“S-Sorry, kamukha mo kasi talaga ang asawa ko.” hinging paumanhin ko. Natigilan siya sa sinabi ko. “A-Asawa mo yung Ice?” parang hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango naman ako. “Bakit?” “Wala naman, parang ang bata mo pa kasi para magkaroon ng asawa.” napataas ang kilay ko sa sinabi niya. “Twenty five na ko.” mukhang nagulat na naman siya sa sinabi ko. “Twenty five ka na? Mukha ka lang estudyante.” naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. “Bakit mo naman nasabi?” nakapamaywang na sabi ko. “Dahil... Medyo maliit ka.” sabi na nga ba eh. Natawa naman siya sa naging reaksyon ko. “Ikaw, ilang taon ka na ba?” tanong ko. “Basta, lagpas na ko sa kalendaryo.” sabi nito at napakamot pa sa kilay niya. “Tapos na po ba kayong mag-usap?” napalingon kami kay Anthony na nakatingala samin