"P-Papatay ako ng tao?" kandautal na tanong niya sa lalaking nasa harapan.
"Oo babae, kapalit ng buhay ng asawa mo ay ang buhay ng ibang taong iyong iaalay sa akin. Nasasayo naman ang pasya, ngunit akala ko ba nais mong makasama pa ang mahal mong asawa? P'wes ito lamang ang natatanging paraan, isasagawa ang ritwal mamayang kabilugan ng buwan ngunit kung walang alay hindi natin magagawan ng paraan ang iyong nais," pahayag ng lalaking printing nakaupo sa gitna ng kubol nito.
"Ano na Lyka? Magdesisyon ka hanggang hindi pa nagbabago ang isipan ng aking panginoon. Isipin mo nalang, papano na kayo ng iyong anak kung wala si Melvin? Papano kana?" wika naman ng tiyain ni Melvin.
"N-Ngunit Tiya, ayaw kong pumatay. Hindi ko kaya ang pumatay, baka naman may ibang paraan pa, maawa na kayo sa akin," naiiyak nanamang pakiusap niya.
"Lagring, ayoko ng nasasayang ang oras ko. Umuwi na lang kayo ng babaeng iyan mukhang hindi naman siya pursigidong mabuhay ang kaniyang asawa. Sa susunod, iyong mga sigurado lamang na nais na magpatulong sayo," wika ng lalaki.
Bigla siyang nataranta, hindi niya lubos maisip na papatay siya ng tao. Ngunit paano na ang kanyang asawa maging ang kanyang anak, hindi niya kayang makita si Melvin sa ganong sitwasyon. Ang nais niya ay ang Melvin na masayahin at palaging nakangiti. Iyong niyayakap siya kapag napapagod na siya, iyong lalambingin siya kapag nagtatampo siya. Hindi iyong nakahiga lamang ito at isa ng malamig na bangkay.
"K-Kaya ko! K-Kakayanin ko po Tiyang," pautal-utal niyang sabi.
Napangisi naman ang Tiya ng kanyang asawa maging si Ezekiel.
"Kung ganon, ihanda ninyo na ang alay Lagring sa tingin ko ay walang lakas ang ating panauhin para siya ang manghunting kaya utusan mo ang asawa mong kumuha ng maaari nating alay sa kabilang bayan," utos nito sa kanyang Tiya.
"Opo panginoon, masusunod po," sagot naman ng kanyang Tiya.
"At ikaw naman babae, kailangang ikaw ang kumitil ng buhay ng alay mamaya at ikaw na rin ang gagawa ng ritwal. Ako naman ang magbabalik ng buhay ng iyong namatay na asawa kaya kapag natapos na ang ritwal. Ako na ang sasambahin ninyong mag-asawa at wala ng iba pa!" mahabang wika nito at kasunod niyon ang paghalakhak nito na nakakapangilabot.
Sinenyasan siya ng kanyang Tiya, animo sinasabi nito na sumagot siya.
"Opo, p-panginoon maraming salamat," sagot niya na animo labas sa ilong. Halos hindi niya mabigkas ang bagay na iyon, iba kasi ang isinisigaw ng kaniyang puso alam niya sa kaniyang sarili na iisa lamang ang Diyos ngunit kailangang maging sunod-sunuran siya dito para mabuhay pang muli ang kaniyang asawa.
Kinagabihan.
"Pasukin nyo!" utos ng isang lalaking nakabonet ng itim.
Sumunod naman ang tatlo pa. Matapos iyon, maririnig ang sigawan ng mga kaanak ng biktima sa bahay na iyon, ngunit ang apat na salarin sa pagdukot sa dalagang biktima ay nakalayo na sa lugar na iyon. Sobrang bilis nilang tumakbo, hindi pangkaraniwan ang bilis animo usang tumatakbo sa loob ng masukal na kakahuyang nagsisilbing pagitan ng dalawang bayan. Ilang sandali pa at nakarating na sila sa lugar kung saan gagawin ang pag-aalay.
Sa gitna iyon ng kakahuyan na animo nilinisan lamang. Palihim nilang dinala doon ang bangkay ng asawa ni Lyka. Nandoon ang tiyahin ng kaniyang asawa na si Tiya Lagring at ang asawa nitong isa sa mga binuhay muli ni Ezekiel. Nasa higit sampu na ang mga taong binuhay muli ng lalaki, halata iyon sa mga mata ng mga ito. Mabalasik ang mga mata nito, namumula iyon na animo galing sa pag-iyak at kakaiba ding kumilos ang mga ito. Napakabibilis kumilos kumpara sa normal na tao.
Nasa dibdib niya ang takot, takot para sa kaniyang asawa, takot sa Diyos dahil alam niyang mali ang kaniyang ginagawa. Ngunit mahal na mahal niya ang kaniyang asawa. Ayaw niyang tuluyang mawala ito sa kaniya. Kaya naman pikit mata niyang tatanggapin ang lahat kahit pa nangangahulugan na siya ay sasamba na rin sa Ezekiel na iyon.
Inilibot niya ang paningin sa paligid. Sa gitna niyon may malaking apoy na likha ng mga sinunog na mga sanga ng kahoy. Sa harap niyon may nakatusok na animo krus na nakabaliktad at may nakasabit doon na tila malalaking bilog na itim na beads. Katabi ng krus na nakabaliktad ang bangkay ng kanyang asawa at nakatayo naman doon si Ezekiel ang babaeng magsisilbing alay ay nakatali at nakatalukbong ang ulo. Inihiga ito sa tila batong malapad, kasya lamang sa isang tao kapag inihiga doon. Nagpupumiglas ito pero may busal ang bibig kaya kahit batid niyang sumisigaw ito, wala kahit na anong ingay ang lumalabas doon.
"Oras na!" boses ni Ezekiel habang nakatingala sa buwan.
Maya-maya'y kumilos na ang mga bangkay na muling nabuhay. Hindi naman niya ito matatawag na zombie dahil maaayos naman ang itsura ng mga ito animo mga normal na tao lamang ang anyo ng mga ito ngunit ang ilan sa kanila ay may masang-sang na amoy.
Nagulat siya ng pilit hubaran ng mga kalalakihan ang babaeng iaalay, nagpupumiglas man ang babae ngunit wala rin itong nagawa lalo pa at nakatali ang mga kamay at paa nito. Awang-awa siya sa babae ngunit kailangan niyang tibayan ang loob para mabuhay ang kanyang asawa. Mas mahalaga ito kesa sa babaeng alay. Sinimulang linisin ang katawan ng babae sa pamamagitan ng pagbuhos dito ng tubig na nagmula sa bukal na malapit lamang sa lugar.
Kasunod niyon umusal ng kung anu-anong lenggwahe si Ezekiel, wala siyang maunawaan kahit na isang salita. Maya-maya'y bigla nalang naghihiyaw ang babaeng alay animo may nananakit dito kahit wala naman. Kasunod niyon nilapitan siya ng kanyang Tiya Lagring at saka inilagay sa kanyang kamay ang karit na gagamitin niya para pugutan ng ulo ang babae. Nanginginig ang kanyang kamay habang pingmamasdan ang matalas na karit na iyon na kumikislap pa ang talim sa sinag ng buwan.
"Babae, oras na para gawin mo na ang bahagi mo. Kailangan mong bilisan dahil kapag nawala ang bisa ng aking orasyon wala ka ng aasahan pa. Hindi na maibabalik pa ang buhay ng iyong mahal na asawa," utos ni Ezekeil sa kanya.
Nagsimula ng mag-unahan sa pagbagsak ang luha ni Lyka. Ayaw ng puso nya pero kailangan niyang gawin ang bagay na iyon alang-alang sa kanyang mahal na asawa. Kaya naman mabilis siyang lumapit sa babaeng hawak-hawak ng dalawang lalaking tagasunod ni Ezekiel. Umuungol ang babae animo nagmamakaawa ito sa kanya pero mas mahalaga ang kanyang mahal at gagawin lamang niya ang bagay na ito dahil sa pagmamahal niya sa kanyang asawa.
Hinawakan ng isang lalaki ang ulo nito, suminyas sa kanya at sa isang atake lamang ng matalas na karit, putol agad ang ulo nito,nangisay pa ng ilang sandali ang katawan nitong wala ng ulo. Agad naman siyang nagduduwal ng makita ang pagbagsak ng ulo ng babae sa lupa, naalis ang saklob na itim sa ulo nito at halos ikabaliw niya ng makita ang mata ng babaeng dilat na dilat na animo nakatuon sa kanya. Iyak sya ng iyak pero hindi pa tapos ang kalbaryo niya, dahil matapos na sahurin ng kanyang Tiyang ang dugo ng babae na nagmumula sa katawan nito, iniabot muli sa kanya ang lagayang puno ng dugo at iniutos na ipaligo niya sa katawan ng kanyang asawa. Tumalima naman siya, habang marami nanamang salita ang binabanggit ni Ezekiel. Saka sumigaw ito ng malakas na animo may tinatawag, siya naman ay patuloy na umiiyak habang hinahagod ng dugo ang katawan ng kanyang asawa.
Binunot ng isang tagasunod ni Ezekiel ang nakabaliktad na krus at napahiyaw siya ng itusok iyon sa wala ng buhay na katawan ng alay. Lalong lumakas ang kanyang pag-iyak, takot na takot siya ngunit tapos na ang lahat, ang pag-asa nalang niya ay sana mabuhay na talaga ang kanyang asawa.
Ngunit nahigit niya ang kanyang paghinga ng kumilos bigla ang katawan ng kanyang asawa. Kasunod niyon, tila humugot ito ng malalim na paghinga at biglang hinawakan ang kanyang kamay.
"A-Asawa ko?!"
ITUTULOY