Chapter 16 - Bed

1437 Words

Savannah Kita ko ang pagkamangha sa mukha ng kapatid ko nang makapasok siya sa unit ni Albrey. Kagaya ng pagkamangha ko rin noong unang makapasok ako rito. Napaka-ayos at napakalinis, maaliwalas ang buong paligid na pinanatili ko naman noong naririto na ako. "You have a nice place, Albrey," may ngiting sabi ng kapatid ko kay Albrey. "Thank you. Feel at home," masayang tugon naman ni Albrey sa kan'ya. Maya-maya ay nagpaalam si Albrey na may pupuntahan daw siya kaya naman naiwan kami ni ate Sha. Nagkwentuhan kaming dalawa. Matagal kaming hindi nagkita kaya naman ang dami naming napagkwentuhan. Nagkwento siya ng mga nangyari sa kanya sa Canada at sa trabaho niya. Nang tanungin ko siya kung may nobyo siya ay may imosyong biglang dumaan sa kanyang mga mata at nag-iwas siya ng tingin. Hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD