Ep.3 Cedric POV

1587 Words
Napahaplos ako sa ibabang labi ko at tulalang pumasok sa aking silid dito sa likurang bahagi ng hotel. Nanghihina akong napaupo sa kama na natutulala Naipilig ko ang ulo at iwinaksi sa isip ang pagnakaw niya na naman ng halik sa akin! nNaiirita ako sa kamalditahan nito at the same time napapangiti rin tulad ngayon. Pakiramdam ko'y nakalapat pa rin ang mga labi nito sa akin. Nakakaadik ang mabangong hininga nito at ang mentholmint na lasa ng laway niya. Napakalambot din ng kanyang mga labing kay sarap halikan kahit hindi ako marunong lalo na't napaka-eksperto nitong lumaplap! Humiga ako at pilit umidlip. May trabaho pa ako mamayang 10pm hanggang 3am bilang bar tender sa resto ng resort. NAALIMPUNGATAN akong 9pm! Agad akong naligo at kumain sa magmamadali! Patakbo kong tinungo ang resto, pagpasok ko pa lang ay nakita ko na si Liezel sa may counter na mag-isang umiinom. Tumabi ako dito at agad napangiti ng malingunan ako. "There you are. I thought you won't come baby" natatawa niyang saad. Mukhang may tama na. "Pupunta talaga ako dahil nagtatrabaho ako dito" "Tsk, bakit ba ang dami mong trabaho?" "Dahil kailangan ko" simpleng sagot ko. Iniusog niya ang isang glass ng mojito sa harap ko kaya tipid akong ngumiti at inisang lagok ito. "Why?" aniya na matamang nakatitig sa akin. Napabuntonghininga ako at tumitig sa kanya. " 'Di mo na kailangan alamin" napabusangot pa ang magandang mukha nitong lihim kong ikinangiti. "Tsk okay fine, as you said" Sinamaan ko itong uminom hanggang shift ko. Sineservan ko ito dahil magkaharap lang naman kami. May bahid ng kakaibang lungkot ang mapupungay niyang chinitang kulay abong mga mata. Namumula na rin ang napaka ganda niyang mukha. Napapailing na lang ako sa tuwing sinisinghalan niya ang mga lumalapit sa kanyang nais magpakilala. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa kanya? Siya ang nag-iisang anak sa pamilyang pinakamayaman dito sa bansa. Ang Del Prado family. Nakayuko na ito ng matapos ang shift ko kaya inakay ko na palabas. Napatampal ako ng noo na maalalang hindi ko alam ang room number niya kaya sa kwarto ko na lang dinala totak tulog naman na ang mga kasamahan ko sa ibang kwarto kaya di nila kami makikita. Bawal kasing magdala ng outsider sa mga kwarto namin. 'Di ko namalayang nakangiti na pala akong nakatunghay sa kanya habang hinahaplos siya sa pisngi. Napalunok akong agad binawi ang kamay at umakyat na sa taas nitong doubledeck na kama at dito natulog. Mahirap ng baka 'di ako makapagpigil sa katulad niyang parang dyosang bumaba ng lupa! Namaluktot ako at tiniis ang lamig dahil iisa ang kumot dito sa silid. KINABUKASAN alasyete na ng magising ako. Kaagad akong bumangon at naligo. Natigilan ako ng wala na siya sa higaan na maayos ng nakatupi ang kumot. Matapos kong magbihis ng uniporme ko bilang waiter ay tumuloy na ako ng restaurant at kumain bago nag-umpisang magtrabaho. Panay ang lingon ko sa mga bagong dating na hindi namamalayang hinihintay ko na pala siyang sumulpot dito na kulitin na naman ako pero....natapos na ang shift ko alas cinco ng hapon ay walang Liezel na nagparamdam. Tumuloy ako sa kwarto kong mabigat ang loob at iniisip ito. "Bakit kaya di siya nagpakita ngayon?" parang hibang tanong ko sa sarili. Napabuntong hininga ako at binagsak ang katawan sa kama. Parang nanamlay tuloy bigla ang araw kong hindi ko ito nakita. Amoy ko pa sa unan ang shampoo at perfume na gamit nitong sininghut-singhot kong napapangiti. LUMIPAS ANG mga araw hanggang sa natapos na ang summer vacation at bumalik na ako ng Manila para sa pag-aaral ko. Scholar ako sa pinapasukan kong public university sa kursong business ad at working student para masuportahan ang mga personal kong pangangailangan. Kahit hirap at pagod ako ay tinitiis ko lalo na at graduating na ako. Patawid na ako sa pedestrian lane ng may humaharurot na puting sportscar! Napagulong ako at muntik ng mahagip sa bilis nitong magmaneho! Napatingin ako sa kamay kong namanhid at kumirot at nakitang nagkagasgas ako sa siko! Sa inis ko ay tinungo ko ang kotseng nakahinto at kinalampag! "Hoy! Lumabas ka dyan! Wala ka sa karera at hindi mo pag-aari ang kalsada, labas!" bulyaw ko sa harapan ng bumper nito na dinuduro ang driverside nitong kotse. Natigilan ako ng lumabas ang pamilyar na mala-dyosang babae sa driver side at sunod-sunod napalunok! Bumilis din bigla ang pagtibok ng puso kong makita itong muli dito sa syudad! "Is that you baby? Ikaw nga! What a small world!" bulalas nito na kaagad lumapit. Napalunok ako at nag-iwas tingin lalo na't pinagtitinginan na kami ng mga studyanteng labasmasok sa magkatabing university sa harap namin. "You okay? Oh sh*t your elbow!" taranta itong ibinalot ang panyo sa siko kong dumudugo. "Ahm... okay lang, next time h'wag ka nal lang magmaneho ng mabilis" mahinang saad ko at parang inurungan ng buntot na 'di makakilos ng maayos sa biglaang pagkikita na naman namin. "You're a student here? Schoolmate ba kita?" bakas ang excitement sa tono nito na nangungititap ang mga matang nakatutok sa akin. Napatingin ako sa i.d niya at umiling. Business ad din siya pero sa Del Prado University siya nag-aaral na eskwelahan ng mga katulad niyang heredera katabi ng school na pinapasukan ko. "Do you still have time baby? Tara breakfast muna tayo" alok pa nito na hinila na ako papasok ng sportscar nitong nakalakas ng dating! Tumanggi ako pero nagpumilit ito at sa huli eto kami, nasa exclusive restaurant nila at magkaharap na kumakain. LUMIPAS ang mga araw na palagi itong nangungulit sa akin. Minsan sinusundo pa ako sa room kaya di maiwasang pag usapan kami lalo na't kilalang tao ito sa publiko. Sa weekend tumatambay din ito sa coffeeshop na pinapasukan ko at madalas akong ipaalam sa boss ko at binabayaran ang araw ko ng triple sa sahod ko para lang makapag-unwind kaming dalawa kung saan-saan. Habang tumatagal nagiging komportable na ako sa kanya. Mabait naman pala siya, makulit at may pagka-clingy kahit may boyfriend na. Si Louis Montereal. Ang only child ng nangungunang senador ng bansa at kapwa nito galing sa makapangyarihang pamilya ng bansa pero ni minsan 'di ko ito nakitang kasama niya kahit madalas kaming magkasama. "Hello Zel?" umayos ako ng upo sa kama ko na napatawag itong gabing-gabi na. Narinig kong suminghot ito sa kabilang linya kaya napabangon ako at kinabahan. "I'm here at our place, can you come? I need you Ced" sinisinok na ito na halatang umiiyak. Napalunok ako at nakaramdam ng kurot sa puso ko. Halata ang lungkot sa tono nito kaya nagtaxi na ako at nagtungo sa park kung saan madalas naming tambayan. Nakita ko itong nasa swing at tumutungga ng alak.Pilit itong ngumiti pagkakita sa akin. Namumula na rin ang mukha nito maging ang mata na kagagaling lang sa pag iyak. "Anong nangyari may problema ba?" alalang tanong ko na naupo sa tabi nito. Para itong pinagsakluban ng langit sa itsura. Umiling siya at muling tumungga ng beer na iniinom. "Break na kami" mahinang saad nito. Natigilan ako pero 'di ko pinahalata at may kung anong tuwang mapag-alamang hiwalay na sila sa boyfriend nito. "Sino sa mga boyfriend mo?" kunwari maang-maangan kong tanong para ikubli ang sayang nararamdaman ko. Mapakla itong natawa na napalingon sa akin ang namumungay na niyang mga mata. May ngiti ito sa mga labi pero iba ang sinasabi ng kanyang mga matang matiim na nakatitig sa akin. "Your impossible, isa lang naman ang boyfriend ko ah" aniya sa 'di makapaniwalang tono. Natawa na rin ako at tinanggap ang beer in can na inabot nito. "Kaya mo 'yan, sa dami ng reserba mo 'di 'yun kawalan sayo" natatawang payo ko para pagaanin ang lungkot na nararamdaman nito sa pagkaka-heart broken nito. Maging ako'y nasasaktang makita itong nasasaktan at iniyakan ang ex. "Your right baby, nandiyan ka naman eh. If he think i'll chase him? Tsk in his dreams" paismid nito na mukhang bumabalik na sa pagiging bubbly girl nito. "Haha hwag ako, 'di kita papatulan at may girlfriend na ako alam mo yan" natatawang sagot ko. Maya pa'y nagseryoso na ito na napayuko at napahikbi. Natigilan ako at parang may sariling isip ang kamay kong hinila ito pasandal sa dibdib ko na hinahagod sa likod. 'Di ko rin namalayang pinaghahalikan ko na ito sa ulo habang inaalo ko. "Uy tahan na, ipakita mo sa kanyang hindi siya kawalan" pag-aalo ko. "May iba na siya" mahinang sagot nito. Napalunok ako at muling hinagod ang likuran nito. " Di lalo mong ipakitang 'di siya kawalan sayo. Maghanap ka ng ibang ipapalit" payo ko pa na may mapait na ngiti sa mga labi. "Why not you na lang kasi?" ungot pa nito na umayos na ng upo at nagpahid ng luha saka muling tumungga sa beer nito. " 'Di pwede, may girlfriend nga ako" napairap pa ito sa hangin. Tsk aniya at muling uminom.Pasuray-suray na itong maglakad kaya inihatid ko na sa mansion nila. Pagkahatid ko dito ay umuwi na rin ako ng bahay. Napa-taxi pa tuloy ako. KINABUKASAN pagkatapos ng klase ko ay nagtungo na ako sa parking lot dahil naghihintay na ito. Excited akong nagtungo sa kotse nito pero natigilan ako at napalis ang matamis kong ngiti ng makilala ang katabi nitong dalaga na masayang nagkukwentuhan. Tumakbo ito at niyakap ako ng mahigpit ng malingunan akong natuod sa harapan nila! Maging si Liezel ay nagulat sa pagyakap nito na nagtatanong ang mga matang tumitig sa akin. "Surprise babe!! How are you!?" masiglang bulalas nito na nangunyapit na sa batok ko at panay ang halik sa buong mukha ko. "Annika.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD