"Mga hangal!" dumagundong ang galit na boses ni Ezekiel sa kanyang kubol dahil sa matinding galit. Kanina natuklasan niyang hinayaan ng mga inutil niyang tagasunod na mamirwisyo ang isa sa taong bangkay na kanilang ikinukulong sa turil. Hindi pa napapanahon para pawalan ang mga ito! Isa pa hindi niya nais na taga Sitio lamang ang maging biktima ng mga ito. Kanyang nasasakupan at pag-aari ang mga naninirahan sa Sitio kaya hanggat maaari nais niyang maging tagasunod ang mga ito. Hindi ang maging mga bangkay ba gagalaw lamang dahil sa nagugutom sila. Hindi katulad ng kanyang mga tagasunod na sinusunod ang lahat ng iutos niya. Balak niyang sa kabayanan at sa iba pang siyudad dito sa Pilipinas pakakawalan ang mga ito. Kaya nga ang iba nilang nakukuhang mga alay ay hindi nila tuluyang pinupugu