"Mama! Ang tagal nyo po, wala na po bang bunga ang talong natin kaya nahirapan kayo sa paghahanap? Pero parang nakita ko po marami pa naman po ah," tanong ng kanyang anak na si Lila. Nakaramdam tuloy siya ng konsensya dahil nanatili pala ito sa may tarangkahan para siguro hintayin siyang makabalik. "Naku, sorry nak ha. A-Ano kasi may nakakatakot kasing nilalang kanina kaya n-nagtago muna si Mama. Halika na, baka magtungo pa iyon dito baka makita tayo," wika niya dito. Napaawang naman ang labi nito at tumingin sa paligid, animo hinahanap ang nilalang na sinasabi niya. Agad niyang hinawakan ito sa braso at inaya na papasok ng bahay. Baka kasi mahagip ng mga mata nito ang patalilis na si Zander sa kabilang bakod. Marahil sinundan pa siya ng lalaki bago ito nagpasyang bumalik na kong saa