Chapter 7 - Stay-overnight

1360 Words
Savannah "Cheers on our graduation day!" "Congratulation!" "Yehey!" Rinig ko mula sa kinaroroonan ko ang mga sigawan ng mga nagtapos dito sa university. Nakasuot silang lahat ng toga at inihahagis pa nila sa ere. Graduation day ngayon at naririto ako sa isang tabi na pinagmamasdan lamang sila. Nalulungkot ako dahil isa dapat ako sa kanila na nagsasaya sa mga oras na ito ngunit hindi nangyari. Kasalan ko naman ang lahat ng iyon kaya hindi ako dapat na nagkakaganito. "Beshie, bakit nandito ka? Dapat sinamahan mo kami roon," sabi ni Bea nang makita nila ako dito sa isang tabi na nag-iisa. Magkasama sila ni Avin. Kita ko naman sa mukha nila ang saya dahil naka-graduate na sila. Mabuti pa sila, mapapasana all na lang ako. "Congratulations, Beshie. Congratulations, Avin!" Kaagad ko silang binati nang lumapit sila sa akin. Niyakap ko rin silang dalawa nang mahigpit. Masaya ako para sa kanilang dalawa dahil nakapagtapos na sila. Nalungkot naman ako para sa sarili ko dahil hindi ko nakuha ang pinapangarap ko ngayong taon. "Bakit parang malungkot ka na naman, Sav? Makaka-graduate ka rin. Hindi pa nga lang ngayong taon. Halika kain tayo sa labas, treat ko," ani ni Avin sa akin. Kita ko naman ang kislap sa mga mata niya sa tuwing kasama niya si Bea. Hindi man niya sabihin ay alam ko na gusto niya si Bea. Kahit anong pangu-ngulit ko sa kan'ya ay ayaw niyang umamin. Nahahalata ko naman siya na laging nakatitig kay Bea at may ibang saya sa mga mata niya. Hindi naman iyon napapansin ni Bea dahil sa iba siya nakatingin. Alam namin ni Avin na si Ken na isa sa mga university heartthrob ang gusto ni Bea. Kaya hanggang tingin na lang din si Avin sa kan'ya. Sana ay dumating din yung panahon na mapansin at mabigyan din siya ng pagkakataon ni Bea. Sa tingin ko ay deserving naman si Avin na mahalin. "Huwag ka na malungkot, Beshie. Halika na labas tayo," sabi ni Bea at hinihila na ang kamay ko. Ngunit kahit gusto ko ay hindi ako makakasama sa kanila. "Kayo na lang muna," pagtangi ko. "Kailangan ko kasing mag-ayos ng mga gamit ko dahil ngayon ang last day ko sa boarding house ko. Hindi ako p'wede mag-extend dahil may renovation sila," malungkot kong ani sa kanilang dalawa. Nalungkot din naman sila na kita sa mga mukha nila. "Oo, nga pala. Saan ka na pala tutuloy?" tanong ni Bea na bakas sa mukha ang pag-aalala. "Wala pa nga, Beshie. Maghahanap pa ako," malungkot ko pa ring tugon. Ang totoo ay wala talaga akong mapupuntahan sa ngayon. Baka magpalaboy-laboy muna ako. "Doon ka muna sa boarding house ko. P'wede ka naman doon kahit ilang araw," masayang mungkahi ni Bea na hindi ko naman tinangihan dahil naiisip ko pa lang na magpapalaboy-laboy ako sa lansangan parang mababaliw na ako. "Sorry kung naging pabigat pa ako sa iyo, maghahanap kaagad ako ng malilipatan ko," nahihiyang sabi ko kay Bea. Narito na kami ngayon sa boarding house niya. Hindi na natuloy ang pagkain namin sa labas dahil tinulungan nila akong magligpit ng mga gamit ko kanina. Maliit lang itong boarding house niya, pang isahang tao lang talaga. Malinis naman at maayos ito, may maliit na lababo at lutuan ng pagkain. May sariling ding banyo rito sa loob. "Walang problema, Beshie. Hindi naman kita hahayaan na matulog sa kalsada." Lumingon siya sa akin habang naglalagay ng night cream sa mukha niya. Naalala ko namang bigla si Avin. "Beshie, may itatanong ako sa iyo," ani ko kay Bea. "Ano 'yon?" "Wala ka bang napapansin kay Avin?" "Napapansin na ano?" "Ahm, wala naman. Wala ka bang Special feelings para sa kan'ya?" nilingon niya ako at tinitigan na may pagtataka sa mukha niya. "Kung sakali ba na ligawan ka ni Avin, may pag-asa ba siya sa iyo?" Naisipan ko pang-itanong. Gusto ko lang naman malaman. Marites lang? "Ano ba iyang sinasabi mo, Beshie. Kapatid ang turing ko sa kan'ya at sa iyo. Bakit mo naman naitanong iyan?" "Wala lang, iba kasi ang mga tingin niya sa'yo at pakiramdam ko ay may special feelings siya para sa'yo. Hindi naman sa pabor ako sa kan'ya, pero kung ako ang tatanungin mas gusto ko si Avin para sa iyo dahil kilala ko na siya. Kaysa roon sa crush mong si Ken na hindi ka naman napapansin," mahaba kong litanya. "Beshie, crush ko lang naman si Ken at siya ang nagbibigay ng motivation sa akin. Alam ko naman na imposibleng maging kami. Si Avin naman ay para ko ng kapatid saka wala naman akong napapansin na kakaiba sa kan'ya at wala rin naman siyang sinasabi." Nahiga na kaming dalawa sa kama niya. Single bed lang ito pero dahil payat kami ay kasya kaming dalawa. Tumigil na rin ako sa pag-usisa sa kan'ya. Dahil sa pagod at matinding pag-iisip ay kaagad na rin akong hinila ng antok. Kinabukasan ay nagising akong wala na si Bea sa tabi ko. Baka maaga siyang pumunta ng University. Inayos ko ang kama na hinigaan namin. Nagwalis din ako ng kaunting alikabok. Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok si Bea. "Beshie, may gusto sana akong sabihin sa iyo." Malungkot ang mukha niya. "Ano 'yon, Beshie?" "May nagsumbong sa may-ari ng boarding house kaya kina-usap niya ko. Ayaw niya na may ibang tao rito. Sinabi ko naman na ilang araw lang pero hindi siya pumayag." Kita ko ang lungkot sa mga mata niya habang nagsasalita. "Ayos lang iyon, anu ka ba? Malaking bagay na ang naitulong mo sa akin. Maghahanap na lang ako ng ibang matutuluyan ko." "Pasensya ka na talaga, naki-usap ako pero ayaw talaga pumayag." "Ayos lang talaga, salamat." Nginitiin ko siya na nagpapakita na ayos lang talaga sa akin. Hindi naman namin p'wedeng pilitin kung hindi talaga p'wede. "Hello Avin, may kailangan ako sa 'yo." Napalingon ako sa kan'ya ng marinig ko na tinawagan niya si Avin. Inayos ko na ang mga gamit ko, pupunta kami sa trabaho ni Avin dahil naka duty na siya ngayon. Kakausapin namin siya baka may alam siya na matutuluyan ko pansamantala. Ilang minuto kaming naghintay ni Bea kay Avin bago siya lumabas. Narito kami ngayon sa labas ng ospital na pinagtatrabahuan niya bilang nurs. "Hey! Sorry may pasyente pa kasi kaming inasikaso." Hinihingal pa siya at bakas sa mukha niya ang pagmamadali. Naistorbo pa ata namin siya. "Ayos lang, pasensya na rin naabala ka pa namin," nahihiya kong sagot sa kan'ya. "P'wede ka sa bahay tumuloy, pero kakausapin ko muna iyong kapatid ko may pagka-istrikta kasi iyon. Kaso bukas pa ng umaga ang out ko, okay lang ba sa iyo na maghintay? Dito ka muna sa loob ng ospital mag-stay overnight. May mga bakanting kwarto naman dito." "Oo, okay lang. Salamat!" masayang sagot ko kay Avin. "Oh, Beshie. Maiwan na kita rito, ah. Si Avin na ang bahala sa'yo. May pupuntahan pa kasi ako. Pasensya ka na ulit, ah." "Wala iyon. Salamat ulit, Beshie. Saan ka pala pupunta?" "Ah, may date lang," masayang ani niya. "Date?" Kanino?" gulat kong tanong sa kan'ya. Kita ko naman ang pag-iiba ng timpla ng mukha ni Avin. "Basta, alis na ako." Nagyakap kami bago siya umalis. "Ingat ka, Beshie." Habol na tingin na lang ang nagawa ni Avin at nagpakawala rin siya ng malalim na hininga. "Bakit kasi ayaw mo pang aminin sa kan'ya ang feelings mo." "Huh? Anong bang sinasabi mo?" maang niya. "Tss! Kwento mo sa pagong! Hindi ako pinanganak kahapon." Natawa naman siya sa sinabi ko at kumamot pa sa ulo. Kaagad na rin naman kaming pumasok sa loob ni Avin. Pinaupo muna niya ako sa waiting area dahil maghahanap daw siya ng bakanting k'warto na p'wede ako mag-stay overnight. Parang nakakatakot naman mag-stay dito overnight. Bigla ko naman naalala si Mr. Ford. Ano kaya ang sinadya niya rito sa ospital noong nakaraan? Mukhang malaki ang problema niya at halata iyon sa mukha niya. Napakalungkot din ng mga mata niya. Kaya siguro siya masungit dahil may pinagdadaanan siya. Ano naman kaya iyon? Sana naman ay maayos lang siya. Hindi ko na pala siya kinulit pa tungkol sa ipapakiusap ko. Okay na siguro iyon. Hindi pa talaga sigurong nakatakda na makapagtapos ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD