Chapter 32

3051 Words

Mabagal na sabay na humakbang silang dalawa papasok ng tahimik na nilang tahanan. Wala na sa kusina ang matanda nilang kasama na halatang nasa silid na upang maagang magpahinga. Marahil ay napagod ito sa kanilang paglalangoy na ginawa kanina, sinamahan ng mag-lolo si Grezia sa dagat na umabot halos ng takipsilim. Kaagad na sumilid sa isipan ni Dameil na magtimpla ng gatas at uminom nito upang maging mahimbing ang pagtulog niya at upang pakalmahin na rin ang kalabog ng kanyang dibdib sa oras na iyon. Hindi niya mapigilan na makaramdam ng lungkot ngayong kinabukasan ng gabing iyon ay aalis na doon ang dalaga. At dahil kasama niya si Grezia na nananatiling nakabuntot sa kanya ay wala siyang pagpipilian kung hindi ang alukin ito ng gatas, lalo na at hindi pa rin naman ito umaalis doon upang ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD