Chapter 2

1910 Words
"Yssabelle! Bilisan mo!" ang bagal talaga ng babaeng ito. Ang sabi ko'y bilisan niya dahil mali-late na ako sa trabaho. "Sandali lang..." Hinihingal niyang sabi. "Ang bagal mong kumilos!" Pagalit kong sigaw sa kanya. "Sorry... sorry.." mahina niyang sabi. Sinikap niyang huwag mahulog ang dala niyang bag at mga papeles. Nag-iwas ako ng tingin para hindi siya makitang nahihirapan sa mga dala. Hindi dapat ako nagpapa-apekto sa maliliit na detalyeng ginagawa niya. "Sige na... ilagay mo na ang mga 'yan sa sasakyan ko." Hinihingal man, nagmamadali pa rin niyang inilagay ang mga gamit ko sa sasakyan. Halata sa mukha niya ang pagod at pamumutla ngunit hindi ko pinansin iyon. Mas pinagtuonan ko ng pansin ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Ginusto niya ito, hindi ba? Dapat ay magtiis siya. "Linisin ko ang bahay ko..." malamig kong sabi nang mailagay na niya ang lahat ng gagamitin ko sa loob ng sasakyan. Lumapit ako sa kanya ngunit hindi ko pa siya binabalingan ng tingin. "P-pero may trabaho din ako, Kyle.." dama ko ang kaonting pag protesta sa tono niya. "Eh di mag resign ka.." hinigit ko ang braso niya sabay tingin sa kanya. "Hindi naman gano'n kadali 'yun, Kyle.." "Wala akong pakealam!" Napapikit siya dahil sa biglaan kong pagsigaw sa mukha niya. Namumula ang kanyang mga mata, tila nagbabadya na naman ang mga luha sa pagtulo. Batid ko ang takot sa kanya. Gayunpaman, hindi pa rin dapat ako magpaapekto sa inosente niyang mukha. Ang mga pinapakita niya niya ay purong kasinungalingan lamang. Mas lalong tumalim ang tingin na pinupukol ko kay Yssabelle. Marahas kong binitawan ang braso niya at pumasok na sa loob ng sasakyan. Iniwan siyang nakatayo sa tapat ng bahay. Kita ko pa sa salamin ng aking sasakyan na hindi pa siya pumapasok sa loob. Mainit kaagad ang ulo ko pagdating pa lang sa trabaho. Dumiretso ako sa aking opisina, hindi na pinansin ang mga bumabati sa akin. Marami akong dapat tapusin ngayong araw kaya dapat kong pagtuonan ng pansin ang lahat ng ito. Kaya lang, masyadong inaabala ni Yssabelle ang isip ko. Hindi ko tuloy alam kung makakapagtrabaho pa na ako ng maayos sa lagay na ito! "Hi handsome," napatingin ako sa pintuan ng opisina ko nang bumukas ito. Nakangiting mukha ni Sheena ang bumungad sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa ginagawa. Isa si Sheena sa mga babaeng nakilala ko noong maghiwalay kami ni Yssabelle. Madalas niya akong bisitahin dito sa trabaho simula nang magkakilala kami. Kaya naman hindi na bago sa akin na nandito siya ngayon. "Tuloy pa ba tayo mamayang gabi?" makahulogang tanong niya.  "Anong mamaya?" Litong tanong ko. "Hindi ba... may usapan tayo? Alam mo na..." "Ahh," tano ko na lang kahit na hindi ko maalala kung ano nga ba ang pinag-usapan namin mamayang gabi. "So, sa bahay mo tayo ulit?" tukso niya.   Natigilan ako sa sinabi ni Sheena. Doon ko lang napagtanto na nandoon nga pala si Yssabelle sa bahay ko. Napangiti ako sa aking naisip. "Alright, tonight. Sa bahay ko." tumayo na ako nagsimula ng maglakad palabas ng opisina ko. "Where are you going?" nagtatakang tanong ni Sheena. "I have a meeting... Hintayin mo na lang ako dito kung gusto mo.." "Okay, maghihintay ako dito.." Hindi na ako sumagot pa. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa conference room. Hindi naman ganu'n katagal ang meeting namin pero kailangan ko pa ring manatili rito para tapusin ang lahat ng ginagawa ko. Fck! Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti sa tuwing naiisip ko ang gagawin kong plano. Sisiguraduhin kong mahihirapan talaga ang Yssabelle na 'yan. Ipaparamdam ko sa kanya na wala lang siya sa akin. Gusto kong maramdaman niya kung gaano kasakit ang naramdaman ko nung ginago niya ako.  This is the right time for revenge... Yssabelle Dizon's POV "Bakit ka mareresign, Yssabelle?! Alam mo naman na isa ka sa mga magaling na editor dito, 'di ba?!" halos mabingi na ako sa sigaw na boss namin. Ayaw ko man umalis pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang mawala si Kyle sa akin. Handa akong isakripisyo lahat bumalik lang siya. "I'm sorry, sir.." kanina pa ako sorry ng sorry. Hindi ko na kasi alam kung ano pa ba ang dapat kong sabihin. "Give me one good reason kung bakit kailangan kong tanggapin ang resignation letter mo. Kung hindi mo ako mabibigyan ng magandang rason, hindi ka aalis!" hindi ko na nagawang makasagot pa dahil naglakad na siya palayo. "Yssabelle, bakit kasi biglaan yang pagre-resign mo? Badtrip pa naman si boss. 'Yan tuloy nasigawan ka pa." sabi ni Carla, ang bestfriend ko. Halos alam niya ang lahat tungkol sa akin. Saksi rin siya kung paano kami nagkakilala ni Kyle at kung paano kami naghiwalay. "W-wala.." "Anong wala?! Pinapag resign ka na ba niya sa trabaho mo?! G*go talaga ang Kyle na 'yun!" inis na sabi ni Carla. "Akala ba niya ganu'n lang kadaling mag-resign?!" "Hindi.." umiling ako. "Wala siyang kinalaman dito. Ginusto ko 'to." "Kilalang kilala kita, Yssabelle. Kitang kita sa mga mata mo na nagsisinungaling ka." "Hayaan mo na lang ako." "Hayaan?! Papahirapan ka lang niya! Bakit mo pa kasi siya binalikan?! Habang maaga pa, mas mabuti pang itigil mo na 'yang kahibangan mo! Maawa ka nga sa sarili mo--" pinutol ko kung ano man ang gusto pa niyang sabihin. "Please... kahit ito na lang," napayuko ako.  Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Okay... if that's what you want. Sana lang, alam mo sa sarili mo na tama 'yang ginagawa mo.." Sana nga tama to. Sana nga. Sana lang.. Kyle Joshua Cristobal's POV "Ang tagal mo naman, babe. Kanina pa kita hinihin--" ang dami pang satsat ng babaeng 'to. Hinila ko kaagad si Sheena patungong sa sasakyan ko. Hindi na ako makapaghintay na gawin ang plano ko.  "Excited? Hmm... I like that." Pinatakbo ko ng mabilis ang aking sasakyan. Nasa bahay na kaya si Yssabelle? Sana lang. Kung sabagay, hindi ko naman siya papayagan na umalis. Pinag-resign ko na nga siya sa trabaho nya, hindi ba? Kaya siguro naman nandu'n lang siya. Mabilis kaming nakadating ni Sheena sa bahay ko. Pagbaba pa lang namin ng sasakyan ay mabilis ko na siyang hinalikan. Dito na magsisimula ang plano ko. Gusto kong makita ni Yssabelle na wala na lang siya sa akin... na kaya kong humalik ng ibang babae sa harapan niya. Gusto kong makita kung ano man ang magiging reaksyon niya. "Easy, babe..." tawa ni Sheena sa pagitan ng mga halik ko sa leeg niya. "Just kiss me!" Utos ko nang bumalik ang labi ko sa labi niya. Sinunod naman niya ang sinabi ko. We're kissing as if there's no tomorrow. Pinulupot niya ang kanyang mga binti sa aking baywang. Inayos ko ang pagkakabuhat sa kanya at pumasok na kami sa loob ng bahay. Naghahalikan pa rin kami. "Nandyan kana pala. Kanina pa ki---" hindi na nagawang ituloy ni Yssabelle ang sasabihin niya dahil sa gulat.  "Sino siya babe?" gulat tanong ni Sheena. Natigilan siya sa paghalik sa akin. Ibinaba ko siya mula sa pagkakabuhat at inayos naman niya ang kanyang suot. "She's my new maid. Hayaan mo na lang siya." walang gana kong sabi. Nakita ko naman na napayuko si Yssabelle at naglakad na palayo. "Wait.. Stay there..Upo ka dun" pigil ko sa kanya sabay turo sa sofa. Gusto kong makita niya kung ano nga ba ang ginagawa namin. Ang ginagawa ko sa iba. "B-bakit?" "Sundin mo na lang!" "O-okay.." "Babe, bakit mo naman sya pinaupo d'yan? Di ako komportable na may nanunuod sa ginagawa natin.." "Hayaan mo lang siya d'yan." "But, hmmmppphh--" hinalikan ko na si Sheena bago pa man siya makapagsalita ulit.  Binuhat ko siya sa tapat ng couch na inuupuan ni Yssabelle at inihiga siya doon. Kitang kita ko naman na halos hindi na makagalaw si Yssablle sa kinauupuan niya. Dapat lang! Kailangan ay makita niya na wala lang siya sa akin. Gusto kong makita niya na hindi ko na siya mahal. Itinuon ko na ulit ang atensyon kay Sheena. I'm not yet arouse, kahit kanina pa kami naghahalikan. Ipinasok ko ang kamay ko sa damit niya habang ang kabila naman ay humahaplos sa hita niya. "Ahhh... Tara na sa kwarto mo," ramdam na ramdam ko kung gaano niya kagusto ang nangyayari. Alam kong may gusto na siyang marating. But, I won't let her reach her climax. Gusto ko lang naman talagang makita ang reaksyon ni Yssabelle habang ginagawa ko sa iba ang bagay na ito. Tumigil na ako sa paghalik kay Sheena. Puno ng pagtataka ang kanyang mga mata nang imulat niya ang mga ito. "W-why did you stop?" tanong niya, hinihingal. "May gagawin pa pala ako." sabi ko sabay upo.  "But, babe..." umupo siya sabay haplos sa aking balikat. "May gagawin pa ako, Sheena. Umuwi ka na..." mahinahon ngunit marrin kong sabi sa kanya. "You, as*h*le!" sigaw ni Sheena. "Dadalhin mo ako dito sa bahay mo, pagkatapos ay hindi mo tatapusin ang sinimulan natin? G*go ka!" galit na bulalas niya. Inayos niya ulit ang kanyang suot pagkatapos ay umalis na. Pabagsak pa niyang isinara ang pintuan. Pumunta na lang ako sa kitchen para uminon na tubig. Nauhaw lang ako sa ginawa namin babaeng 'yun.  "Ganyan mo ba ituring ang mga babae ngayon?" tanong ni Yssabelle mula sa aking likuran. Napangiti ako. Apektado nga siya sa kanyang nakita. "Bakit? May problema ka ba sa ginagawa ko?" Humarap ako sa kanya. Hinagod ko siya ng tingin, mula ulo hanggang paa. "Nirerespeto ang mga babae, Kyle." Halos matawa ako sa sinabi niya. Really, Yssabelle?  "Respect?!" tawa ko. "Sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan, huh?" Isang hakbang palapit ang ginawa ko patungo sa kanya. Bigla naman siyang napaurong. "Kyle.." napalunok siya sa diin ng aking boses. "Don't act as if you're a virgin! Binigay mo nga sa akin ang sarili mo bago tayo maghiwalay, hindi ba?!" "I-i love you.. K-kaya ko ibinigay ang sarili ko sa 'yo." "You love me?" napangiti ako ng mapansin kong nakasandal na pala sya sa dingding ng kitchen. "Tingnan nga natin kung hanggang saan ka dadahlin ng pagmamahal mo." Bago pa man siya makapagsalita ay hinalikan ko na ng marahas ang kanyang labi.  Sinubukan niya akong itulak pero mas lalo ko lang siyang isinandal sa pader. Ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit hindi siya tumutugon sa mga halik ko. Kaya naman kinagat ko ang ibabang labi niya. Itinaas ko ang kanyang damit at hinawakan ang kanyang dibdib. Ibinaba ko ang halik ko papunta sa leeg niya. Sinubukan niya ulit akong itulak pero hindi siya nagtagumpay. Mas lalo lang naging marahas at mapusok ang mga halik ko sa kanya. Kinalas ko ang butones ng shorts niya at ibinaba iyon ng kaunti. Hinaplos ko siya doon. Sht! Mas nabuhayan pa ako dahil sa babaeng 'to! Umakyat ulit ang labi ko sa labi niya. Hahalikan ko na sana ulit siya ng marahas nang malasahan ko ang dugo. What the hell? Natapingin ako sa kanya. May bahid ng dugo sa gilid ng labi niya. Ganoon na ba katindi ang halik ko sa kanya at hindi ko namalayan ang karahasan nito? "P-please stop.." natigilan ako ng maramdaman ko ang paghikbi ni Yssabelle. Sht! Sht! Sht!  Tila binuhusan ako ng malamig na tubig at natauhan ako. Ano bang nangyayari sa akin? Napasuntok ako ng malakas sa pader. Tumalikod ako at naglakad na lang papunta sa aking kwarto. Hindi ko na nilingon pa si Yssabelle. Hinayaan ko na lang siyang humihikbi. Ayokong makita siyang umiiyak. Baka isang patak pa ng luha mula sa kanya ay magawa ko na siyang patawarin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD