MARISOL
“Sol, pansinin mo naman siya oh, nakatingin na naman sa ‘yo.” hagikgik si Joy na kinailing ko.
“Tingnan mo tingnan mo, kanina pa ‘yan, parang gustong lumapit pero naaalangan, nakakatakot kasi naman ‘yang nakaseryosohan ng mukha mo,”sinaway ko siya at inirapan.
Sumipsip ako sa straw ng strawberry milkshake na inorder ko.
I didn’t brother to look at the guy. Nadatnat namin siya sa isang mesa sa loob ng canteen kasama ang dalawa pa nitong katropa.
Nakita ko ang senyasan nila. Vladimir is eyeing on me. Hindi ko na lang pinansin at wala akong balak.
Umupo ako sa harap ng mesang pangdalawahan, dalawang mesa pa ang pagitan namin mula sa mesa nila.
Umakto akong deadma. “Hi, Sol.” Bati ng isa sa dalawang kasama niya, tiningnan ko lang ito at tipid na nginitian. Ni hindi ko pinadaanan ng tingin ang dalawang kasama nito.
Sa kaniya lang ako tumingin at saglit na saglit lang. Pumihit agad ako patalikod.
Umupo ako patalikod sa dereksyon ng mesa nila.
“Aw, tinalikuran..” anang isa.
“Pare, ano ba ‘yan dinadaga ka na naman. Lapitan mo na kasi, kung ako kukulitin ko nang kukulitin iyan. Bibigay din ‘yan normal lang naman sa mga girls ang pakipot sa una,” dinig naming sulsol pa ng isa. Napairap ako sa hangin at umismid pagkatapos.
Grabe naman ang tingin nila sa mga babae, nilalahat talaga?
“Pakitaan mo nga brod kung sinong sinasayang niya,” awtomatikong umikot ang eye balls ko. What the heck. Sinayang?
“Hindi ako naghahabol ng babaeng ayaw sa akin, marami naman diyan iba. Mas magaganda pa.” Tumpak. Natumbok rin niya ang punto ko. Sana mapangatawanan niya.
Dahil naiinis ako at hindi komportable sa pag-aaligid aligid niya sa akin.
Maya maya lamang ay may dumating na ring mga babaeng alam kong kaklase niya at mga patay na patay sa kaniya.
Pagpasok pa lang sa canteen ay ingay na ang bungad nila.
“Nandito na naman iyong mga kulang sa pansin squad, sigurado si Vladimir na naman ang hanap ng mga iyan.” Sinaway kong muli si Joy.
“Hi, Vlad. Nandito na pala kayo, sa court pa kami nagpunta akala ko naroon kayo e, pa-join ha.” maarte at may landing boses ni Keela.
Narinig namin ang hagikgikan ng dalawang kaibigan nito.
"Dito na ako sa tabi ni Ted,"
"Hi Liam," nagkatingin kami ni Joy sa napakalamding dating ng boses ni Mae.
Pigil ang tawa ko nang makita si Joy na ginagaya pa ang pananalita nila habang tumitirik ang mga mata.
Napailing na lang ako.
“See, ang lalandi!" Ismid ni Joy.
“Hayaan mo nga sila, that’s their happiness.”
“Pero ikaw ang gusto ni Vlad-“
“Pero hindi ko siya gusto.” Mahina at madiin kong sabi.
"Pero bali balita na jowa jowa rin ni Keela iyong Rodel 'di ba na kaklase rin nila-"
“Bilisan mo nang kumain diyan, sa likod na lang tayo magtambay na muna habang hinihintay ang bell.” ang anas ko kay Joy saka mabilis ko nang inipit ang dulo ng straw ng milkshake ko at sinaid na ang laman nito.
Nakairap itong inubos ang sandwiches nito.
"Ang dami niyang nilalandi dito sa school buti pa ako isa lang at tinigil ko na, narealized ko kasing iyong una pa rin ang gusto ko siya lang ang makakapagpasaya sa akin." bulong nito.
"At sino naman ‘yong nilalandi mong sinasabi?"
"I mean, ako 'yong nilalandi niya. Then, I tried to entertain him para ma-divert ang nararamdaman ko do'n sa isa pero, wala talaga e. Siya pa rin, ang una pa rin ang nangingibabaw..." nakanguso nitong sabi sa akin nakatingin.
She blinking her eyes to make a pitying look.
"Ituro mo nga minsan sa akin iyang tinutukoy mong taga ibang school at una mong gusto, curious na talaga-"
*Huwag na!” Pabigla niyang sabi na kinagulat ko.
Tumikhim siya. Umiwas siya ng tingin.
“Kalimutan na lang natin siya.. Nasasaktan lang ako kapag nakikita siyang kasama 'yong jowa niya. Well, doon siya masaya so hayaan ko na lang." she closed her lunch box then, sinilid sa lalagyan.
"Tara, ayaw ko nang magsalita tugkol diyan."
Napangiti na lang ako dahil finally, mananahimik din ang bibig nito.
Hindi naman niya kailangan na problemahin kami ni Dugo dahil maski katiting ay wala talaga akong gusto rito.
Ewan ko ba, may napupusuhan ba ako or crush man lang sa school?
Wala akong matandaan na naging gusto ko ng higit pa sa kaibigan.
Wala pa talaga sa interest ko ang tungkol sa usaping pang puso.
Pero siguro nga, kapag nadapuan ka na ng kilig para sa isang tao, baka 'yon na iyon.
Baka mahirap nang umiwas tulad ng sabi ng iba.
At marahil may mga tao talagang tulad ko na nahuhuling dapuan ng ganyang klasing pakiramdam.
At may iba talaga na naunang nadapuan at ako ay maaring namang maranasan iyan sa ibang pagkakataon.
Si Joy nga e, alam kong may nanliligaw dito at kaklase pa namin.
Alam kong may pagkakataon na nag-uusap silang dalawa ng palihim, akala ko nga magiging sila e. Then, in the end wala rin pala itong mapapala kay Joy. Nalaman kong binasted niya ito dahil wala daw talaga siyang nararamdaman.
Sumubok lang siya, nakipag fling lang.
'Yon naman pala, may napupusuhan itong iba na taga ibang school daw.
Sa open field sa bahaging likod ng school kami nagtambay para hintayin ang bell ng pang hapong pasok.
NAGULAT kami ni Joy nang kinahapunan ay biglang dumating si tito Sandro sa school.
At as in, pinuntahan pa talaga niya kami sa room namin.
“Daddy?” ang medyo malakas na sambit pa ni Joy. But Tito Sandro didn’t look at her and he looked at me instead. He has this soft gaze and like a kind of worried.
Bakit kaya?
Anong meron?
Ang aga pa a. Alas kuwatro ang labas namin at ngayon ay mag-aalas dos pa lang.
Nag usap sila saglit ng teacher namin.
Hindi namin marinig ang pinag-uusapan nila pero nakita kong napatakit ng kamay sa labi ang teacher namin.
Lumingon ito sa gawi ko at biglang naging malungkot ang mga mata nito.
Medyo nakaramdam na ako ng pag-aalala.
They acting weird. Napalunok ako at nakaramdam ng kaba.
Tumango tango ang teacher habang nagsasalita si Tito Sandro.
Pagkatapos ay bumaling na ito sa amin.
“Marisol, Amera Joy. Dalhin niyo na ang mga gamit niyo at sinusundo na kayo ni Mr. De Cena." malumanay na tawag ni Ma'am.
Nagkatinginan kami ni Joy saglit saka kami kumilos at niligpit ang gamit namin sa ibabaw ng desk at isinilid sa aming bag.
"Ano kaya ang nangyari bakit ganiyan mukha ni Daddy. Kinakabahan tuloy ako, Sol." bulong niya sa akin.
"H-hindi ko rin alam Joy, pero kinakabahan din a-ako..." ang amin ko.
Napalunok ako. Napansin din pala niya.
Mas matindi ang gaba ko, lalo na't naka-focus ang mga mata kanina ni Tito Sandro sa akin.
Walang imik si Tito. Kanina pa tinatanong ni Joy kung bakit kami sinundo pero hindi ito sumasagot.
Pero pansin ko ang paghigpit ng kapit niya sa manibela.
Magkatabi sila sa unahang upuan ng kotse. Mas lalong sumasal ang dibdib ko lalo nat nakita kong tumingin si Tito sa rearview mirror at saktong napatingin rin ako roon.
"Daddy, bakit ibang dereksyon? Hindi pa ba tayo uuwi sa bahay?" tanong muli ni Joy.
Siya lamang ang madalas magsalita sa aming tatlo.
Minsan ay kinakausap niya ako doon lamang ako nagsasalita ng bahagya.
"Daddy, pinapakaba mo kami ni Sol ha. Kanina ka pa hindi umiimik tapos ang aga aga mo kaming sinundo." Narinig ko ang pag hugot ng hangin ni Tito Sandro.
"Pinasundo ka sa akin ng daddy mo, Sol." Kapag kuway ani Tito. Sinulyapan muli ako sa rearview mirror.
Doon din ako tumingin, may malamlam na nanan siyang tingin sa akin.
Gusto pa sanang magtanong pero may kung anong takot ang pumigil sa akin.
Hindi ko alam kung bakit mas lalong tumindi ang kaba ko.
"Pupunta ba tayo dad ng ospital nila tito Eduardo, dad? Anong meron?"
Hindi na naman sinagot ni Tito ang tanong na iyon ni tito. Lalo naman akong inatake ng kaba.
Pagkaparada ng sasakyan sa parking ay agad umibis si Tito Sandro.
Mabibilis ang kilos niya kaya napapabilis din ang sunod namin sa kaniya ni Joy.
Nang magkatinginan kami ni Joy ay kita ko rin ang naguguluhan nitong mga mata na may pag aalala.
"Saang emergency room si Eduardo?" agad na tanong ni Tito Sandro.
Napaawang ang mga labi ko, may nangyari ba kay daddy?
"Emergency room 207 sir, pero-" nag alangan ni Jem kung itutuloy ang sasabihin.
Napatingin siya sa akin at kita ko ang matinding awang nakaguhit sa mga mata niya para sa akin.
A/N: Pasensya na muna sa errors saka ko na edit kapag natapos na lahat ❤️❤️❤️