“Shenna.” Agad na napaiwas ako ng tingin kay Rash. Bumaling kay Manang Rose ang mga mata ko. Parang gusto ko siyang pasalamatan at iniligtas niya ko sa tanong ni Rash. “B-Bakit po Manang?” agad akong lumabas ng kwarto at iniwan si Rash. Dali dali akong hinila ni Manang Rose palabas ng bahay. “M-Manang, h-hindi ko alam ang isasagot ko kay Rash.” naluluhang sabi ko. Agad naman akong hinaplos ni Manang sa pisngi. “K-Kung sabihin mo na lang kaya sa k-kanila ang totoo.” Napailing ako sa sinabi ni Manang Rose. Pinahid ko ang luhang kumawala sa mga mata ko. “H-Hindi pa pwede Manang, a-alam niyo naman pong m-magulo pa ang lahat.” napabuntong hininga si Manang Rose. “Naaawa na ko sa kambal, sabik na sabik sila sa mga magulang. Si Dash, kahit sinasabi niya na wala na siyang pakialam sa tot