CHAPTER 3

1277 Words
“Pera mo lang ‘yan, Nick. Hindi akin ‘yan. Ang gusto ko, magtatrabaho ako para meron naman akong matawag na akin lang. Kasi alam kong darating ang araw na iiwan mo rin ako, na mag-isa na lang ako. Kapag mag-asawa na kayo ni Katrina at kung darating man ang araw na mawala ka na sa buhay ko, saan ako pupulutin kung hindi ko paghahandaan ang future ko?” “Bakit, Nicole? Akala mo ba iiwanan kita? Kahit meron na akong asawa, mag-best friend pa rin tayo,” sabi ni Nick sa akin. “Okay, Nick. Sinabi mo eh, pero hindi magbabago ang isip ko. Gusto ko pa rin magtrabaho.” Umakyat ako sa taas para mag-shower at ipinikit ko ang aking mga mata at tumulo ang aking mga luha. Naaawa ako kay Nick, pero paano naman ang magiging buhay ko kung siya ang pipiliin ko, kung siya ang uunahin ko? Sa tagal ng friendship namin, ngayon lang ako nagdesisyon nang akin. Nakita kong nasasaktan siya pero kailangan ko itong gawin. Hindi na ako bumaba pagkatapos kong mag-shower, natulog na ako nang maaga para kinabukasan ay magluluto ako ng breakfast. Ayaw kong umalis nang hindi makakain si Nick. Pinilit kong ipikit ang aking mga mata para makatulog ako. Nagising ako sa lakas ng aking alarm clock. Agad akong bumangon at bumaba para magluto ng breakfast. Gumawa na rin ako ng paborito niyang ulam na afritada. Habang naghuhugas ako ng mga gulay nagulat ako nang may biglang yumakap sa aking likod. “Nick, ang aga mo namang gumising, hindi pa ako nakaluto. Umupo ka muna at magtitimpla ako ng gatas para sa ‘yo,” sabi ko sa kanya pero hindi niya pa rin ako binitawan at patuloy pa rin siya sa pagyakap sa akin. “Nick, bakit? Meron ka bang problema? Nag-away ba kayo ni Katrina?” tanong ko kay Nick. “Na-mimiss kita, Nicole. Kahapon, mag- isa lang ako rito. Na-mimiss ko ang mga luto mo at na-mimiss ko ang pag-aalaga mo sa akin. Nasanay na ako na lagi kang nasa tabi ko,” saad niya sa akin. Alam kong naglalambing siya dahil gusto niya akong mag-stay sa bahay at ayaw niya na akong magtrabaho. “Nick, I’m sorry…” “Nicole, huwag ka nang magtrabaho. Dito ka na lang sa bahay. Pera? Marami tayong pera! Kung may gusto kang bilhin, bilhin mo lahat, basta dito ka lang sa tabi ko, please. Kahit saan ako magpunta, isasama kita. Huwag ka nang magtrabaho sa iba.” “Nick, please. Intindihin mo ako. Gusto kong gawin ‘to para sa sarili ko, hindi naman kita iiwanan eh, nandito lang ako para sa ‘yo. Hindi ako mawawala, magtatrabaho lang ako.” Umupo si Nick at tinititigan niya ako pero umiwas ako sa mga titig niya. “Nick, may lakad ka ba ngayon?” “Mayroon pero mamaya pa naman eh.” “Magluluto na rin ako ng ulam para may kakainin ka pag-uwi mo.” Nagtimpla ako ng coffee para sa aming dalawa at bawat galaw ko nakatingin si Nick sa akin. Umupo ako sa kabilang upuan. Nag-smile ako sa kanya at nakita ko ang lungkot ng kanyang mga mata. “Nicole, babae ba ang boss mo? May anak ba, matanda or hiwalay sa asawa?” “Nick, none of the above. Binata pa siya, kaedad ko lang. Hindi ko lang alam kung may girlfriend ba siya. Baka gusto mong tanungin ko siya?” “Binata? Ahhh kaya pala ayaw mong umalis doon kahit anong pilit ko sa ‘yo. Guwapo ba siya?” “Oo naman. Mas guwapo pa sa ‘yo.” “Ihatid na kita sa opisina mo, Nicole, at sunduin na rin kita mamaya.” “Ha? Nick, hindi na. Okay na ako. Ano ka ba?” “Ihahatid-sundo kita o patitigilin kita sa pagtatrabaho? Mamili ka!” Dahil ayaw ko ng gulo, pumayag na lang ako na ihatid-sundo ako ni Nick sa opisina. “Nick, kailangan mo pa bang gawin ito? Parang ang overacting mo na kasi, eh. Bakit biglang nagkaganyan ka?” “Bakit, Nicole? Ayaw mo ba na gagawin ko ito sa ‘yo? Bakit? Gusto mo iba ang gumawa sa ‘yo nito? Ang maghatid sa ‘yo sa trabaho at ihatid ka sa bahay natin?” “Nick, nagseselos ka ba?” “Nicole, siyempre. Ayaw kong mapunta sa iba ang atensyon mo. Baka kasi kung may boyfriend ka na, iwanan mo na ako.” “Nick, kailangan ko ring magkaroon ng boyfriend ‘no! Anong gusto mo tumanda akong dalaga? Huwag naman, gusto ko ring magkaroon ng magagandang lahi, ‘no!” Hindi na nagsalita si Nick at nag-focus na lang siya sa pagmamaneho. “Nick, galit ka ba? Uy, nagseselos siya. Hayaan mo, tsaka na ako mag-boyfriend kapag may asawa ka na.” “Nicole, ayaw kong mag-asawa. Gusto ko ganito lang ako, walang obligasyon sa buhay. Kasama kita hanggang sa tumanda tayong dalawa.” “Puwede ba ‘yon? Sinong mag-aalaga sa atin kung tumanda na tayo?” “Problema ba ‘yon? Mag-aampon tayo,” natatawang saad ni Nick. “Nick, cute mo talaga at ang guwapo mo pa. Anong mag-ampon? Tumigil ka nga.” “Alam ko noon pa na guwapo at cute ako, ‘no. Kaya nga ang daming nagkagusto sa akin, eh.” “Ang yabang mo! P’wede ba, magpa-humble ka naman kahit minsan. Nick, dito na tayo. Ito ang building ng pinagtatrabahuhan ko. Dito na lang ako. Umuwi ka na, ha? May niluto na akong food para sa lunch mo initin mo na lang, ha.” “Okay, Nicole. Salamat. Sunduin kita mamaya, ha? Bye, bye.” Pagpasok ko sa opisina ay tinititigan ako ni Sir Jake kaya naman binati ko siya. “Good morning, sir.” “Good morning, Nicole. Nakita kita kanina, boyfriend mo ba ‘yong naghatid sa ‘yo kanina?” “Ahh, hindi. Si Nick lang po iyon, best friend ko mula pa noong high school.” “Ahh best friend? Akala ko boyfriend mo.” “Hindi may girlfriend siya, si Katrina. Maganda, mayaman at model pa. At bakit ko ba siya magiging boyfriend? Ang swerte naman niya!” Tumawa si Jake nang marinig niya ang mga pinagsasasabi ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang kinikiliti ako sa bawat palihim niyang pagngiti. Inabot niya sa akin ang files at umalis din siya agad. “May lakad ako ngayon, Nicole. Baka gabi na ako uuwi, kung may tumawag sa akin sabihin mo lang na nag-out of town ako.” “Ha? Magsisinungaling po ako, sir?” “At huwag mo akong i-po, magkaedad lang tayo. Oo, magsisinungaling ka. Kasama sa sahod mo ang pagsisinungaling mo.” Pag-alis ni Sir Jake ay may tumawag sa telepono. “Yes, hello? Good morning. How may I help you?” At nagulat ako na babae ang sumagot sa kabilang linya at galit na galit pa. “Yes, si Jake nasaan? Ibigay mo sa kanya ang telepono!” “I’m sorry po, Ma'am. Nag-out of town po si Sir Jake. Gabi pa siguro ang uwi niya.” “Litse! Buwiset! Sabihin mo sa boss mo na kung dumating siya, tawagan niya ako. Kasi kung hindi, ipapatukhang ko na siya!” At binagsak niya ang telepono sa kabilang linya. “Aray ko! Ahh kaya pala sinabi niya kanina na kasama sa trabaho ko ang pagsisinungaling. Ahhh so malandi pala ang boss ko? Okay, okay. Basta kasama sa sahod.” Ilang sandali lang ay may tumawag na naman sa telepono at hinanap na naman siya. Babae pa rin at pareho lang ang sagot ko na nag-out of town ang boss ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD