Beautiful... "Anong ginagawa mo?" "Ay butiki!" halos mapalundag ako at nasapo ang aking dibdib sa sobrang gulat ngunit sa isang iglap ay napatuwid din naman ako ng tayo mula sa aking pagkakakubli mula sa mga shelves dito sa loob ng Guild. Punyeta kase si Lantis e. Kung hindi niya ako tinulak ay hindi ko sana mahahalikan sa labi Ulap. Ano na lang ang iisipin ng palakang iyon? Baka isipin niya ay hustong gusto ko nga ang nangyari. Hindi naman kaya! Napahawak ako bigla sa aking labi. My eyes darted on my side and saw the weird look she was giving me. Umayos ako agad ng tayo at binitawan ang aking labi. I watch as my co-guild member fixes her glasses. May hawak siyang libro at tulad ng dati ay panay lang ang sulyap sa akin habang naglalakad siya paikot sa isang lamesa doon. Inayos ko an