Hurt... "Ano na naman Ulap?" naiistress kong tanong ng mapansin kong tulala lang siya sa harapan ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila at nag aaral. May exam kase siya bukas sa tatlong major subjects niya pero itong si Ulap, palagi na lang nakanganga at may kung anong malalim na iniisip. Halos dalawang buwan na din nang maging tutor niya ako pero halos twice a week lamang kami mag aral dahil kaya niya naman pala. Cloud Puntavega, as much as I don't want to admit it, doesn't just have the looks. Kaya niya kung gusto niya. Parang hindi lang talaga siya interesado. Yun nga lang, masyado siyang honest. Nung sinabi niya sa akin dati na minsan niya na lang ako tatakasan, ginagawa niya nga. Nung last week, nahuli ko siyang umaakyat sa gate ng bahay nila Mattee. Doon kase kami nag aral. Napa