" Zey, nakita ko talaga ang kuya mo. Nandito kami sa Brgy. Marikit. Medical Mission. ", natataranta kong sabi ng tinawagan ko siya dahil sa subrang bigat sa pakiramdam. Alam kong busy siya ngayon sa pag aasikaso ng kanyang kambal, pero kailangan na kailangan nilang malaman ito.
" Are you sure Roxie?. Teka.. kasama mo na siya ngayon?", ramdam ko rin ang taranta sa boses ni Zey kaya alam.kong masayang masaya siya sa nalaman ngayon. " Hoy Roxanne..Nagka usap kayo?", I sigh again nong maalala ang nangyari kahapon.
" Doc!", Kumurap ako at agad na pinahid ang luhang dumaloy sa aking pisngi. Seeing him like this, kahit iba ang klase ng titig niya ngayon, siya ang Archie ko.
" Okay lang kayo Doc?", tanong niya. Tila hindi niya ako kilala. Dahil ba mas mahaba na ang buhok ko?.. Naging mas payat at matangakad ako?...
" You don't know me? nasabi ko kaagad.
Agad siyang umiling at pinakita ang isang matanda na hinang hina na.
Kaya walang pag alinlangan ko siyang inasikaso kaagad. Kaya naguguluhan ang isip ko dahil sa presensya niya, nakapag fous ako kagaya ng kung paano ako umasikaso ng mga patient.
Pinahid ko ang luha sa mata ko at agad na nilagay sa dibdib ng matanda ang aking stethoscope.
Mahina ang kanyang puso. Nababanas pa siya at namamaga ang paa. May sugat pa siya na lumalala na.
" Madalas ba siyang umiihi?. Payat na payat siya.. Malnourish pa. Kailan pa to?", Tumingin ako sa kanya. Tinatago ang aking expression.
May Diabetes ang matanda.
" Ahhh Doc, wala kasi siyang gana, minsan pa, tubig lang ang kailangan niya kasi uhaw na uhaw palagi.. Itong sugat niya po, maliit lang yan, pero hanggang ngayon, hindi parin gumagaling.. ", nagulat ako sa klase ng kanyang Boses. Malumanay, magalang at higit sa lahat, parang hindi niya ako kilala talaga.Mukha niya lang ang pareho,, pero iba sa Archie na nakilala, naging boyfriend ko.
" Anong .... Anong pangalan mo?". kinakabahan man ay matapang ko yung tinanong.
Kita ko kaagad ang gulat sa kanyang mukha.
" Ahhh.. pasyncia na doc... Daniel po. .. Iyon naman po ang asawa ko. Nasabi po sa amin na may free consultation po sa barangay namin kaya napunta kaagad kami dito ng nanay ko. ", , tinuro niya ang babaeng nakasimangot ng nakatingin sa aming banda.
Halos lukutin ng ilang beses ang puso ko sa narinig.
May asawa na siya..
Nagka amnesiya kaya hindi ako nakilala?.
Anong nangyari?.
May anak na sila?.. Nasaan?..
Halos hindi ako makakilos ng husto sa narinig. Nanginginig ang kamay kong nag aasikaso sa matanda.
" Ahhh... Okay.. I will prescribe some medication for her, pero mas mabuting maadmit ang iyong nanay sa hospital. I'll be there to check on her again.", seryoso kong sabi. Binigyan siya ng cold treatment dahil sa narinig.
Pinipigilan ang pagbreakdown sa harap niya.
" You mean... May amnesya si Kuya?. May Asawa na?. Anong ibig mong sabihin Roxanne. Paano nangyari yun?", .naguguluhan na sabi ni Zarniah. Nakita ko pa sa gilid si Zeke na ngayon ay seryosong seryosong nakikinig.
" Hindi niya ako kilala. I think, may kinalaman yun sa nangyari sa kanya ten years ago. Pero Zey.. kamukhang kamukha niya si Archie.. Medyo maitim na siya ngayon kompara noon, pero nakikilala siya ng puso ko... Siya si Archie Zarniah.. ", naghysterical kong sabi. Hindi alam kong ano itong nararamdaman ko. Mas masakit pa to sa nalaman kong nawala siya kesa sa malaman kong hindi niya ako kilala at may asawa pa.
" Why don't you ask him?. Eh di sana, naliwanagan ka na ngayon.", masungit na sabi ni Zeke.
Halos umikot ang mata ko hanggang 360 degree dahil sa sinabi ni Zeke.
Like, That easy?.
" Kinompronta mo sana. Pinakita ang singsing mo. Nag asawa pa siya?. talagang asawa talaga?. Bakit hindi mo.tinanong Roxanne.?. We will be there. Sasabihin ko to kina Daddy. ",
" Tang*na Zey.. Hindi ko rin alam. Alangan namang gumawa ako ng eksena doon at paaminin si Archie sa nangyari. Hindi naman niya ako kilala. Kinalimotan na ako ng damoho mong kuya. Ni pagsasalita niya , nag iba narin. Hindi na siya ang Archie na pag mamay ari ko. ", halos manginig ako sa galit ng sabihin yun. Tiningnan ko pa ang singsing kong hindi ko man lang hubarin kahit anong ginagawa ko.
Magdadalawang araw narin simula nong nangyaring medical mission namin at sa pangalawang araw, hindi ko nakita si Archie A.k.a Daniel.
Siguro, napa check na sa iba ang nanay niya.
" I'll call Dad about this. Puntahan ka namin?. For your peace of mind na rin", . pumayag kaagad ako sa suhestion niya.
I need it.
" Doc Roxie, We need you here.", narinig kong sabi ni Gelo. Kaya agad akong nagpaalam kay Zarniah at agad na lumabas sa aking tent.
" Madami ba?", nasabi ko kaagad. Tumango lang siya.
We walk together patungo sa kung nasaan ang pila.
I was smiling the whole time until I saw again Archie. This time, mag isa lang siya.
" Doc.", seryoso ko lang siyang tiningnan, kahit na ang kaloob looban ko ay gusto na siyang komprotahin, nasiyahan na bumalik siya. Pero ganon parin ang hitsura niya , mas stress siya nagyon kompara noong araw. Hininhingal siya at halatang balisa." Yung nanay ko po, the one you check the other day, nasa hospital ngayon. Inatake.", nanlaki kaagad ang mata ko.
" Excuse Mister, we are conducting---", hindi ko pinatapos si Gelo sa sinasabi niya at agad na hinila si Archie sa kung saan man na hospital dinala ang nanay niya. Nang mahawakan ang kanyang braso, madulas, magaspang pero hindi yun napigilan ang puso kong kumalabog ng husto at nasiyahan dahil sa nahawakan ko siya.
" Saang hospital?", tanong ko kaagad.
" Dito po tayo.. Sa St. Marie po.", hindi ako pamilyar, pero laking gulat ko ng sumakay siya sa isang trycycle at --- lumabas rin ng hindi ako maka react kaagad.
" Pasyncia na doc, wala pong-"
" This is fine. Move.", seryoso kong sabi sabay pasok sa loob ng tricycle. KAilan ba ang huli kong sakay ng tricycle?.. Hindi pa kami magkakilala ni Archie.
Nakita ko pa si Gelo na tumakbo sa gawi namin. Sininyasan ko lang siyang asikasuhin ang mission at kailangan kong makapunta.
I am the one who diagnose her nanay first. Ako rin ang may alam ng first history niya.
Nakita ko siyang Naka tsinelas, nakapantalon na puro putik at ...umiwas kaagad ako ng nakatingin siya sa akin.
" Pasyncia na doc, pawisan ako.", nahihiya niyang sabi.
"It's fine.",masungit kong sabi, halos hindi ko na napipigilan ang puso ko. sa subrang bilis nito, halos hindi na ako makahinga .
" Anong oras niyo dinala ang nanay niyo?. Naasikaso naman kaagad?",
" Hindi pa nga ho eh. Nasa labas pa po ng hospital kasama ang asawa ko.", I greeted my teeth nang magsabi nanaman siya ng asawa.
Nagpapasalamat ako at nakarating din kami sa hospital at napigilan ang sariling sukmatan siya.
Nakatingin pa ako sa likod niyang basang basa dahil sa pawis, mga braso niyang puntik puntik na dahil sa kakatrabaho.
Anong nangyari sa minahal kong Archie?.
" Doc.", tawag niyang muli.
Nilagpasan ko siya at agad na dumeretso sa kung nasaan si Nanay.
Nanghihina na ito. Nahihirapan sa kanyang binti na namamaga. Halatang hindi na masyadong makahinga.
" I am Doc Roxanne Ty, I am the one who diagnose this patient on our medical mission.. What is the status of this patient?. ", yan kaagad ang pangbungad ko sa nurse na nasa admission.
" Doc, walang bakante po sa ward--", .
" Dalhin niyo siya sa Private then", .seryoso kong sabi.
" Doc, wala po silang pangdown--", . nanggigil akong tiningnan ang nurse.." Kailan pa nagkaroon ng policy ang isa sa hosptal na pinatayo ko sa lugar na ito na kailangan ng downpayment bago ma admit?..", galit kong sabi. Ntahimik bigla ang nurse at parang hindi pa naniniwala sa akin.
" Do you hear what you say?. Are you really a nurse or a fake?. My command is provide them in the private Room. Call your head and say my name.", mala otoridad kong sabi.
Nanlaki ang mata niya matapos niyang makausap ang nasa telepono.
" Immediately doc. We will admit her in the private room. ", nagmamadaling sabi ng nurse. Bumuntong hininga ako at agad na hinarap ang isa pang nurse.
", Call Doc Gelo. He is expert with this. ", sabi ko at agad na inalalayan ang matanda.
I check his vital sign. I check her wound. I check everything to her.
" Doc Gelo will be in charge with your mother. But I can be also her doctor about her condition. Kaming dalawa ni Doc Gelo ang aasikaso sa nanay mo. ", mahinahon kong sabi.
Nakanganga siyang tumango habang namamangha sa ginawa ko.
Nagulat pa ako ng walang pagalinlangan niya akong niyakap. Yakap na bumalik lahat ng alaala ko sa kanya. Iyong Archie na masyadong clingy, masyadong mayakap at hindi ako titigilan , makahalik lang sa akin.
" Pwedy ba kitang .... Pwedy kitang makausap?. In private?.", matapang kong sabi ng magkatitigan kami.
" Daniel, ", hindi ko narinig ang tugon ni Archie ng hinila na siya ng animal na babae na yan.
" Teka lang Maricel.. Nag uusap kami ni Doc Roxanne. ", nabuhayan kaagad ako sa sinabi niya.
" Doc, aasikasuhin ko lang si Nanay--",
" Here is my card. Call me if you are free. ", nasabi ko kaagad bago pa ako tumalikod dahil sa sakit na nakita kong magkahawak kamay ang dalawa.
This is as hurt as living in hell.
..................NEXT.............
..........NEXT....