Dumaan ang isang linggo.
Wala naman daw nangyaring kakaiba sa unang araw ng kaso, maliban sa hindi pagsipot ng nanay ni Jiro.
Lunes, a week later, ay hinatid naman kami ng aming security attache sa opisina ng Blue Ridges sa Ortigas para sa unang araw ng Modeling Workshop na sponsored nila.
Hindi lang pala kami ang tuturuan. Marami kaming kasama, may mga modelo at mga celebrities pa! Iba’t-ibang kumpanya pala kasi ang kasama sa naturang Fashion Show na isa ring Charity Event.
“Okay, people, magsisimula na tayo,” sabi ng isang matangkad na babae sa loob ng studio na aming ino-occupy. “Ako nga pala si Sen na magiging trainer n’yo for this workshop.”
“Is that a woman?” tanong ni Keito na nakasimangot sa tabi namin.
“She’s a trans-woman,” sagot ni Jiro. “It means she was born ‘male’.”
Pati ako ay napatingin `uli kay Sen na bukod sa mukhang babae ay boses babae rin.
“Why is your line of work so full of gays?” reklamo ni Keito sa amin.
“You can always wait outside for us, you know?” sabi ko, pero inirapan niya lang ako.
All in all, ay bente kaming mga modelo na naroon. May kasama pa kaming dalawang artista at ilang mga starlets.
During the break, dumating si Ronald na may kasamang matangkad na lalaking mukhang ipininta ang mukha sa sobrang perpekto.
Really, lahat ata ng mga tao rito sobrang ganda at gwapo.
“Okay, since first day pa lang natin ito, I will let you go early,” sabi ni Sen sa amin. “On Wednesday, please come on time, mag s-start na tayo sa positions ninyo.”
Agad lumapit si Ronald pagka-dismiss sa amin. Kasama niya ang matangkad na lalaki.
“Ano, kamusta ang training?”
“Okay naman, Sir Ronald,” sagot namin sa kaniya.
“Halika sandali at may ipapakilala ako sa inyo.” Hinarap niya sa amin ang magandang lalaki. “This is Rommel Diaz, siya ang designer at co-owner ng Less Melancholy.”
“Hello, you must be Jiro and Victor, nice to meet you!”
May lumapit din sa aming tatlo pang lalaki, mga fellow models na kasama namin sa training.
“Lester, sorry, I’m late,” sabi ni Rommel na lumapit sa isa sa kanila.
Napatitig kami ni Jiro nang halikan niya ang lalaki sa pisngi! Si Keito naman, nasamid sa iniinom niyang tubig.
“Victor and Jiro right?” bati ng lalaki sa amin. Sya ang pinaka matangkad sa tatlo at moreno ang hulmadong katawan. “Ako nga pala si Lester, eto mga kasamahan ko, sina Alex at Gian, members kami ng...”
“Nang bandang pilak!” patuloy ni Jiro na nahihiyang lumapit sa kanila. “Taga-M University rin kayo, `di ba?”
“Aba, oo, kaka-graduate ko nga lang, actually, from Architecture!” sabi ng Alex na sa liit, eh mukhang highschool student lang.
“Architecture din kami ni Bicoy, incoming 3rd year kami next school year,” sabi uli ni Jiro na lumapit na sa kanila nang tuluyan.
“Is that so?” sabi ni Lester, “Ang liit talaga ng mundo! First time n’yo ba itong mag mo-model?”
“Opo!” sagot ni Jiro na tuwang-tuwang makausap ang mga idolo niya.
“Actually, Gian and I haven’t tried ramp modeling before, either,” tinuro ni Alex ang kasamahan nilang masamang makatingin, “this will be our first gig!”
“As if naman `di tayo tumutugtog sa entablado,” sabi ng Gian. “Buti nga itong si Lester, sanay na,” turo niya sa kasama.
“May magaling akong teacher,” sagot ni Lester, sabay akbay kay Rommel.
“So, what do you say, we grab something to eat to get to know each other better?” aya ni Ronald sa amin.
“It’s getting late,” sabi naman ni Gian. Mukhang bagay sila ni Keito. Hindi nawawala ang kunot sa noo.
“Oh, but it’s just eight PM, may oras pa tayong mag-usap nang sandali,” sabi ni Ronald. “Besides, I have a proposition for you.”
Tumingin kaming pareho ni Jiro kay Keito. Alam naming siya ang mareklamo.
“Okay, but just for a while.” Nagulat kami sa sagot nito! “Mamoru-nii is supposed to meet us here at 9 pm, so it’s okay.” paliwanag niya.
Nagpunta kami sa isang pizza parlor. Mukhang paborito `yun si Alex na pagdating ng pagkain ay lumamon agad.
“So, ano ba itong proposition na nabanggit mo?” tanong ni Rommel sa manager namin.
“Well, tungkol ito sa mga models natin,” sagot ni Ronald. “As you know, exclusive models namin si Victor at si Jiro, at exclusive naman sa iyo si Lester.” Ngumiti si Ronald na parang iba ang pinapahiwatig.
“Go on...” nginitian lang siya ni Rommel.
“So, since we’re practically sister companies, why don’t we... lend our exclusive models for some of your shoots and fashion shows?”
“Sir Ronald, you flatter us!” sabi ni Rommel na nahihiyang tumawa. “Napaka liit ng company ko compared to your international corporation na Blue Ridges!”
“Well, you can call it a favour from us,” sabi ni Ronald. “After all, parang child company namin ang LM since ang boss namin ang nagsusupply ng lahat ng raw materials ninyo. From the start, my boss wanted you to work as a designer for us, kaya nga ibinigay niya ang lahat ng tulong para masimulan mo ang iyong kumpanya.”
“And I am forever greatful to him,” sagot ni Rommel.
And now I can’t help but wonder, kung anong klaseng ‘favour’ ang hiningi nila Sir Lao kay Rommel.
Umakbay naman si Lester sa kaniyang partner.
“So, ano naman po ang hihingin ninyong kapalit?” tanong niya, at kahit pa nakangiti ay nakita kong malamig ang pagkakatitig niya kay Ronald.
Ako naman ay kumuha ng pizza at kumain na lang.
Ayoko nang makinig sa usapan nilang pag-haggle tungkol sa aming mga modelo na para bang mga produkto lang nila kami.
Napatingin ako kay Jiro instead. Kasalukuyan silang nag-uusap nina Alex na nagpapatugtog ng videos ng tugtugan ng kanilang banda.
“Oh, you’re good!” sabi ni Keito na mukhang hangang-hanga sa dalawang musikero.
Nakinood na lang ako sa kanila at na-distract nang magtawanan ang mga katabi namin.
“Okay it’s a deal!” napatingin kami kina Ronald. “I’ll take care of the contract. I’ll bring it on Wednesday.” nagkamayan ang dalawa at nag ‘okay’ sign pa sa akin si Ronald na mukhang tapos na kaming ibenta.