Harles' POV
Maaga akong nagising para surpresahin sila mama, hindi nila alam kung anong oras ako pupunta sa kanila. Miss na miss ko na sila lalo na ang kapatid ko. Naligo na ako at kumain ng breakfast pagkatapos inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko dahil matutulog ako do'n for only two days.
Sumakay na ako sa kotse at nag drive patungo sa Vista. Hindi naman gano'n ka-traffic. Ipinakita ko lang ang I.D ko sa guard pinapasok na nila ako sa subdivision. Mayamaya pa ay nasa harap na ako ng bahay namin, pinagbuksan naman ako ni manong na guard sa bahay.
"Laking pinagbago mo, sir. Mas naging pogi!" Sabi niya nang makababa ako sa sasakyan.
"Nasa lahi na manong, eh." Sabi ko at tipid na ngumiti sa kanya.
Tuluyan na akong pumasok sa bahay at bumungad sa akin ang isa sa mga katulong namin na si Pia. "Welcome back, sir."
"Thanks, Pia." Sabi ko naman, iginala ko ang aking paningin at wala akong makitang anino nila. Nasaan kaya sila?*
"Sila mama?" Tanong ko.
"Nasa terrace po."
Tumango na lang ako at inilapag na ang bag ko. Umakyat naman ako sa taas at nagpunta na sa terrace kung saan minsan doon kami nag-uusap o nagpapahangin. Tahimik kasi at sariwa pa ang hangin dahil nasa taas at maganda pang mag stargazing sa gabi. Dahan-dahan kong binuksan ang sliding door sa terrace nang marinig ko silang nagtatalo kaya naman pinili ko munang makinig sa usapan nila.
"Are you out of your mind? Ilalayo mo siya sa 'tin? Enrico! Hindi ka gan'yan!" Nagbabaga naman ang galit ni mama.
Ilalayo? Si Hetera na naman ba ang pinag-aawayan niyo?*
"Helzi, darating na si papa! Alam mo naman na ayaw niya kay Hetera! Intindihin mo naman ako, hon." At hinawakan naman ni papa ang kamay ni mama.
"Gano'n lang? Darating lang si papa kailangan na natin siyang ilayo? Fine, alam ko na ayaw niya kay Hetera pero mali ang ilayo natin siya."
"We have a lot of money, Helzi. Kaya nating bigyan ng bahay si Hetera."
"Yes, we have a lot of money but Enrico! Ang kailangan ni Hetera pagmamahal hindi ang malaking bahay o pera!"
"Alam mo namang ayaw nilang makita si Hetera lalo na si papa. Nalalapit na ang pagtitipon." Mahinahong sabi na ni papa.
"P'wede naman nating itago ang mga mata niya, Enrico. Please, nasasaktan ang anak natin."
"Through contact lens? Wala pa rin 'yon, Helzi. Alam nila kung ano ang meron sa mga mata ni Hetera."
"Kahit na! Baka--baka nagbago naman na sila."
Bahagya namang umiling si papa, "Napapahiya na lang tayo kapag may family reunion dahil kay Hetera. Ayoko ng mangyari 'yon."
"Pero, hon.." Naiiyak na sabi ni mama.
Naikuyom ko naman ang aking kamay. Hanggang ngayon labis pa rin ang galit ko sa kanila dahil hindi nila matanggap si Hetera. Ang problema lang nila kay Hetera ay dahil sa magkaibang mga mata niya, napakababaw! Hindi naman sakit 'yon! Ang doctor na rin ang nagsabi pero ayaw nila na may kamag-anak sila na ang mga mata ay magkaiba. Makakasira raw sa family name naming mga Lim.
"Bahala na kung ano ang mangyari. Sa ngayon, makinig ka na lang muna sa 'kin."
Hindi na nakasagot si mama dahil pumasok na ako. Nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata nila, "Surprise." Sabi ko na lang at lumapit na sa kanila. Nakita ko naman ang pagpunas ni mama sa naiiyak niyang mata, hindi ko na lang 'to pinansin.
"Son,' Sabi ni papa. 'Kanina ka pa ba diyan?" Dagdag niya at umiling ako.
Kanina pa ako nandito nakikinig sa inyo.*
"I miss you, anak." Niyakap ako ni mama.
"I miss you too, ma." Sabi ko.
Lumapit naman ako kay papa para yakapin din siya "Pa." Sabi ko.
"I'm glad you're here, Harles. I miss you, anak."
"I miss you too, dad."
"Kumain ka na ba?" Tanong ni papa.
"Yes. Si Hetera po?"
"Kanina pa nakaalis, pumasok na sa school." Ang sumagot si mama.
"Pupuntahan ko siya, ma." Sabi ko.
"Mamaya ka na pumunta sigurado akong busy sila ngayon. Masyado pang maaga. Mamaya samahan mo muna kami na mag lunch bago ka pumunta sa kanya."
"Okay, ma."
Tinawag naman ni mama si manang. Isa rin sa katulong namin kung saan siya ang naghahanda nang makakain namin, "Manang, ipaghanda mo naman kami ng cake." Sabi ni Mama.
"Sige, ah. Nandito na pala si Harles. Saglit lang maghahanda ako." Sabi ni manang at nginitian ko siya.
Pinaupo naman nila ako sa upuan. Malaki kasi ang terrace namin, may isang katamtamang laki na table at apat na upuan na nakapaligid sa table.
"Dito ka ba matutulog?" Tanong ni papa.
"Opo, dalawang araw lang. Mataas naman ako sa exams kaya binigyan ako ni prof. ng rest day para makapagpahinga ako. Wala na rin kasi gaanong gagawin." Paliwanag ko naman sa kanya.
"Mabuti 'yan." Sabi ni Papa.
"Congrats, anak." Sabi naman ni Mama.
"Thanks ma at pa."
"Harles p'wede ba na kapag dumating ang lolo mo, si Hetera ay sa condo mo muna tumira." Pakiusap naman ni papa. Sinasabi ko na nga ba, eh. Kay Hetera mapupunta ang usapan.
"May problema ba, pa? Si lolo kailan siya darating?" Sabi ko na kunwari hindi alam kung ano ang ibig sabihin niya.
"Hindi ko pa alam pero kagabi lamang ay tinawagan niya ako na sabi niya ay magbabakasyon siya dito. Natapos na kasi ang business trip niya sa Japan." Sabi naman ni papa, nanatiling tahimik si mama sa tabi ko.
Si Lolo malakas pa ang pangangatawan. Kaya niya pang magtrabaho at alam ko na dito uuwi si lolo sa bahay pag nagkataon kaya gusto nilang ilayo si Hetera.
"Pa, baka naman nagbago na si lolo baka matanggap niya na si Hetera."
"Hindi gano'n ang lolo mo." At tumikhim 'to.
Hinayaan ko naman ang sarili ko, "Pero, pa! Hetera is suffering from emotional stress because of us!" Tuluyan na akong napasigaw.
Hindi ko maintindihan bakit ganito ang pamilya ko. Nakakasakal, nakakasawa na kailangan mong sumunod sa bawat utos nila.
"Harles." Pinakalma naman ako ni mama.
"Makinig ka na lang sa akin, son."
"Pa! Kung gano'n ang mga mata ko gaganyanin mo rin ako?"
"Oo." Diretsong sagot niya. Kapag usapang pamilya wala siyang pakialam. Wala siyang pake kung masaktan ka o hindi. Mas gusto niyang sundin ang pamilya niya kaysa sa amin.
Bakit ikaw pa ang pinili ni mama!*
"Minsan iniisip ko, bakit ba ganito ka?' Umiiling na sabi ko. 'Kung tutuusin kasalanan mo kung bakit gano'n si Hetera." Na malungkot. Dahil sa'yo, nasasaktan si Hetera.*
"Anak, stop it." Sabi ni mama pero hindi ko siya pinansin.
Tumayo na ako, "Ayaw mo sa kapatid ko na anak mo? Anong klaseng tatay ka? Palagi bang si lolo na lang ang masusunod? Kung mamatay si lolo, ano? Ikaw na ang masusunod?' Hindi ko makapaniwalang sabi, 'That's bullshit dad."
"Watch your mouth, son." Seryosong sabi naman ni papa, nagawa niya pang makapagtimpi. Hindi niya akong magawang sigawan dahil I'm a f*****g good son to him pero kapag kay Hetera? Ginagawa niya naman lahat ng best niya pero iba ang trato sa kanya dahil lang sa mga mata na 'yon.
Nababaliw na talaga ako sa pamilyang 'to.
"Son? Really?" Sarkastikong sabi ko naman.
"Balang araw maiintindihan mo rin ako." Sabi ni papa at tinalikuran ko na sila.
"Anak, come back here." Narinig ko pang sabi ni Mama.
Sorry, ma.*
At bago ko pa isara ang pinto, "Habang nandito ako. Please, pa. Huwag mong pagalitan si Hetera ng walang dahilan. Ayokong makitang umiiyak na naman si Hetera dahil sa'yo,' Sinarado ko na ang sliding door at nakasalubong ko naman si manang na may dala ng cake. 'Harles cake, oh."
Kinuha ko na ang plato kay manang, "Thanks."
"Mukhang nag-usap na naman kayo tungkol kay Hetera."
"As usual, manang."
"Huwag kang mag-alala. Magbabago rin ang lahat sa tamang panahon."
"Sana nga, manang." Sabi ko at pumunta na sa dating kwarto ko. Malinis pa ito at walang bahid na alikabok, nasa kama na rin ang bag ko. Si Pia siguro ang nagdala dito.
Inilapag ko muna ang cake sa mini table at humiga na sa kama ko. Tiningnan ko naman ang clock na nakadikit sa wall. It's already 11 am*
Mayamaya pa ay kinain ko na ang cake pagkatapos nagpalit na ako ng damit at bumaba na. Gray sweater, black shorts partnered in white sneakers ang suot ko. Pagbaba ko naghahanda na pala sila ng lunch. Hindi ko nakita si mama at papa nasa taas pa 'yon panigurado.
"Manang, alis muna ako." Pagpapaalam ko.
"Hindi ka man lang ba kakain ng lunch?"
"Sa labas na ako, manang. Mawawalan lang ako ng gana kapag sabay kaming kumain."
Natawa naman si manang, "Oo na, ah. Mag-iingat ka at ako ng bahala."
"Salamat, manang."
Kaya naman lumabas na ako at sumakay na muli sa aking kotse. Habang nagda-drive, nakikinig naman ako sa music. Music is life, sabi nga nila.
Bigla namang tumunog ang phone ko, may tumatawag. Kinapa ko naman ang phone ko sa aking bulsa habang ang isang kamay ay nakahawak sa manubela. "Oh?" Sabi ko nang masagot ko na ang tawag.
"Bro! Punta ka dito sa bahay mag bowling tayo." Sabi ng kaibigan ko, si Ben.
"Wala ako sa mood."
"Palagi ka namang gan'yan!"
"Ay, bahala ka!" Sabi ko naman at bahagyang tumawa.
"Nakakatampo ka!"
"Bakla!"
"Tss! Guluhin kita diyan, eh!" Nag red light kaya naman nag stop ako.
"Ibababa ko na 'to! Ang ingay mo."
"Uy ano---"
Natigilan naman ako nang bahagyang tumalsik ang katawan ko, mabuti na lang nakasuot ako ng seat belt. Anak ng tinapa! May bumangga sa akin galing sa likod. Red light na nga nakabangga pa!
"Mamaya na muna." Sabi ko naman kay ben at ibinaba na ang phone ko.
Nang makababa ako sa kotse padabog kong sinara ang pinto at nakita ko ring bumaba na ang may-ari ng kotse na nakabangga sa sasakyan ko. Babae pa, amp!* Napangisi naman ako.
"I'm so sorry!' Sabi niya at tiningnan ko lamang siya, 'Hindi ko sinasadya. Wala namang galos sa kotse mo."
Tinuro ko ang gasgas sa pwet ng kotse ko at muli siyang tiningnan.
"Oh, unti lang naman 'yan!" Sabi niya, sumigaw pa.
"I'll call the police. Don't be so stupid when you're driving,' Seryosong sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. 'Red light na nga nakabangga ka pa."
"Palitan ko na lang kotse mo!"
"I don't want your money. Harapin mo, kasalanan mo."
"Ayoko ngang makulong!" Sumimangot pa siya, hindi naman tatalab ang kagandahan niya sa akin.
"You need to face your consequence." Sabi ko at bahagyang ngumiti sa kanya.
"Arrrgg! Nagmamadali nga kasi ako!"
"That's not my problem, miss." Sabi ko pa na mas lalong kinainis niya.
"Kahit ano na lang basta 'wag kang tumawag ng pulis! Kotse lang 'yan at hindi ka pa nasaktan, okay?"
"Kahit na." At humalukipkip ako.
Napabuntong-hininga naman siya, "Yeah, I know. But, I'm studying law and it's really bad for me so, please. Huwag mo akong ipakulong, please?" Sabi niya at nagmamakaawa na.
"Fine,' At tumango ako saka bumuntong-hininga rin. 'Sa susunod mag-ingat ka na."
"I'm really sorry. So?"
Kung hindi ka lang babae, eh.*
"Pag-iisipan ko pa. I need to go, I hope we'll meet again." At bahagya akong ngumiti nang makita ang reaksiyon niya.
"I hope we'll not meet again." Narinig ko pang sabi niya kahit na pabulong 'yon. Tinalikuran niya na ako.
Ikaw na nga 'tong hinayaan makaalis ikaw pa 'tong galit. Pasalamat ka pupuntahan ko pa kapatid ko. Hindi na nga ako nakapag-lunch ng dahil sa'yo.*
Sumakay na ako sa kotse at muling pinaandar ang sasakyan. Nagpunta na ako sa St. Vincent Academy, kung saan nando'n ang kapatid ko. Nang makarating ako sa school niya ay pinasok ko ang sasakyan ko sa loob para makapag-park. Good thing, may mga upuan sa tabi ng mga puno kaya makakapagpahinga ako. Tinext ko naman si Hetera na nandito na ako sa parking lot.
Nang dumating siya, "You came." Nakangiting sabi ko.
"Hindi ko naman hahayaan na maghintay ka ng matagal."
Tiningnan ko naman ang relo ko sa kanang kamay ko, "15 mins, late." Sabi ko naman at sumimangot.
"Isip bata!" Natatawang sabi naman niya.
"Baby sis," Sabi ko at niyakap ko na siya. "Na-miss kita."
"I miss you too, kuya!" Niyakap niya rin ako.
Kumalas na siya sa pagkakayakap ko, "Sa bahay muna ako matutulog for 2 days."
Nanlaki ang mga mata niya, "Talaga?"
"Oo, ayaw mo ba?"
"Syempre, gusto." Nakangiting sabi niya.
"Totoo ba 'yan?" At pinagmasdan ko ang labi niya.
"Oo naman." Sabi niya. Kilala ko siya, sa ngiti niya mismo makikita ang kalungkutan sunod naman ang mga mata niya.
"Hindi naman." Sabi ko at tinaasan na siya ng kilay.
"Si papa kasi." At napabuntong-hininga siya.
"Huwag kang mag-alala hindi na mag-iinit ang ulo ni papa dahil nandoon na ako." At marahan kong hinaplos ang ulo niya.
"I know, kuya."
"Bakit ayaw mo kasi sumama sa akin? Doon ka na lang sa condo ko. Malaki at dalawang kama naman ang mayroon do'n." Paliwanag ko sa kanya.
Sana pumayag ka. Kung alam mo lang masasaktan ka lalo kaya ayoko munang sabihin sa'yo dahil darating na naman si lolo.*
"Alam mo namang hindi na magbabago ang isip ko besides kuya malapit ang academy na 'to sa bahay natin." Sabi niya.
Hindi ko na talaga mababago ang isip mo.*
"Okay, fine.' Sabi ko, 'I'll be back, later. Sige na baka may klase pa kayo."
"Take care, kuya."
"I will."
Nang mawala na siya sa paningin ko muli na akong sumakay sa kotse ko at nag drive na papunta sa bahay ni Ben. Doon na lang ako kakain.
Pagkatok ko ay pinagbuksan nila ako dahil kilala naman ako dito, "Uy, bro!" Bungad niya sakin.
Pumasok na ako at nagtungo sa sala para umupo sa sofa. Ang magulang niya nasa ibang bansa, parehas doctor. Siya lang ang nakatira dito kasama ang mga katulong niya.
"Feel at home ka na naman!" Sabi niya.
"Nagugutom ako." Sabi ko naman.
"Tara, kain tayo." Sabi niya at nagpunta na kami sa dining room.
"Hindi ka pa ba kumakain?" Tanong ko.
"Oo, hinintay kita malamang!"
"Ka-bakla naman 'yan!" Sabi ko at sabay kaming tumawa.
"Gago!"
Pinaghanda kami ng mga katulong niya nang makakain.
"Ano ba nangyari? Narinig ko 'yong kalabog, eh."
"May nakabangga sa kotse ko." Sabi ko naman at nagsimula na kaming kumain.
"Sino? Ikaw naman kasi tanga!"
"Hindi mo pa nga alam 'yong kwento, eh!" Sigaw ko na rin sa kanya.
"Patigil-tigil ka kasi. Isang tanong isang sagot ka, eh!"
"Eto na, eto na." Sabi ko at uminom muna ng juice.
Kinuwento ko nga sa kanya ang buong pangyayari, "Grabe! Maganda ba?"
"Hindi." Tipid kong sabi.
"Weh?"
"Bahala ka nga."
"Ayan ka na naman sa bahala mo."
"She's dangerous." Nasabi ko na lamang. Mabuti na lang hindi ako natuluyan.*