Chapter 31

2267 Words
PAGLABAS ko ng banyo ay napansin ko agad na wala si Gigi sa higaan niya. Dali-dali kong binuksan ang ilaw at hinanap siya sa buong kwarto. Palabas na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Gigi. Nagulat pa siya nang makita ako. “Where have you been? Bakit lumabas ka? Anong ginawa mo?” Hindi ko napigilan ang sunod-sunod na tanong. “H-ha? Ah… p-pinagbuksan ko kasi ng pinto si Ate Candy.” Nagsalubong ang mga kilay ko. “Bakit pa? Ipinakuha ko sa kaniya ang reserbang susi sa side board kagabi bago ako umakyat. Hindi ko rin d-in-ouble lock ang pinto sa unahan.” Natigilan si Gigi at bahagyang namilog ang mga mata. “G-gano’n ba?” Hindi ako sumagot at tiningnan lang siya. Humakbang siya papunta sa kama at muling humarap sa akin. “E… naiwan siguro niya kaya hindi nakapasok.” Ilang sandali ko siyang pinagmasdan. I knew that something’s going on with her that she didn’t want to talk about. Ito ang sinasabi ko, may pagkakataon talaga na para akong nangangapa kay Gigi. “Matthew…” marahang tawag niya at lumapit sa akin. Akala ko ay magsasabi na siya ng problema niya pero, nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Ilang sandali pa ang lumipas at napangiti na lang ako. I hugged her back. Lalong humigpit ang yakap ni Gigi sa akin at pakiramdam ko ay ayaw niya akong pakawalan. “S-sorry, Matthew…” Natigilan ako. Sorry? Niyanig ng kaba ang dibdib ko. Pinakawalan ko siya at bahagyang inilayo. “Bakit ka nagso-sorry?” Umiling si Gigi. Nakita ko ang bakas ng luha sa mga mata niya. Muli niya akong niyakap. Pagkatapos ay hinawakan niya ang aking mukha at hinalikan ako sa mga labi. Napatugon ako sandali pero, dahil nahihiwagaan talaga ako kay Gigi ay ako na ang kusang tumapos ng aming halikan. Pinagmasdan ko siya. “What’s the matter? Para saan ang sorry?” “Kasi… kasi…” She began to cry. Hindi ko na tuloy napigilang mag-alala at mataranta. Hinawakan ko siya sa mukha. “Kasi ano? Tell me.” Halos makiusap na ako para sabihin lang niya ang nasa isip niya. “Kasi.. mahal na mahal kita, Matthew. Mahal na mahal kita.” “I know that already, sweetheart. Pero bakit ka nagkakaganiyan? I don’t understand.” Hindi ko na maitago sa boses ko ang pag-alala at frustration. Nalilito na rin ako sa ikinikilos niya. Bakit pakiramdam ko ay ang hirap para kay Gigi na pagtiwalaan ako sa lahat ng bagay? I was being happy whenever she asked me something that was for her family. Hindi naman ako magdadamot kung tungkol pa rin sa pamilya niya iyon. “Please, Matthew, h’wag mo nang itanong. Yakapin mo na lang ako.” Sinunod ko na lang ang hiling niya. Niyakap ko siya nang mahigpit at ilang beses na hinalikan sa buhok. This was actually bothering me pero, hindi ko alam kung paano ko mapagsasalita si Gigi. Maybe giving her enough time could be of help. I exhaled. “Let’s just go back to bed so I can hold you better,” wika ko maya-maya at inilayo si Gigi. “Kung anuman ang problema, maniwala ka, maiintindihan ko. And since you don’t want to talk about it now, matulog na lang muna tayo. Pero hindi ko isinasarado ang usapin na ito. We need to talk this over, Gigi. You understand?” Tumango lang siya at muling yumakap sa akin. Masigla na kahit paano si Gigi nang magising kinabukasan. Kapansin-pansin din ang sobrang lambing niya sa akin dahil halos ayaw niya akong pakawalan. “Maaga pa naman. Bibilisan ko na lang ang kilos ko.” Pinagbigyan ko si Gigi. Pinatakan ko ng halik ang mga labi niya at nagtanong. “Magkikita ba ulit kayo ni Calyx mamaya?” Natigilan siya at tiningnan ako. “Hindi ko alam. Depende kung makakasalubong ko siya.” “Tungkol ba sa kaniya ang inihihingi mo ng sorry sa akin kagabi? Dahil hindi mo sinabi sa akin na nag-uusap kayo?” Nakita ko kung paanong nag-iba ang reaksiyon ni Gigi. Parang tumamlay na naman siya kaya agad kong pinagsisihan na binuksan ko na agad ang usapin kagabi. “Nevermind. Saka na lang natin pag-usapan ulit.” Bumuntung-hininga si Gigi at tumango. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ko. Ilang minuto pa kaming nagyakapan sa kama bago nagdesisyong bumangon para maligo at maghanda sa pag-alis. Inihatid ko muna si Gigi sa school bago ako nagpunta sa meeting ko with Attorney Imelda Aragon - a Probate Lawyer. Nasa law school pa lang ako ay nagseserbisyo na siya sa mga Ylustre kaya kilala ko na siya. Sa isang restaurant kami nagkita ni Atty. Aragon. Pagkatapos ng maikling kumustahan ay dumirecho kami sa aming paksa. Ibinigay ko sa kaniya ang draft ng aking Last Will. “Isn’t it too early to do this, Atty. Gamboa? Don’t get me wrong pero, hindi ko mapigilang mag-isip ng iba. Are you ill?” “No. Gusto ko lang ihanda ang tungkol sa bagay na ‘yan habang maaga pa.” “I see. At desidido kang iwan ang lahat ng ari-arian mo at pera sa asawa mo?” “Gano’n na nga. At iyon naman ang nararapat, hindi ba, Atty?” Pagkagaling ko sa meeting ay tumungo na ako sa hall of justice para asikasuhin ang kaso na hinahawakan ko. Pagdating ko ay naroon na rin ang aking kliyente. The court ordered a mediation to resolve the dispute. Inabot pa ng mahigit isang oras ang aming paghihintay bago nagsimula ang hearing kasama ang napili naming mediator. At pagkatapos ng isa pang oras na pag-uusap ay nagkasundo rin ang dalawang panig. Sa harapan na kami ng gusali naghiwalay ng aking kliyente. Mahigit isang oras pa bago matapos ang huling subject ni Gigi sa araw na iyon. Kesa umuwi pa ay nagpasya akong puntahan na siya sa school. Nag-message ako sa kaniya. Sinabi kong nasa parking lot na ako at naghihintay sa kaniya. Base sa kopya ng schedule niya nasa cellphone ko ay may klase siya sa oras na iyon. Pero nagawa ni Gigi na mag-reply sa text ko kaya hindi ko napigilang mapangiti. Hinubad ko ang coat at ang neck tie bago ako lumabas ng sasakyan. Naglakad ako papunta sa coffee shop na ilang metro lang ang layo mula sa school. Bumili ako ng kape para sa akin. Binilhan ko rin si Gigi ng tig-isang slice ng chocolate cake at strawberry cake. Pagkabayad ay bumalik na ulit ako sa kotse.  I turned on the music and began to sip my coffee. I never had done this before. And I hadn’t had thought that I would be doing this at this age. Napangiti at napailing ako. Well, it’s happening. Isang oras ang sasayangin ko sa paghigop ng kape at pakikinig sa music habang naghihintay sa isang babae. Fortunately, the woman was my wife. Wala nang dapat pag-usapan pagdating kay Gigi. My phone rang. Kinuha ko iyon at tiningnan. It was Grant calling via video call. Noong isang araw lang niya ako tinawagan para ipaalala ang petsa ng kasal niya. Baka sa susunod na linggo ay araw-arawin na nito ang pagre-remind sa akin tungkol doon. Tinanggap ko ang tawag ni Grant. “Attorney!” nakangiti pa si Grant nang bumungad sa screen ko ang mukha pero, biglang kumunot ang noo nito. “Are you driving?” Napuna pala agad niya na nasa loob ako ng sasakyan. “No. Naka-park ako ngayon sa harap ng-” I paused, “isang establishment dito sa Irosin.” Humigop ako ng kape pagkasagot. “What kind of establishment? Anong ginagawa mo riyan?” Nagkibit ako ng balikat sabay pakita ng hawak ko. “Coffee. And music.” Mahina lang ang volume ng music ko at hindi nakakaabala sa aming pag-uusap. Natatawang umiling si Grant. “Obviously, hindi mo gustong sabihin kung anong establishment ‘yan. May itinatago ka, ano? Are you with someone?” “You’ll just tire yourself throwing questions that I won’t give answers to.” “Kung gano'n, may tinatago ka nga. May kinalaman ba ‘yan sa sasabihin mo sa amin pagkatapos ng kasal ko?” Napailing ako. Kaysa ulitin ko ang sinabi kong hindi ako sasagot sa kahit anong tanong niya ay iniba ko na lang ang usapan. “Nasaan pala si Skye? Madam Emilia is constantly sending me pictures of him. Naglalakad na ba siya?” Nagsalubong ang mga kilay ni Grant. “What the h*ll? Seryoso ka ba sa tanong mo, Matt? Mahigit isang buwan pa lang mula nang isilang ni Celine ang anak ko.” Natigilan ako. Pagkatapos ay ngumiti. “Of course! Excited lang ako para sa pamangkin ko.” “Mag-anak ka na rin, Matt para mas maintindihan mo kung paano ang paglaki ng isang sanggol. Hindi tayo naging lalake para maging taga-gawa lang ng bata. We should also be a part of our kid’s journey.” “Man, look at you! Nagkaasawa ka lang, naging malalim na ang pananaw mo sa buhay. Keep it up, little bro.” “Bakit hindi? At dahil binanggit mo na rin, dapat asawa muna ang hanapin mo bago ang anak. At hindi ‘yong pagkatapos mong magkalat ng anak ay saka ka pipili ng asawa. ” I chuckled. Napailing din ako sa mga sinabi ni Grant. “All right. Don’t worry about it.” Bago nagpaalam si Grant ay napag-usapan ulit namin ang tungkol sa nalalapit niyang kasal. I reminded him again na hanapan ako ng proxy dahil hindi ko alam kung makakarating ako para tayuan ang pagiging best man. Doon ko nalaman na nagkaayos na sila ng best friend niya na si Kyle. It didn’t bother me though. Kahit wala akong tiwala sa taong iyon, tiwala naman akong alam ni Grant ang kaniyang ginagawa. Nakatulong ang video call namin ng kapatid ko habang naghihintay kay Gigi. Ilang minuto lang ang itinunganga ko sa loob ng kotse at maya-maya ay nakita ko na siyang lumalakad nang matulin papunta sa akin. Bumaba ako at sinalubong siya. I didn’t mind kissing her in public. Mabuti ngang malaman ng mga tao sa eskwelahan na may nagmamay-ari na sa babaeng ito. Pagsakay namin ay iniabot ko sa kaniya ang binili kong cake. Parang bata naman na namilog ang mga mata at napapalakpak si Gigi. Pagdating namin sa bahay ay himalang naroon na ang stepsister niya. The woman was totally different from my wife. Halatang makasarili ang isang ito at insensitive sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Ayoko lang saktan ang kalooban ng asawa ko pero, kung ako ang masusunod, ayokong naroon ito sa bahay.  Nagpaalam ako kay Gigi na aakyat para magbihis. Tinanong niya ako kung gusto ko ng kape pero, tumanggi ako dahil nakapagkape na ako kanina. “Uy, cake! Pahingi naman ako, sis!” Nagusot ang noo ko at napahinto sa pag-akyat ng hagdan. Nilingon ko ang dalawa. Gusto kong sabihin sa 'bisita' na para kay Gigi ang cake na binili ko pero, masyado naman yatang mababaw. Ipinaubaya ko na lang kay Gigi ang sagot at iniwan na sila. Isang linggo mula nang makipag-meeting ako kay Atty. Aragon, pinatawagan ako ni Lolo sa assistant niya para sabihing gusto ako nitong makausap. Hindi ko sinabi kay Gigi ang tungkol doon. Pagkahatid ko sa kaniya sa school ay bumiyahe agad ako papuntang Sta. Magdalena. Gaya ng dati, sa opisina nito naghintay si Lolo sa pagdating ko. Hindi siya nagpaligoy-ligoy pa. Hindi rin siya nag-abalang kumpirmahin ang balitang nakarating sa kaniya. Agad inihayag ni Lolo sa mataas nitong boses ang pagtutol niya sa ginawa ko. “Nahihibang ka na talaga, Matthew! Naturingang abogado at matalino pero, pagdating sa babae, nagiging tanga ka! Iiwan mo ang lahat ng naipundar mo sa babae mo?” Ikinalma ko muna ang dibdib ko bago ko siya sinagot. “Hindi siya basta babae, Lolo. Asawa ko ang tinutukoy mo. Kung anong meron ako, may karapatan din si Gigi. At bakit ka ba nagagalit, 'Lo? Sa’yo ba galing ang pera ko?” “Sa anak ko galing ang malaking parte ng pag-aari mo, Matthew! Ibinigay ko iyon kay Sofia noong nagpakasal sila ni Damien!” “Kung iyon ang habol mo, ibabalik ko sa’yo. I have more than enough from running my own firm. Hindi rin naman mukhang pera ang asawa ko para panghinayangan niya ang mawawala.” Lalong nagdilim ang mukha ni Lolo sa sinabi ko. “I am disowning you, Matthew! Mula sa araw na ito ay hindi na kita apo! Ikinahihiya kita! At sigurado akong ganito rin ang gagawin sa’yo ni Gaudencio oras na malaman niyang pumatol ka sa isang ex-convict na ay anak pa ng dating trabahador ng asyenda.” Humugot ako ng hangin at dismayadong umiling. “Hindi ganiyan ang pagkakakilala ko kay Judge Gamboa. Manipulador lang siya pero, kumpara sa’yo, mas makatao ang ama ni Papa.” Namilog ang mga mata ni Lolo at hindi nakakibo. Ilang sandali aming nagsukatan ng tingin bago ako nagpasyang tumayo para umalis. Tatalikod na sana ako nang makita ko kong napahawak bigla sa dibdib si Lolo. His face turned pale as he gripped tightly on his chest. “’L-Lo?” Natigilan ako. Hindi siya sumagot. Sumandal si Lolo at ngumanga sa hangin. Kitang-kita ko ang tila paghahabol niya ng hininga habang sapo ang dibdib. “Lo, anong nangyayari?” Naghalo ang kaba at pag-aalala sa akin. Napayukyok ito bigla sa mesa at natabig ng isang braso nito ang mga naka-display sa ibabaw. Nag-panic na ako. Nagmamadali akong umikot ako sa kinauupuan niya pero, bago pa ako nakalapit ay nahulog na si Lolo sa swivel chair at humandusay sa carpet. “Lolo!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD