'Heterochromia' ang daming kahulugan niyan pero hindi ko man lang mahanap ang sagot sa katanungan ko. Bakit nga ba ganito ako? Bakit nga ba ganito ang mga mata ko? Alam ko na magkaiba ang kulay ng mga mata ko. Blue at gray? Kakaiba, 'di ba? Maski ako hindi makapaniwala. Sabi ng mga doctor hindi siya 'eye disease' nagkataon lang na ganito. Wala naman sa pamilya ko na mayroon ding kakaiba sa kulay ng mga mata nila kaya hindi ko lubos na maisip, bakit ako pa?
Pero kahit man gano'n dahil siguro sa kakaibang kulay ng mga mata ko nababasa ko kung ano ang nasa isipan ng tao. Weird, noh? Hindi ko rin alam kung bakit ganito.
Ako nga pala si Hetera Lim, nabasa ko ang isipan niyo. Bakit kaya Hetera? Dahil sa magkaibang kulay ng mata ko kaya hetera ang ipinangalan sa akin. Short for 'hetero' na ginawang 'hetera' para sa babae. Tamang tama lang din ang meaning ng pangalan ko kahit 'hetera' iyon alam ko na ang isang tulad ko ay 'different' sa mga tao.
---
DISCLAIMER:
The Girl Who Can Read Minds - is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the authors imagination or used in fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead is purely coincidental.
This story is FANTASY.
NOTE: WATCH OUT FOR INAPPROPRIATE WORDS AND VIOLENCE.