Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig ng mapagtantong iisang lalake lang ang hinihintay namin ng bestfriend kong si Annika.
Isang linggo lang ang bakasyon nito kaya ang long time ldr boyfriend agad ang pinuntahan.
Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa natuklasan ko ngayon! I feel comfort and secured everytime Cedric's around at nasanay na akong sinasandigan ito! Damn I really can't help myself falling for him pero bakit sa dinamirami ng tao sa mundo, ang bestfriend ko pa ang girlfriend niya for f*vking four years damnit!
"Babe comm'on I want you to meet my bestfriend Liezel Del Prado. Sissy meet my boyfriend Cedrid Isidro nice catch right?" magilliw nitong pakilala sa amin ni Cedric na katulad ko'y bakas ang kabiglaan!
"Yeah nice catch sissy I like him" wala sa sariling anas ko kaya napangiwi ito at pinamulaan naman si Cedric.
"H'wag kang ganyan sissy, alam kong maloko ka kaya 'di ko 'to ipapaubaya saiyo nuh? Iba na lang" pagak akong natawa at nagkunwaring 'di ko pa kakilala si Cedric at labas sa ilong nakipagkamay dito.
Nagtungo kami sa aming restaurant at dito naghapunan. Napapaismid na lamang ako sa hangin dahil naging third wheel na ako, para pa akong hangin sa harap nila kung maglambingan tsk.
Maya pa'y tumawag si Diane kaya naka-excuse ako. Damn! Hindi ko sila kayang makitang masaya, I'm f*cking jealous even though I know I don't have the right to be jealous damnit.
Tumuloy ako sa aming exclusive bar na tagpuan namin ni Diane. Pagpasok ko pa lang ay nakita ko itong prenteng nakaupo sa highchair sa may counter na mukhang problemado. Tipid itong ngumiti ng tinapik ko sa balikat at umupo sa tabing highchair.
"What's up buddy wala sila?" aniko at tinungga ang shot nitong vodka. Anim kaming magbabarkada pero si Diane ang pinaka-close ko.
"Honestly buddy, ikaw talaga ang sadya ko. How are you?" nag-aalalang tanong nito na matamang tumitig sa aking sunod-sunod ng tinungga ang mga shooting glass na nakahilera dito sa countertop na shot sana nito. Pagak akong natawa at napailing. Gumuhit ang kakaibang init at pait sa lalamunan ko sa ilang shot kong nainom ng sunod-sunod.
"I feel broken budd" pagda-drama ko ng maalala si Annika at Cedric na ngayo'y magkasamang nagdi-date f*ck!
"Do you really loved him that much?" napalabi akong napatungo at tumango-tango.
"Yeah I love him so much but i can't claim him, I don't want to hurt my bestfriend buddy" tumulo ang totoong luha ko dahil totoo namang pakiramdam ko'y brokenhearted ako.
Namilog ang mga mata nitong napatitig sa akin bakas ang gulat sa reaks'yon nito.
"Alam mo ng si Kristel ang bagong girlfriend ng ex mo? At siya rin ang nagpakita ng video mo kay Louis sa shower party ni Lira sa El Nido?!" bulalad nito na nanlalaki ang mga mata. Nasamid ako sa pahayag nito at napakunotnoong naguguluhan.
"What do you mean? Kristel is the new girlfriend of Louis?" napanganga itong tumango-tango.
"Yeah, definitely but how did you found out?" natutulalang saad nito. Napatiim bagang ako at agad lumabas ng bar, sinundan naman ako nito at magkasamang sumugod sa gym ng mga Villaflor.
"Buddy calm down, hwag mong kalimutang kaibigan pa rin natin siya" bulong nito na malalaki rin ang hakbang na sinasabayan akong sigang naglalakad ng hallway papasok sa gym nila Kristel kung saan sila ngayon nagpapapawis!
Natigilan ang mga ito ng bumungad kami ni Diane. Sinugod ko ng mag-asawang sampal si Kristel at ang nakakainis 'di manlang pumalag! Agad pumagitna si Irish at Lira at hinawakan naman ni Naeya si Kristel.
"You betrayed me traitor!" bulyaw sabay duro dito! Nanginginig ako sa galit at gusto kong sirain ang magandang mukha nito ngayon!
"Oh Comm'on Liz don't act like you're a victim here cause we all know ....you're having an affair with that cheap macho dancer s***h waiter!" palabang sigaw nito na may halong pang-uuyam! Nagpantig ang tainga ko at muli itong sinunggaban at pinagsusuntok sa mukha na pinadugo ang ilong at labi nito. Agad kaming pinag lhiwalay nila Lira at Irish na hindi na magkandamayaw kung sino ang aawatin sa aming dalawa ni Kristel!
"Don't you dare to insult my man! If you want Louis go ahead i don't f*cking care! But never insult Cedric infront of me, f*ck you!"
"See? Louis deserves someone better so just accept it and move on" madiing sagot nito sa mataas na boses at sinalubong ang nanlilisik kong mga mata!
"And you think you're better than I huh?" Isarcastic asked that makes her smirk.
"Yeah, yes you're prettier than I, smarter and wealthier but Louis deserves a descent and loyal girlfriend and definitely that's not you Del Prado!" pagak akong natawa at napailing sa palabang saad nito. Natahimik ang lahat at tensyunado na rin sila sa sagutan namin ni Kristel. For f*cking four years ngayon lang kami nagkasagutan at... dahil pa sa lalaki!
"Is that so? Okay then he's all yours from head to toe. I wish he'll love you too, the way you loved him. Kaya ko namang magpaubaya kung nagsabi ka lang, but you choose to betrayed me. Keep this on your mind Villaflor, from now on.... I won't consider you as one of my friend anymore. pang-uuyam ko at taas noong nagwalkout ng gym. Agad namang sumunod ang apat sa akin.
"Hey buddy, hwag naman ganito. Hahayaan mo bang masira ang friendship natin dahil sa lalake?" ani Lira at niyakap nila ako isa-isa. Napaluha ako at nag-iwas tingin sa kanila. Diane hug me tight and let me cry. Cry like a baby in her shoulder.
"I'm not the one who destroy it" aniko sa matabang na tono.
Maging sila ay lumuluhang nakatitig sa akin na bakas ang awa at simpatya sa kanilang mga mata.
"I gotta go, bago pa magdilim ang paningin ko at makalimot ako" pagpapaalam na ako at pinaharurot na ang kotse ko pabalik ng mansion. Pagdating ko sa mansion ay tumuloy na ako sa kwarto at dito umiyak nang umiyak. I feel my heart is tearing apart. Ang bigat ng loob ko sa kaisipang ang tinuring kong kaibigan ang sisira sa amin ng boyfriend ko at ang tinuring kong kapatid ang girlfriend ng lalakeng kinahuhumalingan ko.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko naman dinadamdam na inagaw niya sa akin si Louis dahil kaya kong magpaubaya at wala naman talaga akong espesyal na nararamdaman dito hindi katulad ng kay Cedric. Nasaktan ako dahil sa pagsira niya sa friendship namin at the same time nasasaktan ako dahil 'di ko p'wedeng agawin si Cedric sa girlfriend nitong bestfriend ko pala.
"Why world so unfair?" pagkausap ko sa sarili.
NAKATULUGAN KO ang pag-iyak kaya kinabukasan ay mugtong-mugto ang mga mata ko. Hindi na muna ako pumasok ng school maging sa mga sumunod na araw.
Salitan ang tawag sa phone ko ngunit wala akong sinasagot at kahit pinupuntahan na ako ng mga barkada ko dito sa mansion ay hindi ko sila hinaharap.
Hanggang sa kumatok ang maid namin na gabing-gabi na at pinaalam na may bisita ako. Parang lumukso sa sobrang tuwa ang puso ko ng mabungaran sa likuran nito.....ang Cedric ko!