8 - You're My Friend

2981 Words

"MA HINDI na ako bata!" maktol ni Francez sa ina. Kanina pa sila nag-iiringan at nagbabangayan dahil sa lunchbox. Gusto kasi nitong dalhin niya iyon at baunin sa loob ng university. Ayaw naman niyang kunin dahil nakakairita at nakakahiya. Baka makita pa siya ng mga mapang-alipusta niyang kamag-aral at pag nangyari iyon sigurado siyang pagtatawanan at pagtitripan na naman siya ng mga ito. At iyon lang naman ang iniiwasan niyang mangyari. "Kahit na, basta, kunin mo na 'tong lunchbox mo," giit ng mama niya at pilit na inilagay iyon sa kamay niya. Napabuga siya. "Ma naman eh! Hindi na ako bata! Wala na ako sa elementary Ma! At mas lalong hindi na ako nursery at kinder para magbaon pa ng ganito! College na ako 'Ma! College!" Nagpapadyak na siya at parang batang nagmamaktol. Pabaunan ba nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD