Mabilis na ipinikit na muli ni Grezia ang kanyang mga mata nang pagdilat niya ay agad siyang masilaw sa liwanag na agad sumalubong at humalik sa kanyang mga mata. Bahagya siyang nag-unat ng dalawang mga braso niya, hindi alintana kung ano ang posisyon niya ng mga sandaling iyon. Nang maging na malinaw ang lahat sa kanyang paninginin ay mabilis siyang bumangon. Nahulog ang jacket ni Dameil na nakayakap sa kanyang katawan, pinulot iyon agad ng binata. Nahihiyang kinusot ni Grezia ang mga mata habang ibinabaling sa malayo ang kanyang kumukurap-kurap na mga mata na. “D-Dameil...” nahihiyang usal ni Grezia nang hindi tumitingin sa binata ngayon, “Sorry.” Marahan niyang inayos ang kanyang buhok bahagya pang nagusot sa paghiga niya. Nilingon siya ni Dameil gamit ang kanyang natatawang mga