MADALING-ARAW na pero, mulat pa rin ako. Nakahiga at nakatitig ako sa madilim na kisame at sa gilid ko ay si Senyorito Matthew na nakadagan ang isang braso sa aking tiyan. Pagod at masakit ang halos buo kong katawan. Pakiramdam ko kanina ay walang balak si Senyorito Matthew na tigilan ako. Pagkatapos kasi ng unang beses niya kong angkinin ay nasundan pa ng ilan. Babago pa lang ako bumabawi ng lakas ay naroon na naman siya sa katawan ko.
Alam ko sa aking sarili na hindi ko gustong ginagamit niya ako nang ganito, walang pag-iingat na parang pinarurusahan niya pero, hindi ko maintindihan kung bakit isang hawak lang ni Senyorito Matthew sa akin ay nalilimutan ko na rin kung paano ba ang tumanggi. Hindi ko sigurado kung dahil ba eksperto na siya rito kaya alam niya kung paano pasusunurin ang katawan ng isang babae, o dahil sa tuwing hahalikan niya ako ay iniiwan ako agad ng aking katinuan at tanging ang nararamdaman ko para sa kaniya ang nangingibabaw.
Naiisip kong umalis na bilang respeto sa sarili ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko haharapin si Senyorito Matthew. Gusto ko mang magalit sa pang-aabuso niya sa kahinaan ko ay nag-alala akong baka pagtawanan lang din niya. Hindi ko kasi maikakaila ang naging klase ng pagtugon ng katawan ko sa kaniya.
Pinasadahan ko ng palad ang mga pisngi kong natuyuan na ng luha. Inayos ko rin ang kumot na nakatakip sa aking dibdib. Natigilan ako nang biglang kumilos si Senyorito Matthew. Naalis ang braso niyang nakadagan sa akin nang tumihaya siya at pagkatapos ay muling tumagilid ng higa, ang likod ay sa akin.
Pinagmasdan ko ang hubad at malapad na likuran ng abogado. Pinakiramdaman ang susunod na kilos niya pero, mukhang nagpatuloy na siya sa pagtulog. Dahan-dahan akong nagtanggal ng kumot. Pagkatapos ay bumangon ako at buong ingat na tumayo.
Nilingon ko ulit ang nasa kama. Nang matiyak na hindi ko siya nagamba;a ay hinagilap ko na sa sahig ang damit at ang panloob ko. Walang ingay akong lumabas ng kwarto niya saka dali-dali namang pumasok sa kabilang silid.
Isinuot ko ang underwear. Nagsuot din ako ng bra at kumuha ng ibang damit at saka sinuklay ng mga daliri ang aking buhok. Wala nang oras para i-empake ang lahat ng gamit ko kaya naglagay na lang ako ng ilang pirasong damit sa aking bag. Palabas na ako ng kwarto nang mapag-isip-isip kong wala akong pera. Barya lang ang nasa wallet ko at siguradong kukulangin iyon sa pamasahe pa lang pabalik sa Sta. Magdalena.
Isang ideya ang pumasok sa isip ko na nagpakaba sa akin. Pero dahil wala akong pagpipilian ay lumabas ako at maingat na pumasok sa kwarto ni Senyorito Matthew. Iniwan kong nakabukas ang pinto. Pabalik-balik ang tingin ko sa abogadong mahimbing na natutulog at sa pantalon niya na naroon sa sahig. Naalala ko nang ilibre niya ako ng pamasahe sa tricycle. Matagal na iyon pero, siguro naman ay hindi siya nawawalan ng bills sa pitaka. Noong isang araw nga ay inabutan niya ng ilang libong pisong papel si Ate Rosa para pamalengke.
Maingat kong pinulot ang pantalon ni Senyorito Matthew. Panay pa rin ang sulyap ko sa kaniya habang kinakapa ang wallet sa mga bulsa. Umaasa akong may madudukot sa pitaka niya dahil naalala ko ring may nagsabi na hindi raw uso ang bills sa mga mayayaman. Mas madalas na raw kasi na card ang ginagamit ng mga ito kapag may bibilhin.
Natigilan ako nang sa wakas ay makapa ko ang aking hinahanap. Dahan-dahan ko munang ibinaba ang pantalon sa sahig at saka nagmamadali namang binuksan ang leather na pitaka.
“That’s stealing, sweetheart.”
Talo ko pa ang tinamaan ng kidlat nang magsalita si Senyorito Matthew. Sigurado na mukha akong binabad sa suka nang magtaas ng tingin sa kaniya. Nanginig ang mga labi ko sa takot.
Bumangon siya mula sa pagkakahiga at ilang sandaling pinagmasdan ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hawak ko pa rin ang wallet niya na tila napagkit sa aking mga kamay.
“You’re caught in the act. Pwede kitang dalhin ngayon mismo sa pinakamalapit na presinto at kasuhan.”
Hindi ako nakakibo. Nakita ko siyang umahon sa kama. Kalmado siyang lumakad patungo sa akin na tanging briefs lang ang suot. Naalala ko ang nagdaang gabi. Umahon ang sama ng loob ko nang maalala ko kung paano niya ako inangkin. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa ibaba niya. Mahigpit akong lumunok at nagtapang-tapangan. Binitiwan ko ang wallet niya at hinayaang mahulog sa sahig.
“Ako pa ba ang kakasuhan mo ngayon? Hindi ba’t ako ang dapat magreklamo dahil sa ginawa mo?”
“At anong ikakaso mo sa akin? k********g with r*pe? Hmm?”
Natigilan ako at hindi nakasagot. Humakbang pa siya palapit.
“Pinalayas ka sa inyo, tinulungan kita. I couldn’t remember any moment na pinilit kitang sumama. Kinupkop kita rito sa bahay ko. Nangako rin akong pag-aaralin ka. Ipinakilala kita na pinsan ko para hindi ka pag-isipan nang hindi maganda ng mga tao. Does it look like I kidnapped you? I don’t think the prosecutor will see it that way. Wala rin akong nakikitang probable cause.”
“H’wag mo ‘kong gamitan ng mga termino n’yo. Ang alam ko lang, sinamantala mo ang sitwasyon ko. Oo, hindi mo nga ako kinidnap pero, dahil sa sinasabi mong utang ko na dapat bayaran, sumama ako sa’yo. At kagabi-”
“Anong nangyari kagabi?” putol niya sa sinasabi ko. Lumunok ako at nagpatuloy.
“Sinamantala mo ang kahinaan ko, Senyorito.”
Tumango siya. “I admit. I put a little force on you on bed. All right. Magsampa ka ng kaso. Pero ako na ang nagsasabi sa’yo, malabong umakyat ‘yan sa korte. Unang-una, ilang araw ka nang nandirito sa poder ko. Sinong maniniwala na labag sa loob mo ang pagsama sa akin o ang pagtulog sa kama ko? May I also remind you of what happened in my jeep. Iginiit mo pa sa’kin na hindi ka na bata. At kagabi, kahit pinuwersa kita sa una, hindi mo maitatago sa akin na tumugon ang katawan mo. You enjoyed it, I know.”
Umahon ang galit ko dahil sa huling sinabi niya. Ramdam ko ang pagpitik ng aking mga sentido sa sobrang pagkainsultong naramdaman. Pero pinigilan ko ang sarili kong sugurin siya.
“Ang sama-sama mo! Abogado ka nga! Ang galing mong mambaligtad, Senyorito! Kahit baluktot, kaya mong tuwirin basta mahanapan mo lang ng butas!”
“You’re right. That’s my expertise, Gigi," mahinahon niyang sagot. "Kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo na wala kayong makukuha sa akin. Kaya kung ang balak mo sana ay takasan ako at umuwi sa inyo, hindi rin kayo mananalo. Hindi ko ibibigay ang danyos na hinihingi ng madrasta mo.”
Natahimik ako sandali at buong pagtatakang tiningnan siya. “A-ano? Anong danyos? Anong sinasabi mo? At bakit ba lagi mong isinasali sa usapan si Tita Donna?” naguguluhan at sunod-sunod na tanong ko.
“Of course, you will act as if you don’t know. O pwedeng nalimutan mo nga na nagsumbong ka sa tiyahin mo at sinabi mong pinilit kitang sumama rito sa akin sa Irosin?”
Natigilan ako sa aking mga narinig. Paano nalaman ni Tita Donna na kay Senyorito Matthew ako nakatira? Alam na ba ng mga taga-asyenda at nakarating iyon sa kaniya?
“Do you know what she did?” patuloy ng abogado. Napatingin ako sa kaniya. “Dumirecho ang madrasta mo sa Lolo ko at sa mismong harapan ko, inakusahan niya akong tinangay ko raw ang anak-anakan niya. At humihingi siya ng danyos perwisyo kapalit ng hindi niya pagdedemanda.”
Nalilitong umiling ako. “Hindi ko alam ‘yan… Kung anuman ang ginawa ni Tita Donna, wala akong kinalaman doon! Ni hindi ko nga sinabi sa kaniya na sumama ako sa’yo!” mariing sabi ko.
Natigilan sandali ang abogado at matamang pinagmasdan ako. Narinig ko ang malakas na pagbuga niya ng hangin bago ako sinagot.
“It’s not what more important, now, Gigi. May alam ka man o wala sa plano ng madrasta mo, hindi na iyon ang kaso. Nangyari na ang mga nangyari. We just have to face the consequences. Pananagutan ko ang inaakusa nila sa akin tutal nasulit ko naman ‘yon kagabi," walang kagatol-gatol na wika niya. Pinagmasdan niya ako. "I will marry you, Gigi. At katumbas no’n, walang makukuha ang madrasta mo na kahit magkano galing sa’kin. Naiintindihan mo?”
“Hindi! Dahil unang-una, hindi ko hinihinging panagutan mo ako! At lalong hindi ko kailangan ang pera mo!” Halos sumabog ang dibdib ko sa galit sa kaniya. Ganitong klaseng tao ba ang hinahangaan ko? Siya ba talaga ang taong laman ng isip ko nang nagdaang mga araw? Pangalan ba niya ang nasa diary ko noon? Pakitang-tao lang pala ang kabaitan niya! Wala siyang pinagkaiba sa matapobreng tiyahin niya!
“Arogante kang abogado ka! Hayaan mo na lang akong umalis! Tutal sa’yo na rin nanggaling na nasulit mo na ako kagabi! Bayad na rin ako sa’yo!
At sa kabila ng panggagalaiti sa boses ko ay kalmado siyang umiling. “No, it’s not like that. Ang nangyari kagabi, nangyari para mas may rason ako na panagutan ka. Ang utang mo, utang pa rin. At makakabayad ka lang kapag pumayag kang magpakasal sa akin.”
“Wala kang mapapala sa pagpapakasal sa’kin! Alilain mo na lang ako kung gusto mo akong makabayad sa’yo!”
Pinasadahan niya ng palad ang mukha at iritadong bumuga ng hangin. “You know what, Gigi, saka na ulit tayo mag-usap. You’re not making any sense, sweetheart. Masyado mong pinapairal ang pride mo at ang emosyon."
"Ano? 'Yan lang isasagot mo sa akin?" natatawang tanong ko.
"Pagod ka lang at puyat. I’ll give you enough time to sleep today. Don’t worry, walang pupuntang trabahador ngayon araw dito kaya walang iistorbo sa’yo. Nasa ibaba lang ako. Kaya h’wag mo ring iisipin pang tumakas dahil kapag nagpumilit ka na naman, alam mo na kung ano ang mangyayari.” May halong pagbabanta ang huling sinabi niya bago ako tinalikuran at pinulot isa-isa ang mga pinaghubaran.
Hindi na niya ulit ako pinansin bago siya pumasok ng banyo. Wala akong nagawa kundi ang lumabas ng kwarto niya at bumalik sa kwarto ko. Nahiga ako na sandamakmak ang iniisip bukod pa sa masama ang loob.
Kaya pala niya ako inalok ng kasal ay dahil sa paratang ni Tita Donna. Naiintindihan ko naman na nakakagalit talaga ang ginawa ng tiyahin ko. Nagmalasakit na sa akin ang abogado pero, pinagbintangan pa ng kung ano-ano.
Hinihingan pa raw siya ng danyos perwisyo? Wala sa sariling napailing ako.
Kung tutuusin ay nakakahiya talaga kay Senyorito Matthew. At kung nalaman ko ito bago pa ang nangyari sa amin baka nagmamakaawa ako ngayon sa kaniya para patawarin si Tita Donna sa ginawa nito. Kaya pala mistula niya akong pinarusahan sa buong magdamag. Pinarusahan niya ako samantalang wala akong kaalam-alam sa ginawa ng madrasta ko. Malinaw na sa akin kung bakit ramdam ko ang galit niya habang inaangkin ako.
Humugot ako ng hangin at tumitig sa kisame. Ang hindi malinaw sa akin ay kung bakit naniwala agad si Senyorito Matthew sa sinabi ng madrasta ko na nagsumbong ako rito. Ganoon ba ang pagkakakilala niya sa akin? Ni hindi ko nga sinabi kung sino ang kasama ko. Nagtataka rin ako na alam ni Tita Donna na kay Senyorito Matthew ako nakatira. Si Melba lang naman ang nakakaalam noon.
Maliban na lang kung alam din ng pamilya ni Senyorito Matthew. Naalala ko kasi na nagpaalam siya kay Don Hernando bago kami umalis ng villa. Hindi ako sigurado kung ipinaalam din iyon ng abogado sa tiyahin niya at lalo na roon sa Stephanie.
Lalong sumama ang loob ko nang maisip ang anak-anakan ni Ma’am Samantha. Sigurado akong may relasyon sila ni Senyorito Matthew at inililihim lang nila sa pamilya nila. Dati na kasing umuugong sa buong asyenda ang balita na gagawin nang legal na Ylustre ang mga anak ng asawa ni Ma'am Samantha para maging legal nang apo ni Don Hernando.
Natigilan ako bigla sa aking naisip. Malabo pa sa akin kung bakit kasal ang gusto ng abogado na ipambayad ko sa kaniya. Bukod sa katawan ko, wala siyang ibang makukuha sa kagaya kong ulila na nga sa mga magulang, wala pang maayos na direksiyon ang buhay. Ni wala akong maipagmamalaki. Habang si Stephanie, prinsesa na kung ituring dahil naroon ito sa 'palasyo'.
Hindi kaya inalok niya ako ng kasal para pagtakpan ang relasyon nila ng anak-anakan ng tiyahin niya?