Chapter 8 - Lying

1515 Words
Savannah Nagtungo ako sa kwarto kung saan ang itinuro ni Avin sa akin na p'wede akong mag-stay overnight. Hindi na niya ako sinamahan dahil may pasyente sila na kailngang asikasuhin. Nang makapasok ako ay pinagmasdan ko ang kabuoan nito. Maayos naman ang kwarto at mukhang hindi nakakatakot dito matulog. Wala naman sigurong multo rito. Nanayo ang mga nalahibo ko sa isipin na may multo nga dito. Naglakad na ako papalapit sa kama, hila-hila ko ang maleta ko. Nagitla ako nang may matamaan ang paa ko. Halos mapatalon naman ako sa takot ng makita ko na tao ito na nakahiga. Ang ulo niya ay nasa ilalim ng kama at ang kalahati ng katawan niya ay nakalabas. Pero teka, tao ba talaga ito o baka naman multo. Sinasabi ko na nga ba, hindi magandang ideya na matulog dito overnight. Nakahanda na akong tumalikod at tumakbo dahil sa takot ngunit napahinto ako at nanigas nang bigla siyang nagsalita. "Help me please," may pagmamakaawa na sabi niya. Lakas loob at dahan-dahan ko naman siyang sinilip sa ilalim ng kama. Nakita ko na matandang lalaki ito at humihingi siya ng tulong. Lalo akong nakaramdam ng takot. Kailan pa ako nakakakita ng multo? God, ito po ba ang talent ko? P’wede po bang iba na lang, please. Napa-sign of the cross ako at ipinaglapat ang dalawa kong palad. “Help me,” muli niyang sabi. Bakas sa boses niya na nahihirapan siya. Paano kung hindi naman siya multo at kailangan niya talaga nang tulong ko? Bahala na nga. Kahit takot at nag-aalinlangan ay muli kong sinilip ang matanda. "L-Lolo, ano po ang ginagawa ninyo d'yan?" lakas loob kong tanong ko sa matanda. Paano ba kasi siya napunta d’yan? "Tulungan mo muna ako makalabas dito." Nataranta naman ako at 'di alam ang gagawin. Paano ko siya ilalabas? Naisipan ko na lang siyang hilahin hangang sa makalabas siya. Hirap na hirap ako dahil sa bigat niya. Tingin ko ay nasa edad 70 na siya. Nang mailabas ko siya mula sa ilalim ng kama ay inalalayan ko siyang tumayo at maupo sa gilid ng kama. Naupo rin ako sa tabi niya. Mukhang hindi naman siya multo kaya hindi ako dapat matakot. "Thank you iha, napakabuti mo." "Wala pong anuman, Lo," sabi ko at ngumiti. Ngumiti rin siya na ikinapanatag ko. "Tinakot n'yo po ako, Lolo." "Pasensya kana, lumabas kasi ako pero pagbalik ko ay nagkamali ako ng napasukang k’warto," paliwanag niya sa akin. "Eh, bakit po nasa ilalim kayo ng kama?" Nakakapagtaka na sa edad niyang iyan nagawa pa niyang pumasok sa ilalim ng kama. "May nalaglag kasi akong importanteng bagay at pumasok sa ilalim. Sinubukan kong abutin kaya napunta ako sa ilalim ng kama tapos hindi na ako makalabas. Mabuti na lang at nakita mo ako." Tumango-tango ako sa kanya. "Matanong ko lang, Lo. Ano po ang nangyari sa inyo? Bakit po kayo nandito sa ospital?" tanong ko dala ng kyuryusidad. Bahagya siyang ngumiti sa tanong ko. "My grandson didn't tell me. I'm not even going to ask." May lungkot sa mga tinig niya. Nagulat naman ako at napa-isip "Baka may dahilan po iyon. Pero dapat ang apo mo ay maging mabait sa iyo." Natawa kaming dalawa at lumiwanag ang kanyang mukha. Ang sarap naman sa pakiramdam ng mga ngiti niyang iyon. Kaya siguro hindi sinasabi ng apo niya ang kalagayan niya dahil ayaw nitong isipin pa niya iyon. "We two share our life together. So, we're good. My grandson is good anxiety to me," may ngiti niyang pagkakasabi. "Ano naman po iyon?" “My last wish.” “Last wish?” "My last wish is to see him married." Kita ko ang saya sa mukha niya habang sinasabi iyon. Pati sa mga mata niya ay hindi maipagkakaila ang sayang lumarawan doon. Nakakatuwa naman na iyon ang last wish niya. Siguro matanda na ang apo niya at hindi pa nag-aasawa. "Tawagin mo na lang akong, Grandpa. Iyon ang tawag sa akin ng aking apo. Ano nga pala ang pangalan mo, iha? Do you have a boyfriend?" Napangiti naman ako sa tanong niya. "Savannah po ang pangalan ko, Grandpa. Sav na lang po for short. Wala po akong boyfriend. Bakit n'yo po naitanong iyan?" "I think he's perfect for you. Ipakilala kaya kita sa kan'ya." Mukhang palabiro itong si Grandpa, masayahin din siya at mabait. "Kayo talaga, Grandpa." Nagkatawanan kaming muli. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Avin. Kita ko naman ang pagkabigla sa kanya nang makita niya ang kasama ko. "Grandpa, ano pong ginagawa n'yo rito? Nagkamali na naman po ba kayo ng kwarto? Halina po kayo at ihahatid ko na kayo sa silid n'yo." Ngumiti sa kanya ang matanda na mukhang hindi na talaga bago ang pagkakamali niya ng kwartong napapasukan. Kaagad ng inalalayan ni Avin si Grandpa na makatayo. "Nice to meet you, Sav. Maraming salamat ulit. Ipakikilala kita sa apo ko, ha," sabi niya na may pilyong mga ngiti. "Opo, sige po. Magpagaling po kayo, Grandpa. Sure po ako na tutuparin ng apo mo ang wish mo dahil mabait kayo," nakangiti ko naman tugon sa kanya, para palakasin ang loob niya. Agad din naman niya akong sinuklian ng malalapad na ngiti. Inalalayan na siya ni Avin palabas ng silid at magtungo sa silid niya. Naiwan naman ako rito na mag-isa. Kaagad din akong binalikan ni Avin sa kwarto. "Ayos ka lang ba rito, Sav?" "Oo, okay lang ako. Medyo naiilang lang." Kumamot siya sa ulo. "Pasensya ka na, ito na iyong pinaka maayos at komportable na kwarto. Sisilip-silipin na lang kita rito para hindi ka matakot." Alam niya talagang takot ako. Hindi naman ako takot, a. "Okay lang, salamat." "Maiwan muna kita, baka hanapin ako ni dok." Tumango-tango ako at ngumiti sa kanya bago siya lumabas ng silid. Naisipan ko munang lumabas at mag-ikot-ikot dahil nakakainip naman sa loob ng silid. Parang hindi pa naman ako makakatulog dahil hindi pa ako inaantok. Magpapahangin siguro muna ako sa labas. Albrey "About the plan, we discussed before, how's going with you?" the doctor asked me. I'm here now at his office. "Will my Grandpa make it or not?" I ask him back. I don't know how I will feel whenever I talk to the doctor. I'm not ready for what he can say about my Grandpa's condition. "He refuses to have the operation. We can't force him. So, you need to think about it. How can we persuade him?" What he said made me think about how I could convince my grandfather to have surgery. Matigas pa naman ang ulo no’n. I decided to go to his room and talk to him. I was carrying the paper he had to sign for his operation. I don't know how to convince him, but I have to try. Pinihit ko ang doorknob at pumasok sa loob ng silid niya. Kaagad siyang ngumiti ng makita niya ako. "You want to talk to me?" my grandfather asked. Alam na kaagad niya. Kabisado na talaga niya ako. Ngumiti ako sa kanya bago nagsalita. "I just talk to the doctor. He said you're in a good condition. So, if you have the operation, you'll get better," hopefully, my denial of his condition convinced him. "Good condition? What ambiguous words! How can you say that?" I was surprised by his questions. It's look like he alredy knows his true condition. Pilit kong pinatatag ang sarili ko at hindi nagpakita ng kahit anong kahinaan. "I know my condition very well. When you quit your job and return home. I knew that I can't get well. I'm afraid may die too early to wait for that day." Napakunot naman ang noon ko. Ano naman kaya ang sinasabi niya? "Which day?" "My great regret in life is that I didn't give you a happy childhood. That's why you have such a personality. It made you who you are today, but it also harmed you. I hope that there'll be a person who loves you and you love. You can build a happy family. That's the day I've been waiting for, as well as my last wish," mahinahon niyang salaysay at kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Natahimik ako dahil hindi ako makapaniwala na until now ay iyan pa rin ang gusto niya. He really loves me and I love him too. I can't stand without him, but how can I fulfill his request? I don't have a girlfriend. Iyan ang bagay na hindi ko napagtutuunan ng pansin. "Give me that, I'll sign it. I want to take the risk. If I make it, I'll live a little longer. Maybe I'll see my wish come true." Sumilay ang mga pilyong ngiti sa mga labi niya bago nagsalita muli. "I did you a favor. You should do the same." Hindi ko alam ang sasabihin ko. I just smiled at him. "Do you have a girlfriend?" he asked as I stopped. Suddenly the white lies that Sav and I talked about came to my mind. Hindi naman siguro masama. "Yes! I have a girlfriend," may pagmamalaki kong sabi sa kanya. "You're lying." "No! Before your operation, I'll bring her to you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD