Kabanata 9

1811 Words
"Melvin! Melvin!" narinig niyang tawag sa labas. Nabosesan niya ang tumatawag, ito ang tiyo ni Melvin na si Tiyo Jun. Ito ang kauna-unahang binuhay ni Ezekiel at ginawang alagad niya. Mas halimaw pa ito sa pinakang halimaw dahil sabay-sabay nitong nilapastangan ang tatlong anak na babae. Binaboy nito ng paulit-ulit ang mga anak at ang asawa nito na Tiya ni Melvin ay kinagat nito para daw maging katulad na ng mga taong bangkay na taga kural. Para malaya na niyang nagagawa ang gusto sa mga anak. Halos magdadalawang buwan na pero sariwa pa sa ala-ala niya ang kahayupang ginawa nito sa kinse anyos nitong bunso. Binaboy nito sa harap ng kanyang asawa at matapos iyon maging ang dalawa pa nitong anak na may mga asawa na rin ay binaboy sa harap ng mga asawa nito. Nandon siya ng mga sandaling iyon, ngunit lahat silang mga nakakita ay walang nagawa kundi at humiyaw at umiyak. Ngunit dahil doon, nakaanib na rin ang mga ito sa grupong palihim na nagpaplanong labanan ang mga ito. Ngunit ang asawa nito na nagbulagbulagan ng matagal na panahon na katulad niya. Tinitiis ang lahat ng pananakit at pangbababoy nito. Nagawa pa nitong paslangin at gawing kapareho ng mga bangkay na nasa kural. Napakahayop, hindi na siya magtataka kong pati siya ay gawan nito ng masama. Pero bago pa nito magagawa sa kanya iyon, mas gugustuhin niyang mamatay na lamang kesa baboyin ng hayop na tiyuin nito. Hindi naman niya magawang sabihin sa halimaw din niyang asawa dahil baka sumang ayon pa ito gaya ng pag sang ayon ng tiyuin nito na pati si Milven ay pakialaman ang mga pinsan. Kung gugustuhin nila, kayang-kaya nilang paslangin ang dalawa. Ngunit batid niyang sila naman ang papatayin ni Ezekiel. Baka pati mga anak nila ay idamay nito. Tsaka hindi rin basta-basta ganon kadali na patayin ang mga ito, hindi rin niya sigurado iyong sinasabi ni Shaymay na kailangang puntiryahin ang ulo ng mga ito. Natatakot pa rin siya dahil nasaksihan niya ng tangkain itong patayin ng isa nilang kapitbahay. Ilang buwan na iyon mula ng muli itong mabuhay, natamaan ito ng gulok sa mismong balikat nito, halos mabiyak iyon pero parang wala lang dito kahit umagos ang dugo nitong nangingitim na kasama ang mga uod na nasa loob ng katawan nito. Naghilom lang iyon na tila walang nangyari. Humalakhak pa ito tsaka mabilis na dinaluhong ang kanilang kapitbahay. Sa mismong harap niya at kamag-anak nito, kinagat nito ang pisngi ng lalaki. Halos matalupan iyon, nagsisigaw ang lalaki pero agad na pinilipit ang leeg nito ng kanyang halimaw na asawa. Wala ng buhay itong bumagsak sa lupa habang ang halimaw na si Melvin ay patuloy na nginunguya ang parte ng mukhang natalop ng lalaki. Lahat ng nakakita sa nangyari ay tila nabahag ang buntot at halos manginig sa takot ngunit ilang sandali lang muling kumilos ang lalaking kinagat nito. Nilapitan ito ng asawa nito sa pag-aakalang bumalik na sa ulirat ang asawa nito, ngunit laking gulat nila ng kagatin nito ang asawa nito sa leeg at tila ulol na asong, pinapak ang sumisirit na dugo mula sa leeg ng kawawang asawa nito. Maya-maya'y nag-amok na rin ang asawa nito, nagsimula ng manghabol ng mga taong nasa paligid, at ang sinumang mahawakan ng dalawa ay agad na kinakagat ng mga ito. Humahalakhak naman na tila demonyo ang kanyang asawa. Mabilis siyang nagtago sa kanilang bahay at binantayan ang natutulog niyang mga anak. Nakasilip siya habang nanginginig sa takot sa mga nagaganap sa labas. Nakita niyang tila mga asong tinalian ito sa leeg ng kanyang asawa, maging ang ilang nakagat ng mag-asawa ay tinalian din nito. Ang ilan nga ay tila nasa katinuan pa pero walang awa itong isinama ng kanyang asawa. Pero ilang sandali pa ay nag-iba nanaman ang itsura ng mga ito. Hindi na normal ang itsura, maging ang mata ng mga ito ay nawala na ang kaitiman naging pulos puti na. Simula ng mangyari iyon, ang lahat ay natakot na sa kanyang asawa at sa lahat ng kauri nito. Dati kasi akala ng mga taga Sitio ay normal pa rin ang mga ito pero siya batid niyang hindi na normal ang kanyang asawa. Higit kaninuman, siya ang nakakaalam. Hindi pa noon masyadong laganap ang lihim ni Ezekiel, pero ngayon ang lahat ng normal na tao ay walang sandaling hindi pinamamahayan ng takot at pangamba sa kanilang mga puso. Dahil batid nilang isa sa araw na darating, magiging katulad na rin sila ng mga bangkay sa kural. "Tiyong bakit nandito ka? Wag mong sabihing gusto mo ring tikman ang asawa ko?" narinig niyang wika ni Melvin na ikinapitlag niya. Hayop talaga ito, ang kanyang Melvin hinding-hindi lalabas sa bibig nito ang bagay na iyon. Ang kanyang dating mahal na asawa ay hindi hahangaring may ibang lalaking dadantay sa kanyang katawan kahit sa saliri lamang. Lubos kasi itong seloso, ayaw na ayaw nito kahit na may titingin lang sa kanya. Pero ngayon heto at mukhang ihahayin pa siya nito sa kapwa nito demonyo! Sa tiyuin pa nitong manyakis! Minadali niya ang pagligo, mabuti nalang pala kumuha siya ng bihisan kanina. Kung hindi baka nakatapis lamang siya ng tuwalya at delikado iyon lalo pa at nasa bahay nila ang manyakis na matanda! Baka totohanin ng mga hayop ang biruan. Lumabas siya mula sa banyo at balak sanang lumabas ng bahay. Sa may pinto ng kusina sana siya lalabas pero namataan siya ni Melvin. "Hoy babae! Hindi mo ba nakitang nandito ang Tiyo?! Lalabas ka ng bahay ng hindi manlang nagbibigay galang sa kanya?!" galit na wika ni Melvin sa kanya, pero kitang-kita niya ang pagngisi ng mga ito. Hinalinhan siya ng matinding kaba sa kanyang puso. Kung bakit naman kasi palagi pang nagtutungo ang hayop na matandang iyon sa kanilang bahay. Hindi na lang iyong pamilya nito ang bulabugin, pati sila ng mga anak niya ei dinadalaw pa nito. Nagbabait-baitan pa sa kanyang mga anak kaya naman magiliw dito ang kanyang panganay. Pero ang kanyang bunso ay pilit niyang inilalayo dito dahil sa demonyo ito. Anak nga nito na nagawang pagparausan, ibang tao pa kaya. "P-Pupuntahan ko lang iyong mga bata Melvin, baka hinahanap na ako," kandautal na wika niya dito. "Nakita ko ang mga apo ko diyan sa bahay nina Shaymay. Halika muna dito Lyka ng makapag usap naman tayo," animo maamong tupang wika ng hayop na matanda. "Bingi ka ba?! Tinatawag ka ni Tiyo!" singhal naman sa kanya ng galit ng si Melvin. Nakita niyang tila patayo na ito kaya awtomatikong napalapit agad siya dito. "Ano ka ba Melvin, wag mo ngang sigawan ang maganda mong asawa. Hindi dapat ganyan tinatrato ang ganito kagandang babae," tila paos na wika ng matandang tiyuhin nito. Medyo umurong siya para mapalayo sa dalawa pero hinawakan siya ni Melvin ang mahigpit na hinawakan ang kamay niya. "Ano ba Melvin?! Nasasaktan ako!" daing niya. "Masama daw ang pakiramdam ng aking Tiyo, asawa ko. Sige na, masahihin mo ang kanyang balikat para naman hindi na siya mahirapan pa," nakangising nitong utos sa kanya. "Hindi! Ayoko Melvin, kong gusto mo ikaw na lang ang magmasahe sa kanya!" singhal niya dito sabay talikod pero agad na nahiklas siya nito sa buhok. "Aray ko Melvin! Hayop ka, nasasaktan ako!" sigaw niya. "Masyado ka kasing maarte, kong pumayag kana agad hindi mo na aabutin yan!" nanlilisik ang matang wika nanaman nito. Ang hayop naman na tiyuhin nito tila aliw na aliw sa pag-aaway nila ni Melvin. Todo ngisi pa ito habang nakatingin sa kanya. Kung inaakala ng matanda na ito na siya ay papayag ng basta ganon nalang pwes nagkakamali ito! "Demonyo ka talaga Melvin! Ang asawa ko, hinding-hindi hahangarin na madantayan manlang ng ibang lalaki ang daliri ko! Pero ikaw? Ikaw pa mismo ang nag-uudyok na manyakin ako ng ibang lalaki! Napakasama mo talaga!" galit na galit na wika singhal niya dito. Maya-maya ay natigilan ang mga ito tsaka naghagalpakan ng tawa. "Hoy p*tang*na mo! Demonyo ka pala! Baka kasing sama mo na ang ating panginoon! Aba ayaw mo non magiging kapantay mo na ang ating panginoong si lucifer!" wika ng matanda na animo tuwang-tuwa pa dahil malademonyo ito sa pagtawa. "Wala ng papantay pa sa kasamaan ko? Aba, iyon nga ang gusto ko mahal kong asawa! Kaya sumunod ka na lamang sa gusto ng tiyuin natin. Wag kana ngang magpakipot diyan! Sundin mo nalang ang gusto ko!" singhal nito sa kanya tsaka mariing hinawakan siya sa baba at sinibasib siya ng halik sa labi. Maduwal-duwal siya sa baho ng bibig nito, animo amoy ng nabubulok na daga iyon bang inuuod na. Nagpumiglas siya, mukhang mangyayari na sa kanya ang kinatatakutan niya. "Melviiiinnn! Wagggg!" pagmamakaawa niya dito ngunit ang kakabihis lamang niyang damit ay tila papel na hiniklas lamang nito. "BWAHAHAH! Hayop pala ang katawan ng asawa mo Melvin! Tang*na nakakagigil!" tila hayok na hayok na sabi ng matandang hayop. "Sya nga ba Tiyo?! Aba ei, ano pang hinihintay nyo! Sayong-sayo si Lyka ngayon! Gawin mo ang lahat Tiyo para masarapan sya at ng makaulit ka ulit!" animo ulol na wika ng kanyang hayop na asawa sa matanda tsaka walang awang itinulak siya dito. Agad siyang sinibasib ng halik ng matanda sa leeg niya at walang babalang pinagpipisil ang dalawang bundok niya. Nanginginig pa ito habang hawak-hawak iyon ang hayop naman na asawa niya tila hayok na hayok pa habang pinapanood ang ginagawa sa kanya ng matanda. Tuluyan ng hinubad ny matanda ang nagkapunit-punit niyang damit at walang babalang binaboy ang kanyang dalawang malulusog na bundok na nakahantad dito. Pumalag siya, pilit niyang itinutulak ang mukha ng hayop na matanda pero tila hindi manlang nito iyon indahin. Sunod, kinalmot niya ang likod nito pero halos ikabaliw niya iyon ng lumubog lamang ang kanyang mga daliri sa balat ng likod nito. "Eeeehhhh! Saklolooooo!" malakas niyang sigaw, pero batid niyang kahit anong sigaw niya. Walang sinuman ang magtatangkang kalabanin ang kanang kamay ni Ezekiel. "Wag ka ng sumigaw Lyka, walang tutulong sayo! Hayaan mo, gagalingan ko naman ei! Mabuti nga hindi madamot ang asawa mo!" tila ulol na wika sa kanya ng matandang hayop. Ang kanya namang asawa ay tila ulol ng inilabas ang kargada nito at ikinikiskis sa kanyang tagiliran. Ang hayop may balak pa yatang pagdalawahan siya! "Halimaw ka Melvin! Pano mo nagagawa ito sa sarili mong asawa!" umiiyak na singhal niya dito tsaka dinuraan ito sa mukha. Isang malakas naman na sampal ang pinadapo niya sa matandang tila ulol na sinisinghot ang kanyang leeg. Ngunit halos magtayuan ang kanyang balahibo ng mapingas ang panga nito at maglaglagan ang mga uod doon. Nakikita na rin niya ang loob ng bibig nito at maging ipin. Hindi na niya kinaya, sumuka na siya ng sumuka at nanlalaki ang matang nakatitig na lang sa matandang napingas ang panga dahil papalapit ang bibig nito sa bibig niya. Halos magtayuan ang kanyang balahibo sa naiisip na nais gawin ng matanda. "Waaggggg!!!!" malakas niyang sigaw. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD