21

1824 Words
Halos hindi ako makapagfocus sa klase dahil ang isip ko naglalakbay sa nangyari nanaman kaninang umaga. Ano ba namang nangyayari sa lalaking yun at para nanamang sinaniban ng masasamang kademonyohan at pinagtitripan nanaman ako kanina. " Kumusta?", yan kaagad ang bungad sa akin ni Tim ng mag isa akong kumakain. Napapikit ako at kinalma ang sarili. Ilang beses naba akong pilit na kinakausap ni Tim? " Is Archie is okay?", tanong niya pa. 1 message receive " Bring some of Mangoes. I want to eat when you come here in the evening. ", isa yan sa mga walang kakwentang kwenta niyang txt O chat sa akin. Kanina pa yan simula nong pumasok ako at sinabi niyang he will chat me time to time. iba pala ang pinapahiwatig niya, kundi ang walang katapusang utos kahit nasa klase ako. " Rox..", Napaangat kaagad ako ng muling magsalita si Tim. Tanaw sa di kalayuan si Poch na ngayon ay nakatingin na sa amin. Heto nanamn tayo sa patingin tingin tapos ako nanaman ang magiging villain ng pag iibigan nila. " Poch, ... Halika nga dito?.", sigaw ko pa na ikinagulat niya. I even saw how Tim got confused kung bakit ko tinawag si Poch. Nakatingin lang siya sa akin, naghihintay ng sasabihin ko. " Maupo ka sa tabi ni Tim Baka akalain mong pinatawag lang kita for no reason. ", seryoso ko pang sabi sa kanya. " Roxanne.", pagpipigil ni Tim sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at pinapahiwatigan na manahimik " Maglalunch ka di ba?. Sabay na tayong tatlong kumain.", kalmado kong sabi na ikinabahal nila. Ano bang naiisip nilang gawin ko?..Mga praning! Napatingin pa ulit ako sa phone kong tumutunog na dahil sa tawag, na kahit si Tim at Poch ay napatingin rin doon. " Cgeh lang. Mag umpisa na kayo, kakausapin ko lang tong animal na ito.", nangingiti kong sabi sa kanila. Bumuntong hininga ako at agad na sinagot ang tawag sa harap mismo nila Tim and Poch. " Hello!", mataray kong sabi. " What's with that kind of tone?. Bad Mode?", naparolyo kaagad ang mata ko sa tanong niya. " Bad mode talaga dahil , panay utos ka sa akin. Alam mo bang nandyan ang kapatid mo hah, Archie?. Pwedy kang mag utos sa kanya kong alam mo yun.", galit ko pang sabi sa kanya. " Hey! My sister was studying. Hindi ko pweding disturbohin ang pag aaral niya. And besides, all you need to do is to contact a grab, and deliver the foods. As simple as like that Roxanne. Its very easy.!", Ramdam na ramdam ko na piniplay time lang ako ng damuho na ito. Halatang halata na naaliw siya sa pinaggagawa niya sa akin. " Ahh.. Graveh no..naisip mo pala talaga yan. Ikaw kaya ang gumawa total, ikaw naman ang may utak sa ganyan. Ano?. At tsaka.. Archie, .. Pakilagay rin sa utak mong nag aaral ako ng mabuti, bawal disturbo at focus ako sa mga ginagawa ko sa counsel.Marami ring inutos si Zeke sa akin. Pati trabaho mo, ako na ang gumagawa. Ano?. Baka pwedy isipin mo rin yun.. Na maawa sa akin?. Pwedy?", mahaba kong sermon sa kanya. Rinig ko pa ang maliit niyang tawa kaya mas lalo akong nainsulto at nabadtrip sa ginagawa niya sa akin. " Kapag ako tinupak rin , Hindi ako pupunta dyan, at mas mabuting matulog nalang ako sa dorm ng matiwasay. Total naman, may utak ka at kailangan mo yang gamitin.. di-------", " Marami kang sat sat dyan, ... basta dalhin mo mamaya ang mangga. I'll wait here. ", napatingin pa ako sa phone ko ng mawala bigla ang tawag. Ako pa ang pinatayan ng tawag ng demonyong iyon.. " Iba talaga ang utak ng demonyo di ba?. Hindi mo maintindihan kung may regla O wala.", sabi ko pa kina Tim and Poch na ngayon ay titig na titig sa akin. " Why the needs to go there Rox?. He has a lot of helpers na pweding gumawa ng mga request niya. You're not oblige to go there, Ginagawa ka bang utusan ni Archie?", nasabi kaagad ni Tim. Narinig niya pala ang pinagsasabi ko kanina. "Take note. Favorite akong utusan ng adik eh.. Kaya no choice. ", nagbibiro ko pang sabi sa kanila na ngayon ay nakanganga na sa sinabi ko. " Why?.. You don't have to do that Rox.. Alam mong walang gumagawa ng ganyan sayo. ", nakakunot noo niya pang sabi sa akin. Nagkibit balikat ako. " Adik nga ehh... May tupak ..kay naging excempted.. Hayaan moan.. Kaya ko ang sarili ko. ", sabi ko pa sa knya. Hindi na sila umimik pa. Kaya hindi ko rin mapigilang bigyan ng pansin si Poch na ngayon ay tahimik rin sa gilid. Naging awkward tuloy ang pakiramdam naming tatlo. " Ahhh!.. I better to go.. May gagawin pa ako eh.", si Poch na ngayon ay binasag na ang pananahimik naming tatlo. May naririnig narin kaming mga bulong bulongan regarding sa aming pagsasamang tatlo. " Wait.", pigil ko sa kanya at agad ring tiningnan siya sa mata. Nagulat man ay kita ko ang pagkalma niya sa sarili. " We can talk here while I am in the mood to talk about everything. ", seryoso kong sabi. I was mixing my food, while Drinking my drinks. Parang wala na akong plano pang kainin ang pagkain sa harap ko at disidido nang kausapin sila. Umupo kaagad si Pochollo. Nakita ko pa ang pagtitinginan nila at agad ring bumaling sa akin. " Kayo di ba?", pranka kong panimula sa kanila. Though, alam kong kami lang ang makakarinig, pero gusto kong pag usapan ng diretso ang dapat na magpapagising sa akin. Na mawawala ang pait sa aking puso, at mas maka move forward na sa susunod na mga araw na makakaya silang makita kahit silay magkasama. Yumuko kaagad si Tim. Emotional siyang nakatingin sa akin at agad ring hahawakan ang kamay ko pero hindi ko hinayaan. " Okay ng ganito. Walang hawak hawak. Gusto ko lang marinig mismo sa inyo. Na iintindihin ko ang lahat sa abot ng makakaya ko. ", seryoso kong sabi sa kanila. Bumuntong hininga si Tim at agad na tiningnan si Poch. Nagkatitigan pa muna sila bago bumaling sa akin. " Totoong minahal kita Roxie. ", panimula niya na ikinahugot ng malalim na hiningaBumibilis ang puso ko at sinisikap na tatagan ang puso at isipan sa masasakit na maririnig ko mula sa kanya. . " Pero kasi, pagpasok ko sa paaralang ito, minulat ni Poch ang totoong ako. Iyong hindi ko kailangang magpanggap sa sarili ko na ganito ako. Na nagmamahal ako ng kapwa ko lalaki. Na kaya kong makipaghalikan sa kanya na hindi ko magawa sayo. ", " Kaya pala walang tayong first kiss kahit na ilang taon tayong magkarelasyon. Nandidiri ka sa akin?.. Ganon?", hindi ko mapigilan ang magalit ng kaunti.Nainsulto ako eh. Hindi ko napigilan ang sariling magalit at pilosopohin siya dahil sa narinig. " No. Hindi ako nandidire. Hinding hindi ko yun maiisip dahil nirerespito kita bilang isang babae. Pero totoong hindi ko rin kayang halikan ka dahil sa hindi ko kayang humalik sa isang babae Rox. ", napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala that despite of, na alam ko ang totoong pagkatao niya, mas masakit palang marinig mismo sa bibig niya na hindi niya ako magugustuhan bilang isang babae. " I understand. Sino namang magkakagusto sa isang katulad kong babae kung ang nagugustuhan ko ay isang bakla di ba. No offend pero bakit jinowa mo ako Tim?.. Kung may idea ka naman palang hindi mo kayang humalik at magkagusto sa kagaya ko. ", nakakunot kong sabi sa kanya. " Dahil nasa indinial stage pa ako sa panahong magkasama tayo Rox..Na akala ko ang pagmamahal ko sayo ay pagmamahal bilang isang girlfriend ko. At tsaka... Sino namang may gusto na maging ganito ako?.. Mismo ang mga kamag anak, lolo at ama ko ay myembro sa security at pulis militar. Tapos ako lang ang ganito?.. Na malambot at nagkakagusto sa lalaki?.. Anong gusto mong gawin ko Roxie?... I want to change .. I want to be a man...-----", " At ang solution para mapagtakpan ang totoong ikaw ay para jowain ako habang jinowa mo rin tong si Pochollo ?. ganun ba?... Dahil nga, matapang akong babae, na gustong gusto ako ng mga magulang at kamag anak mo kaya ako ang choice mo para mapagtakpan ka?... Graveh naman yun Tim. Graveh.. Maraming palakpak sayo oh... one hundred timess. Para sayo.. ", pinakita ko yun sa kanilang dalawa at naiiyak silang tiningnan. I cant believe ginawa nila akong tanga.Ginawa nila akong Bobo. " Roxie.. I am sorry. ..I really didn't mean to do it with you. please.. ", naiiyak ng sabi ni Tim. Nakayuko lang si Poch habang nagpapahid na rin sa kanyang luha. " Tapos na eh.. Ano pang magagawa ng sorry mo kung nagawa niyo na. .nasaktan na ako. Nainsulto pa...", panunukmat ko pa na ikinatahimik ni Tim. Humugot ako ng malalim na hininga at agad na tiningnan silang dalawa. " May sasabihin pa kayong dalawa? baka may tintago pa kayo.. Sabihin niyo para isahang sakit nalang. ano?", kita ko ang pag angat ni Poch sa akin at nagugulat akong tiningnan. Alam ko.. Nakakaawa ako di ba?.. Pero Kailangan kong malamin eh.. Kailangan ko ng matinding closure para makalimutan ko rin ito kalaunan. " I am sorry for loving Tim and get blinded by keeping this secret from you. I am sorry Roxanne. ", mas lalo akong naiyak ng marinig yun mula kay Poch. This is the first time that I've heard him talk like this. Hindi pagtataray, pagsimangot at hindi sa galit na paraan. Sa ganitong pagkakataon pa. " HIndi pa ako magpapatawad. Not now,bukas O sa dadaan pa na mga araw. ", seryoso kong sabi habang nakatayo na at pilit na pinapakalma ang sarili. " Pero, hindi na dapat kayo mag aalala sa akin kung masasaktan parin ako tuwing magkasama kayo. Natural na yun eh. Nagmamahal ako, nagmamahal din kayo. Yun nga lang, kayo ?.. mahal niyo ang isa't isa. Kaya iintindihin ko yun at tatanggapin ko sa sarili ko na hinding hindi na kami para sa isa't isa ni Tim. ", tumango tango pa ako habang pilit na kinukuha ni Tim ang kamay ko. For what reason? Dahil ba nasasaktan ko rin siya dahil nga magkaibigan namnan kami bago naging kami. Best friend pa nga. Kababata . Dahil mahal niya ako, hindi bilang isang babae, kundi bilang isang kapatid. " Dadating din ako sa puntong magpapatawad ako at magiging okay ako. Kaya sana, hayaan niyo muna ako at huwag akong intindihin kapag magkasama kayo.You can do what you want without thinking of me. Matapang ako, busy akong tao at higit sa lahat, dadating din sa puntong may lalaking magmamahal sa akin ng buo. Hihintayin ko siya, kaya siguro by that time, I can easily forgive both of you. . " ......................NEXT............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD