Tinuloy nga namin ang araw-araw naming gawain, tulad ng payo ni Mamoru. Pumasok kami sa school, nagpaka saya, tumambay kasama ng mga kaibigan namin, kumain sa labas at nag-aliw-aliw kapag may free time.
Nagkaroon `uli kami ng photoshoot sa Blue Ridges at lumabas pa sa maiksing intervew para sa isang fashion magazine nang April. Ang binigay naming background ay bilang mga working university students na sinusuportahan ang aming sarili.
Importante daw ang mga ito, sabi ni Mamoru, para makita ng mga fans na marangal kaming tao na nagpupursige para maiahon ang mga sarili namin sa hirap.
Sana nga ay iyon ang isipin nila.
Sana hindi na lumabas pa ang iba.
We had a small celebration for Jiro’s birthday come April 15. Gumimik kami nila Jojo, Rick at Tony, kasama ang mga ka-close namin sa block section namin para magkainan at mag inuman sa isang resort na pina-reserve ni Mamoru.
Mayo na nang makakuha kami ng summons. Mag sisimula na raw ang kaso namin, at laking pasalamat namin at patapos na ang aming mga klase sa university.
“Will we need to attend every hearing?” tanong ni Jiro na kinabahan nang sabihin sa amin ni Mamoru ang tungkol sa balita.
“No, only on the day when you need to testify.” mahinahong sagot ni Mamoru. “For now, I want the both of you to stay calm. Don’t think too much about it. I don’t want you to look like nervous wrecks when you come to court. Just remember to tell them the truth, and leave everything else to me.”
Pero hindi `yun sapat para mapanatag si Jiro.
Nang gabing iyon mismo, pumunta siya sa kwarto ko na nanginginig ang katawan.
“Jiro, anong problema?” tanong ko nang pagbuksan ko siya ng pinto. Tulad niya, hindi rin ako makatulog.
“Natatakot ako, Bicoy...” pag-amin niya sa akin. “Natatakot ako sa p’wedeng gawin ni mama... sa mga kasinungalingan na p’wede niyang sabihin... paano kung... paano kung pati ikaw masira sa mga sasabihin niya?”
“Ako pa talaga ang naisip mo!” hinimas ko ang likod niya habang yakap siyang mahigpit.
“Pero Bicoy... ang ganda na ng buhay natin ngayon... exclusive models na tayo ng Blue Ridges, may gusto pang kumuha sa atin as commercial models... pero sa gagawin natin... sa maaring ilabas ni mama...”
“Well, sabi naman nila, walang sikretong hindi nabubunyag...” sagot ko na agad kong pinagsisihan, dahil biglang napaiyak si Jiro. Sinama ko siya sa aking kama kung saan ko siya pinaupo.
“B-Bicoy...” tawag niya sa akin matapos ko siyang mapatahan, “pag-iniisip ko ang mga nangyari sa akin... ang mga ginawa ko... alam kong maraming tao ang mandidiri sa akin... kahit ako, hindi ko masikmura ang nakaraan ko... at pag nalaman nila na may relasyon tayo, sigurado pandidirihan ka rin nila. Ayokong pati ikaw madamay sa problema ko, Bicoy.” muli s’yang naiyak. “Ayokong mababoy ka rin dahil sa-“
Tinakpan ko ng halik ang mga labi niyang nanginginig.
“Ikaw lang ang nag-iisang taong may alam ng buong katauhan ko,” sabi ko sa kaniya. “Ikaw lang ang pinagsabihan ko nang lahat ng kalaswaang napagdaanan ko.” muli ko siyang hinalikan. “Kaya `wag mong isipin na ikaw lang ang madumi o nakakadiri.”
Hinimas ko ang mukha niya, pinunasan ang kaniyang mga luha.
“Gusto mo bang iwan kita, Jiro?” tanong ko sa kaniya na agad napahagulgol.
“Hindi!” sabi niya.
“Kung ganoon, ba’t mo pa `yan iniisip? Sa tingin mo ba, eh, makakaya ko pang humiwalay sa `yo?”
Umiling siya.
Hinimas ko ang batok niya. Tinitigan ang mga mata niyang pilit na umiiwas sa akin. Nang mahuli ko ang kaniyang tingin ay hindi ko na ito pinakawalan.
Naglapit ang aming mga mukha, nagdikit ang mga labi, at sa bawat halik ay pinadama namin sa isa’t-isa ang lalim ng aming pagmamahalan.
Hinatak ko siya pahiga sa kama, inalis ang suot niyang kamiseta at salawal. Hinatak rin niya ang akin pababa at sa pag patong niya sa kandungan ko ay agad kong hinawakan ang magkabila niyang pigi at itinutok ang katigasan ko sa butas sa gitna nito.
Kanina pa nga ako nasasabik sa kaniya, at sa pagkakatayo ng ari niya ay alam kong ganon din ang nadarama niya sa akin. Idiniin niya at pinapasok ang basa kong sandata sa kaniyang bukasan, at sabay kaming napaungol nang balutin ng mainit niyang kuweba ang aking ari. Maya-maya pa at taas-baba na siyang tumatalbog sa aking harapan, sabay sa bawat kadyot ng aking balakang.
Nakatingala ako sa kaniyang mukhang hayok na hayok sa akin. Alam kong gayon din ang nakikita ng mapupungay niyang mga mata.
Ibinuhos namin ang lahat ng takot, ang lahat ng nerbiyos at pag-aalala sa aming pagtatalik. Kailangan mawala ang lahat ng alinlangan sa loob namin. Kailangan harapin namin ang laban na ito nang may tapang at lakas ng loob, at habang kami ay isa, lalo namin nadarama, na walang ano man o sino mang makakatalo sa amin. Hindi na nila kami mapaghihiwalay pa.
Umigtad ang katawan ni Jiro sa ibabaw ko. Napapikit siya at napatingin sa taas sa pag hagis ng t***d niyang mainit sa aming dibdib.
Humihingal siyang bumagsak sa dibdib ko, napapapikit na sa pagod. Hinalikan ko siya sa noo at niyakap.
“Magpahinga ka na, mahal ko.” bulong ko sa kaniya. “Nandito lang ako sa tabi mo. Oyatsumi, mederu.”