22

1825 Words
" Nasaan ang mangga?", naparolyo kaagad ang mata ko ng bumungad kaagad ang mukha ni Archie sa may entrance ng hospital. Kasama niya si Zey na ngayon ay naghahanda na sa pag uwi. " Ano to?. OFW ang peg?. May pagsundo? Hindi makapaghintay?", mataray kong sabi sabay pakita sa kanya sa plastic bag na hawak ko. Paborito ko to eh. Hindi ko alam kong anong klasing mangga ang bibilhin ko ng tumawag siya at sinabing yung paboritong mangga ko raw ang bibilhin ko. Kaya ito ang binili ko. Alam niya bang paborito ko ang mangga?. " Naglalaway kana?.", nakangisi nitong sabi. Napataas kaagad ang kaliwang kilay ko ng marinig yun. Napatingin pa sa kanya si Zey bago ulit bumaling sa akin. " Wala ako sa mood para bulyawan ka Archie kaya pwedy tigil tigil din?", galit kong sabi. Nang sabihin yun ay agad siyang lumapit sa akin at tiningnan ako ng mabuti. " there is something that happen in school. what is it?", kuryoso nyang sabi sa akin. " Chismoso ka pala eh noh?.. Kailangan updated sa ganap ko sa buhay?... Alis nga .. Naalibadbaran ako sa pagmumukha mo. ", sabay hawi ko sa kanya ng subrang lapit ng mukha niya sa akin. " So may nangyari nga. Spill it Roxanne. I am willing to listen while I am eating those mangoes. ",nang aasara niya pang sabi sa akin. Napatingin kaagad ako sa kanya at agad ring umiwas. May nangyari nga, Pero hindi ko kailangan sabihin sayo. " Marami. Kasi panay utos ka. Nakakabadtrip di ba? ", mataray kong sabi.. RInig ko pa ang pag mamaktol niya na wala na sa hulog at agad na nagpatiuna sa paglalakad patungong room niya. Zey ignoring us dahil siguro nasanay na sa pagbubulyawan namin kaya wala ng pasabi na umalis sa harap namin. She just kissed Archie in his cheek at agad ring umalis ,pumasok sa service car nila. Isang SUV at halatang mamahalin. " Hey!.. I am just bored awhile ago, kaya yun ang ginawa ko. But I am sorry. !", kumunot ang noo ko habang nasa gilid na siya, nahihirapan pang makasabay sa akin dahil sa kanyang dextrose na hinahawakan niya pa para hindi magdudugo ang kamay niya. Kinuha ko yun at ako na ang nagdala para sa kanya. Kita ko pa ang pagsilay ng kaunting ngiti sa mukha niya kaya napairap nanaman ako. " Magpagaling ka at umalis na dito ..Nang sa ganon, makabalik ka sa skwelahan at maging hari nanaman doon. Masyadong hassle sa part kong nag aaral eh no? ", sabi ko pero naramdaman ko ang pangbunggoan ng balikat niya sa aking ulo. He is trying to get closer kaya umatras kaagad ako. I open the elevator at agad ring sumandal matapos ko pindutin ang floor kung nasaan siya. " I will do that. Para hindi na ako mapraning dito sa hospital while you are freely move around in the school. ", seryoso niyang sabi kaya napatingin kaagad ako sa kanya. " Bakit?, may mangyayari nanaman ba sa akin?.. Ano?.. Para naman makapaghanda na ako .",seryoso ko ring sagot sa kanya. Hindi na ako magtataka kong iyon nga ang mangyayari. Sabi nga niya, I made an enemy whose world are in hell. " Don't worry. I can protect you. ", mas lalong lumukot ang noo ko sa sinabi niya. " HIndi ko kailangan ng tulong Archie. I can handle myself. Hindi rin ako takot mamatay. ",seryoso kong sabi bago bumukas ang pintuan at agad akong lumabas patungong room niya. Nasa likod ko siya at seryoso akong pinagmamasdan. " Kahit malakas ka Roxanne, if the bullet will aim you, you will surely dead in an instant. I will not let that happen. Kahit buhay ko muna ang kunin nila, huwag lang ang sayo. You deserve to live, Roxanne. Tandaan mo yan. ", seryoso niyang sabi. Inayos ko ang dextrose niya at agad siyang tiningnan ng masama. " Walang mangyayari sa akin. At hindi ko yun hahayaan. Pero huwag na huwag mong isasakripisyo ang buhay mo just to save me. I can handle myself Archie. Hindi mo kailangan gawin yun. ", seryoso kong sabi, Kita ko pa pagkabigla niya sa sinabi ko. Kinuha ko ang mangga at agad yung binalatan. The white and yellow of the mango, graveh, parang gusto ko nalang ito isawsaw sa toyo na may lemon at lantakan lahat. Nagtutubig na ang bibig ko dahil sa mangga. " I will not sacrifice myself. Don't worry. I just want to Protect you same when you are protecting me when I am in danger Roxie.. ... ", lumapit siya bigla sa akin at agad na inabot ang tissue. " Tumutulo na ang laway mo dahil sa subrang takam mo sa mangga ko. Tss....Parang bata. ", kinuha ko yun at nagbalat pa ng isa pang mangga habang seryoso na sa kanya. " Nagkataon lang na nangangailangan ka kaya tinulungan kita. Pero kapag ako nangangailangan, sure akong absent ka non..For sure yun Archie Ferrero. .", nang aasar kong sabi. Kita ko kaagad ang pagsimangot niya nang mailapag ko sa maliit na lamesa ang manga na binalatan ko. "I will surely be there when you need me Roxanne. That's for sure. ", rinig ko pang sabi niya pero hindi na ako nag react pa. Alam ko naman na magiging prank lang yan at hindi ako aasang sasaklolo siya pag may masamang mangyari sa akin. Umupo kaming dalawa , una siyang kumuha sa mangga. Nagkasabay pa kami sa pangalawang kuha kaya kapwa kami nagtitigan. " This is mine Roxane. ", galit niyang sabi. Akmang kukunin niya ang mangkok na nilagyan ko ng hinawi ko kaagad ang kanyang kamay para hindi niya yun makuha. " Ang damot mo. Ako na nga nagbalat, ako pa ang bumili.. Hindi mo alam ang meaning ng Share? ", pagtataray kong sabi sa kanya. "Take note!.. pera ang pangbili hah.. r****d mo ko. Send mo sa gcash ko.. Wala na akong allowance ehh. ", I even saw how his eyebrow raised at agad hinawakan ang kamay ko para hindi makakuha. Pilit ko yung hinila, pero hinigpitan niya pa ito lalo. Mas mahigpit pero hindi naman masakit since malambot ang kamay niya. Halatang hindi nagdaan sa kahirapan. " I am craving for this because of some reason, i don't like to share. .... ", sabi pa niya na ikinaigting ng panga ko. Napairap pa ako bago ako napipilitang mapangisi. " Alam mo Archie, itong mangga na ito, Kapag ang babae nanghingi, at ang taong pinoprotektahan mo pa ang may gusto, mag gigiveway ka. Maayos naman ang utak mo ngayon ahh, Hindi ka na adik kasi nga inaayos ng doctor ang tornelyo ng utak mo. Kaya pwedy?. Itong mangga, e.share mo naman.. Nang sa ganon, mag iba naman ng kaunti ang pagkilala ko sa yo. .. Pwedy Hah!. Please man.!", Kita ko ang pag iiba ng expression niya at agad na binitawan ang kamay ko. " I will share it with you because I want you to believe na concern ako sa yo. Na kayang kaya kong protektahan ka. Understood?", seryoso niyang sabi. Tumango kaagad ako at nakangiti na siyang tiningnan. " Ehh Di ..Hindi ka na mag uutos pa sa akin?. Kung ganoon?", sabi ko pa habang nakasubo na ako ng dalawang piraso. Tiningnan niya ako , galing sa mata ko hanggang sa aking labi. Nabigla pa ako ng biglang hinawakan niya ang gilid ng labi ko at agad na pinahid gamit ang hinlalaki niya at agad ring isinubo sa sarili. " You're still my slave. Iba naman ang kasunduan natin when it comes to that. Remember?. Alam ko ang mayroon kina Tim at sayo. Anong dahilan ng pagkakahiwalay niyo.", halos umikot ng three hundred sixty degrees ang mata ko ng marinig yun. Naalala nanaman ang pinag usapan namin. " Announce it to everyone. Walang akong pakialam. Total naman nagkausap na kaming tatlo. We are not friends but we are now good. I guess, wala na dapat silang ikatakot since ang iniisip lang nila that I am still hurting na hindi naman talaga. Okay na ako. I've move on and that is enough. .. ", tinaasan ko siya ng kilay bago ako nilamon ang tatlong piraso sa harap niya. Napatingin kaagad siya sa labi ko na puno ng katas ng mangga. " Wala ka ng rason para alilain ako. Damoho ka.", galit kong sabi bago nilantakan nanaman ang mangga. Nakanganga siyang nakatingin sa akin habang napapailing na sa katakawan ko. " Your eating like ahhh..... Arghhhh... Gross!!!. Tss.", tumayo siya at agad akong iniwan para umupo sa gilid. " So in short? You are totally move on?. Ganoon ba?."Dugtong niya pa., tumango kaagad ako ng sabihin niya yun. " So, ... Are you ready to fall in love again? Is that it?", kumunot kaagad ang noo ko sinabi niya. " Fall in love sa sarili.. Baka yun muna ang gawin ko. Ang hirap hirap magmahal kong lolokohin ka lang sa huli di ba?.. Masakit yun... ", hindi naman sa bitter ako eh no. Sadyang nadala lang ako kay Tim. Binuhos ko ang lahat, inisip ko na ang future ko ay kasama siya pero anong ginawa?. Pinagpalit parin ako. Sa lalaki pa. Kaya hirap na hirap na akong main love ulit ehh.. Nakakatrauma ang sakit. Napabaling ako g makitang malalim na nag isip ng mabuti si Archie bago siya tumingin sa akin. Halos paubos na ang mangga kaya gusto ko pa sanang magbalat ng makitang nasa gilid niya ito. " Paano kong.... Someone will court you... Papayag ka ba? Are you willing to open your heart just in case... you wanna try to fall in love again?.", nawala sa paningin ko ang mangga at agad siyang tiningnan. Seryosong seryoso siyang nakatingin sa akin kaya medyo naging awkward bigla ang situation. " Tell me Roxanne?", . sabi pa niya kaya hindi ko na napigilan pang mapabuntong hininga. " Walang magkakagusto sa akin.. Sa maton kung ito?.. Sure akong walang mangangahas na manligaw man lang.. At tsaka.. wala akong oras sa kanila noh. Sa sobrang dami ng ginagawa ko..Ang magmahal ng bago, hindi kona magagawa pa.", .seryoso ko pang sabi at agad na naglakad papunta sa kanya para kunin ang mangga. " Pahingi nito-----", nanlalaki ang mata ko ng makitang tinago niya sa likuran niya. Pilit ko yun inaabot dahil nga nabitin ako kanina. " You can't have it if you will not say Yes to all my question.",nakangisi nitong sabi. Kaya nagtaka kaagad ako at hindi makapaniwalang naiisip niya pa ito. " Kapag ito tinunto Archie, malilintikan ka sa akin. Cgeh ka!", naasar ko pang sabi kaya hindi ko mapigilan ang kabahan ng walang pag alinlangan niya akong hilahin papunta sa kandungan niya at agad na niyakap. " Ano ba?" sigaw ko pa sa kanya dahil sa panggigil. Sa higpit ng yakap niya sa akin , Halos naramdaman ko na ang hindi ko aakalaing mararamdaman ko pa. .........NEXT.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD