SEASON 2 : YOU & ME

2237 Words
Archie Ferrero & Roxanne Chris Ty SIDE STORY AUTHOR'S POV: Graduation day, Its been almost six months simula ng mawala si Archie at hindi pa nahahanap. Parang patay na buhay si Roxanne sa araw araw na pumapasok siya sa paaralan. Na kahit ang mga kaibigan nito ay hindi na siya makausap ng wasto. Tila wala na sarili, umiiyak nalang mag isa, tumatawa pa habang nakatingin sa mga larawan na kung saan , memories nina Archie ang palagi niyang nakikita. . Gumuho ang mundo niya ng hanggang ngayon, wala pa rin siyang balita. Na kahit ang pamilya nito ay hindi parin mahanap ang kanilang anak. " Roxanne Chris Ty!", galit na sabi ni Cecil, ang ate ni Roxanne ng malaman ang nangyari sa kapatid. " Dahil lang sa lintek na lalaki, naging ganito ka na?. Nasaan na yung pinagmamalaki mong Makapagtapos ka ng matiwasay, maging isang militar?. Nasaan na?.. Ilang buwan mo lang yan nakilala, nagpa alipin ka na kaagad?", halos bugbugin ni Cecil si Roxanne dahil sa kapabayaan nito sa pag aaral. Nababahala na baka hindi ito makapagtapos at umulit nanaman ng ilang taon. Hindi rin nito alam na ganito na ang nangyayari sa kapatid dahil wala naman itong sinasabi. Ngayon lang din niya nalaman na hindi na si Tim ang boyfriend nito at ibang tao na. " Ate, ... Wala na si Archie.. Paano na ang buhay ko?... Hindi ko kayang mabuhay ng wala siya..Nangako siya sa akin ehh.. Tang*na.. Subrang sakit.. parang mamatay ako sa kaiisip kung nasaan na siya. ", humahagulhol na sabi ni Roxanne. , may mga pasa dahil sa bugbog ni Cecil sa kanya. Halos malugmok sa pagka dismaya si Cecil dahilan para umiyak siya sa harap ng kapatid. Ilang buwan na itong ganito. Pumapasok sa Home School pero umuuwi din kalaunan dito sa bahay nila para magmukmok at hindi na pumasok. Niyakap ng kapatid si Roxanne habang wala paring tigil ito sa kakaiyak. Araw araw, walang mintis ang pag iyak dahil sa nangyari. " Hangga't walang bangkay na nakikita sa damoho mo na yun.. Mahahanap at mahahanap mo yan letse na yan.", galit na sabi ng ate ni Roxanne. Natauhan bigla si Roxanne at nabuhayan ng loob. Bakit ba siya magpapaapekto ng husto kong wala pa namang bangkay na nakikita. Sa isip niya, tama ang ate niya. All she need right now ay mag antay, magdasal at hindi titigil sa paghahanap kay Archie. "Ate.. Nakatapos na ako sa PMA... ", masayang sabi ni Roxanne sa kapatid dala dala ang medal na natanggap niya. Uniprme na hindi niya maiisip na babagay sa kanya. Limang taon na ang nakakalipas, hanggang ngayon, hindi pa rin nahahanap si Archie. Hindi rin siya nawawalan ng pag asa hanggang sa makita nya mismo ang bangkay nito kung patay na ba ito o buhay pa. " Congratulation Roxie.. Mabuti naman at makakawala ka na sa training na yan. Araw araw akong nag aalala sayo.. Ano ka ba. Halos atakihin ako sa puso sa tuwing dumadalaw ako at pumapayat ka ng hutso. ". Niyakap kaagad ni Roxanne ang kanyang Ate at agad itong hinamas sa likod. . Masaya siya dahil sa panahong lugmok na lugmok siya dahil sa pagkawala ni Archie, pagkapatay ng puso niya, Her Ate Cecil was there to slap her and show the reality na may patutunguhan pa siya sa buhay. Na kahit maghintay siya, patuloy parin siyang lalaban sa buhay. " Pero gusto kong maging doctor ate. Mag aaral pa ako sa medisina. ", seryosong sabi ni Roxanne. Nagulat man ang kanyang ate ay hindi na siya nagdalawang isip para suportahan ang kapatid. Ang pagiging isang alagad ng batas, at isang magaling na doctor ang naging pangarap ni Roxanne. She was aiming to help, and secured na makakatulong siya sa mga nangangailangan base sa kakayahan niya at pwedy niya pang maitulong. She was active member of taekwondo club. A coach and a trainer in Jujitsu. Ito ang hanap buhay niya kahit na isa parin siyang scholar ni Mr Ferrero. " Roxie.. ", kumakaway si Zarniah ng makita si Roxanne , hawak ang kanyang gym bag. May plano na silang mag gym ngayon dahil bakante at day off nilang dalawa " May balita na ba?", natanong kaagad ni Roxanne nang makapasok at makapaghanda na sila. " Daddy was losing hope already.. Pero si Mom.. Hindi pa rin tumitigil hanggang mahanap niya si Kuya. Walang namataan na bangkay ng araw na yun, o sa mga nagdaang taon.. kaya may posibilidad na buhay pa si Kuya. Hindi kami nawawalan ng pag asa Roxie hanggang makita namin siya. Tila isang magandang balita yun para kay Roxanne kahit na wala namang assurance kung mahahanap pa niya ang nobyo. " Naghihintay ka parin kay Kuya?.. Mahal mo pa rin siya kahit matagal na Roxie?", ngumiti kaagd si Roxanne ng itanong yun ni Zarniah. Tumango siya at hinawakan ang kanyang singsing. Tanaw ang singsing na palagi niyang suot. Hindi nawawala ang pangako niyang hindi siya titigil sa pagmamahal kay Archie. Siya lang at wala nang iba pa. " Nangako ako ehh.. Kapag naghanap ako, at biglang magpakita ang damoho mong kapatid, baka mapatay niya lang ang magtatakang magmamahal sa akin. Kahit tumanda ako, okay lang. Magiging ninang nalang ako kapag ikinasal na kayo. ", nasabi kaagad ni Roxanne habang namumula na si Zarniah nang mabanggit ang pagpapakasal. Naging mabilis ang usad ng panahon. Naging busy si Roxanne dahil sa tindi ng schedule kapag nasa medical field ka. Hindi basta basta, at ang bilis bilis pa ng oras. Marami kang pweding aralin na ibat ibang cases, e memorized at palaging nagbabasa. Kahit maraming nagkakandarapa kay Roxanne, at gustong dumiskarte, hindi tumatalab dahil sa pangbabara ng dalaga. Pero nag iba ang ihip ng hangin ng sa isang pagkakataon, nakilala niya ang babago sa nakagawian niya. May makakadikit at magiging close niya pa. Si Gelo. Si Gelo ay isang magaling na estudyante sa medical field, consistent highest rank at partner niya sa lahat ng bagay. Masungit, palautos at walang ibang bibig kundi ang utusan si Roxanne at palaging nakadikit sa kanya. " Nakakapagod ang araw na ito ", nasabi kaagad ni Roxanne ng matapos silang mag depensa ng medical thesis nila. Tumaas lang ang kilay ni Gelo at naisip na bigyan ng kape si Roxanne. "Here.. Drink coffee. ", tanging sabi nito. Sa dalawang taon na palagi silang magkasama ay nasasanay na siya sa kasungitan at kamalditohan ng binata. Pero pinabibilib siya nito at kailan man, hndi siya nito pinabayaan. Nililibre siya palagi, hinahatid at sinuundo na rin. Nasanay na siya at hindi na tumanggi pa dahil makulit at hindi tumatanggap ng pagtanggi. "Alam mo bang na issue na tayong magjowa.. ", natatawang sabi ni Roxanne habang sinisip sip na ang kapeng binigay. " Ikaw kasi, hindi ka mapirme kapag hindi ako ang kasama mo. ", dugtong pa ni Roxanne dahilan para ngumiwi sa kanya si Gelo. Nagulat si Gelo sa biglaang pagsabi ng ganon ni Roxanne dahilan para maging awkward para sa kanya. Dahil, sa tagal nilang magkasma, naiisip na nitong ligawan ito at hayaan ang sariling mapatunayang kaya niyang mahalin ang isang Roxanne . " Hayaan mo na sila. Walang magagawa ang pagtsismis sa kung ano tayo. tss. ", tanging sabi niya. Tumango lang si Roxanne at hindi na pinansin pa. Sa isip nito, impossibleng manligaw ang isang Gelo kung saan, sinabi niya nito simula palang na huwag siyang umasang makaka score siya sa dalaga gayong engage na ito. Sa kabilang banda, Archie was living as Daniel. Isang trabahador sa isang hacienda na pagmamay ari ng mga Del Mundo. Ang paghahanap buhay para sa pamilya ang kinakailangan niyang gawin. Papauwi na siya ng sinalubong siya ni Maricel , ang kanyang asawa. Sa limang taon nilang pagsasama, hindi niya batid at hindi niya maramdaman na sila ay mag asawa, Hindi niya magawang makipagtalik sa kanya gayung palaging rumerehistro ang isang babaeng hindi niya alam kong sino, " Daniel.. Kumusta ang trabaho?. Okay ka lang ba?", nakangiting sabi ni Maricel. Palaging present si Maricel kapag sahoran na ni Daniel, Ngumiti kaagad si Daniel at agad na niyakap ang asawa. " Nasanay na ako. OH heto.. Sweldo ko pala. Isali mo sa pangangailang natin sa bahay.. Kumain na ba si Nanay?",tumango kaagad si Maricel. Naglakad patungong bahay si Archie at uminom ng tubig. Niyakap kaagad ni Maricel ang asawa dahilan para maasiwa si Archie. Hindi siya sanay, at hindi niya nagugustuhan. Palagi nalang niyang naiisip ang babaeng pumapasok palagi sa kanyang isipan at kanyang panaginip. Na para bang nagkakasala siya at hindi niya kayang tingnan man lang si Maricel. Sa hindi maipaliwanag, nalulungkot parin si Maricel dahil sa tagal nilang magkasama, ang pagsagip ng buhay sa binata ang pinagmamalaki niya. Una palang kita niya ng magpunta ito sa yate, para makipag negosyason sa kanyang ama ay tintak na sa kanyang isipan na kukunin niya ang binata, at magiging sa kanya. laking pasasalamat nito na sa kabila ng pagdadasal niya, ay nawala ang memorya nito na siyang dahilan para sabihin sa kanya na siya ang asawa. Pero sa kabila ng mga ito, kahit anong pang aakit niya ay hindi niya parin makuha ang loob ng binata Na kahit pumayag na ito at tinanggap na sila ay mag asawa, hindi parin siya nito tanggap bilang isang babae. Hindi niya pa rin ito magawang mahalin. Palagi pa nito naririnig sa tuwing gabi ang salitang Roxanne. Palagi niyang binabanggit kapag natutulog siya. Isa rin sa dahilan na ayaw na ayaw niya na may maalala ito, kapag nagkataon, iiwan siya ng binata at baka mapunta sa Roxanne na iyon. " Daniel..Balita ko, may darating na medical Mission dito.. Ipa check up mo ang nanay mo. ", masayang sabi ni Mang Victor. Kasamahan ni Daniel sa trabaho. " talaga ho?. At libre pa?", tumango kaagad ang matanda dahilan para mabuhayan si Daniel sa nalaman. Ito lang ang namumukod tanging nakaramdam siya ng totoong pagmamahal. Na hindi niya magawang maramdaman sa kanyang asawa. " Cgeh ho.. Balitaan niyo po ako kapag nagpunta na po sila dito sa atin ", nakangiting sabi ni Daniel Maganda nag mood niya sa pagtatrabaho. na kahit sa pag uwi, ay masaya siyang pumasok. Pero hindi niya madatnan ang kanyang asawa. kahapon, sinundo siya nito dahil alam nitong sweldo niya. Pero ngayong balik trabaho siya sa simula, hindi nanaman niya mahanap ang asawa. Hinanap niya ito at nagtaka ng makita itong nagsusugal kasama ang mga kaibigan niya. magaling ito sa sugal. Hindi nga matalo talo. nakakdismaya dahil ang pangpasugal niya ay isa sa mga pinaghirapan niyang sweldo. Sa kagustuhang matiwasay ang kanilanng bahay, umiwas nalang siya at hinayaan ang asawa. Ngafocus siya sa pagpapakain sa kanyang Nanay na ngayon ay sumenyas sa kanyang lumapit. Hindi ito nakakapagsalita at nakakalakad. Hindi namin alam kong ano ang nangyari. Hindi rin naman siya masyadong matanda kaya nasisiguro ni Daniel na maagapan pa ito kapag may specialista talaga ang titingin. Kinabukasan,... Gaya ng sabi ng kanyang ka trabaho, may conduct medical Mission nga ang nangyari. Graveh! ang dami daming tao. Kinakarga ni Daniel ang kanyang Nanay, nasa gilid niya naman si Maricel na nakaalalay sa kanya. " Maricel, mauna ka nang magpacheck up sa mata mo. Doon sa gilid, may eye check up na sinabi. Ako na ang bahala kay Nanay. ', nasabi kaagad ni Daniel sa asawa. Tumango ang asawa at agad itong hinalikan sa labi. Kumunot ang noo ng binata dahil sa ginawa. maraming tao, maraming nakakakita kaya naasiwa siyang ginagawa ito ng kanyang asawa in public. Binalewala nalang ni Daniel at agad na dinala ang kanyang nanay sa harap. Matyaga siyang naghintay. Someone offer a wheelchair dahilan para hindi na siya mahirapan pa. Sa bawat taong natatapos, bumabagal naman ang usad ng pila. Sa subrang dami, parang gagabihin pa sila. Hindi hindi niya magawang magreklamo gayong libre naman ang pagpapacheck up. . Naisip niya pa na baka hindi na sila umabot at mapagod pa ang doctor. Natigil pa uli ang pila ng mag snack break ang doctor. Kung kanina ay hindi makita ni Daniel ang Doctor , ngayon ay nakikita niya na ito ng buo. Halos hindi maalis ang mata niya dahil sa subrang titig nito sa doctora. Isang doctora na subrang ganda. Kumalabog ang puso niya sa Hindi maipaliwanag na dahilan. Mahaba ang buhok, maputi at singkit ang mata. Medyo may pagka strikta, pero nang makitang papalapit ang isang lalaking doctor ay bigla itong ngumiti. Tinanggap ang binigay na pagkain at kapwa sila pumasok sa isang tent. Hindi niya alam kung ano ang kanyang nararamdaman. Ang makita ang dalawang pumasok sa loob ay parang gusto niyang hilahin ang doctora at ilayo sa lalaking doctor. Kinuha niya ang natitirang huwesyo niya at agad na nagtyagang pumila. tapos na rin si Maricel at nasa gilid na , nakaupo. Makalipas rin ng ilang oras, bumilis na rin ang takbo ng usad ng pila, hanggang sa natapos ang nasa unahan namin , kami na ang susunod. Halos hindi niya makontrol ang sarili. Sa subrang bilis ng t***k ng puso niya, hindi niya mapigilan ang kabahan at mamutla ng marinig ang magandang boses ng doctora. " Anong pangalan?.. Nakangiti nitong sabi dahilan para mautal pa siya ng banggitin ang pangalan. Kita ko ang pagbaling ng doctora kay daniel. ANg nakangiti kanina ay napalitan ng pagkagulat. " Lucia po Doctora. ", nasabi ni Daniel kasabay ng pagtulo ng luha ni Roxanne nang makita mismo sa harap niya si Archie. ...............................NEXT......................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD