Pisngi... Iniangat ko ng bahagya ang librong aking hawak, nangangalay na ang kamay ko pero ayoko talagang ibaba. Baka kase kapag ginawa ko yan ay may mahampas na naman ako. Bigla pa namang sumusulpot sulpot si Lantis kung saan saan. Nadinig ko ang mahina niyang pagtawa na lalo yatang nakapagpamula sa aking pisngi. Ang sinumang magtatangkang humawak sa akin ay tiyak na mapapaso sa init na aking inilalabas. Bwisit talaga ang lalaki na to e. Ang sarap sakalin! Nadinig ko na naman siyang humagikgik at tila tuwang tuwa sa nangyayari. Parang gusto ko nag iuntog ang aking sarili sa lamesa. Nakakahiya talaga. "Put that down Barbara. Gusto kong makita ang mukha ng girlfriend ko," pang iinis na naan sakin ni Cloud at hindi ko na napigilan. Mabilis kong naibaba ang hawak na libro at akmang iha