naman.” Kinuha ko ang papel at idinikit iyon sa pinto ng kuwarto namin. “Uy! Ba’t mo dinikit d’yan?!” mukhang nagulat si Jiro sa ginawa ko. “S’yempre, kuwarto natin `to, eh!” “Para namang...” “Ano?” ngumisi ako sa kaniya. “Wala.” pumunta na siya sa kama kung saan na siya laging natutulog. “Sige na, oyasumi na.” “Okay, Oyatsumi mederu!” at hinalikan ko siya sa pisngi, noting how red he looked. Humiga na ako sa matress ko sa sahig na may malaking ngiti sa mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD