Walang galit na katok sa pintuan namin kinaumagahan. Nagising ako sa halik si Jiro na nakangiti sa akin, at sa ganda ng ngiting iyon, masasabi kong nawala na ang mga iniisip niya kagabi.
“Ohaiyou, mederu.” Hinalikan ko rin siya sa labi.
“Good morning,” sagot niya. “Pupunta tayo sa Blue Ridges ngayon, `di ba?” tanong niya sa akin.
“Oo nga pala, may photoshoot tayo ngayon!” umupo ako sa kama. “Himala at walang gumising sa atin ngayon?”
“Buti na lang kamo,” sagot niya na inunahan ako sa banyo.
Napatingin ako sa relo. Alas-nueve na, nakaalis na si Tita nito. Nagpunta na rin akong banyo at naghilamos habang nasa kubeta si Jiro. Maya-maya ay tumabi siya sa akin para magsipilyo.
Magkasama kaming lumabas, nakabihis at nakapaligo na. Nasa kusina si Keito, nakaharap sa kaniyang laptop. Hindi niya kami pinansin.
“Keito, where’s Mamoru-nii?” tanong sa kaniya ni Jiro.
“Work.” Matipid ang sagot nito.
Pumunta akong kusina at nakitang may mga pagkaing nakatabi roon para sa amin. Ininit ko ang mga ito sa microwave oven.
“Has the hearing started?” tanong ni Jiro sa pinsan niya.
“Not yet. It’s just a meeting between lawyers,” sagot ni Keito, “The actual hearing starts on Thursday, June 4.”
“Oh.” tinignan ni Jiro ang pinsan niyang hindi pa rin siya hinaharap. Nang hindi na siya pansinin nito ay pumunta na siya sa kusina. Tamang-tama naman na tumunog ang microwave. Inilabas ko ang umagahan namin.
“Where are you going?” hindi mapigilang tanong ni Keito na napansin na nakabihis kami pareho.
“We have a photoshoot for Blue Ridges,” sagot ni Jiro.
“Where?”
“In a hotel in Makati.”
“I’m going with you!”
Agad tumayo si Keito at isinara ang laptop niya.
“Hindi rin nakapagpigil,” bulong ko kay Jiro na nangiti. Tinignan naman ako nang masama ni Keito.
Maya-maya pa ay nakasakay na kami sa chedeng na minamaneho ni Mel habang sinusundan naman kami nina Nina sa likod.
“This hotel we’re going to, are you sure it’s secured?” tanong sa amin ni Keito.
“Probably,” sagot ko.
“Probably?!” napalingon sa amin si Keito.
“Well, Ronald said they were going to get part of the hotel closed off,” sabi ko. “Also, we have Nina and the rest, I think that’s enough to keep Jiro safe.”
“What if something happens this close to the court hearing date?” nakasimangot na sinabi ni Keito.
“Keito, calm down, it’s just a photoshoot. Besides, aren’t you with us as well?” sabi ni Jiro sa pinsan.
Mukha namang na flatter si Keito sa sinabi niya.
“Never the less,” sabi nito, “we need to be extra careful, who knows what your mother might be planning behind our backs.”
Napansin kong natigilan si Jiro nang mabanggit ni Keito ang nanay niya.
“We need to make sure that there are no media in the vacinity, as well as other suspicious people.”
“Melisa and the others will take care of that, right Mel?” sabi ko sa driver namin.
“Yes, sir, you can count on us, sir!” sagot niya.
Naka set na nga ang lugar sa pagdating namin sa hotel. May Japanese garden dito, at doon ang outdoor shoot namin for the day.
“For this season, ang napili naming theme ay Japanese, since mataas ang benta ng brand natin sa Japan, particularly after lumabas ang balita tungkol kay Jiro,” sabi sa amin ni sir Ronald. “Pumunta na kayo sa make-shift dressing room para magpalit.
Matapos ang photoshoot sa garden ay nag-change location pa kami, para sa underwear line na kinunan sa open bath house ng hotel na parang garden hot spring ang dating.
“Okay, Victor, take one step out of the hot pool, tapos lumingon ka patalikod sa kamera,” utos sa akin ni Ronald na siya na rin atang art director. Mas mautos pa siya kesa sa camera man. “Ayan, now flex your back muscles... great! Isa pa... now, change into this one.”
Nag-abot sa akin ng bikini briefs si Ronald. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga.
“Jiro, ikaw naman habang nagpapalit si Victor,” tawag niya kay Jiro na nakasuot ng boxer briefs.
Unfair, `di ba?
Well, mas gusto ko na yun kesa kung si Jiro ang mag po-pose na suot ang kakapiranggot na brief na tulad ng mga mino-model ko.
“Are you not done yet?” tanong ni Keito nang mapadaan ako sa kaniya papuntang dressing area.
“I think this is the last one,” sagot ko sa kaniya na nakasimangot nanaman. Pero titig na titig siya kay Jiro.
“Baka matunaw, `oy,” sabi ko, naiirita.
“What?” napatingin siya sa akin at umiwas din `uli.
“Nothing,” sagot ko at dumiretso na sa banyo.
“I know that, matunaw means melt. What’s going to melt?”
Natawa na lang ako. Pareho kasing nag-aaral sina Keito at Mamoru mag tagalog para mas maayos silang makapag-usap sa mga pinoy. Although mas mabilis natututo ang mas matandang Akari.
Pagbalik ko ay hindi pa tapos si Jiro, at si Keito naman ay nasa may likod na ng cameraman.
Pasimple rin `tong kumag na `to eh, obvious naman na malakas tama n’ya kay Jiro ko.
“Victor, halika, magkasama kayong kukunan sa susunod na set,” tawag sa akin ni Ronald.
Pinagsuot niya ako ng mahabang coat na may fur sa collar at pinatabi si Jiro sa akin.
Nang sa wakas at natapos din ang photoshoot ay pinagbihis na kami ni Ronald at tinawag para kausapin.
“Magkakaroon ang Blue Ridges ng fashion show this July,” sabi niya sa amin. “I want to know if you’re okay with that.”
“Fashion show?” tanong ko.
“Oo,” sagot ni Ronald. “Hindi lang kayo basta tatayo rito, kailangan n’yong lumakad sa entablado.”
“Sa July siya?” tanong naman ni Jiro na mukhang nag-aalangan, iniisip niya ang kaso ng nanay niya.
“Don’t worry, I’m planning to train you before the event, para matuto kayong rumampa nang maayos!” nakangising sinabi ni Ronald.
“Hindi kami sigurado, Ronald, alam mo naman na may kaso kaming inaasikaso ngayon...” sabi ko sa kaniya.
“Ah, oo nga pala, kamusta na nga ba ang kaso ninyo?”
Alam ni Ronald ang tungkol sa kaso ni Jiro. At bakit hindi, eh, naging kasangkapan din siya rito.
“Okay naman po, mag s-start na ang hearing sa Thursday next week,” sagot ni Jiro, “Pero, ayon sa pinsan ko, matagal pa raw bago kami sasalang sa korte.”
“O, ayun naman pala, eh,” sabi ni Ronald, “Eh `di habang hindi pa kayo pinapatawag, eh, isasalang ko naman kayo sa modeling workshop!”
Napatingin sa akin si Jiro na mukhang nag-aalangan.
“Tanungin na muna namin si Mamoru, sir Ronald,” sabi ko sa kaniya.
“Okay, tuwing M-W-F evenings ang workshop at two weeks lang ang itatagal niya, ang show naman ay last week of July, so don’t worry, marami pang panahon.”
“Sure, why not?” agad namang sumang-ayon si Mamoru sa plano ni Ronald. “It’s a good distraction from the case, also, it’s much better than staying in the flat all day.”
“Mamoru-nii, what about their security?” singit ni Keito na tutol sa training.
“Well, you’re here, aren’t you?” sabi ng nakatatanda niyang pinsan. “We also have Sam and the rest.” Hindi na sumagot si Keito, pero `di rin nawala ang kunot sa kaniyang noo.
“Well then, training starts next week,” sabi ko, “We’ll be in the Blue Ridges main Building from 7 PM till 9.”
“Got it. I’ll take note of that,” sagot ni Mamoru.
“How about you, Mamoru-nii?” tanong ni Jiro. “How was your meeting?”
“Well, everything seems to be going smoothly. We were given Tuesdays and Thursday mornings for the hearing. We’ll be starting on Thursday, June 4.”
“Are you sure we don’t need to come on the first day?” tanong ko sa kaniya.
“Yes, there’s no need to come, in fact, there’s no need for you guys to worry about it,” sagot niya. “Just leave everything to me.