Chapter 3

2512 Words
Paggising ko ay may nakahain ng almusal sa mesa. Halos lahat ng paborito kong kainin tuwing breakfast ang nakahain. Hindi ko na kailangan isipin kung sino ang may gawa nito. Malamang ay si Yssabelle dahil siya lang naman ang kasama ko  dito sa bahay. Hinanap ko siya, pero wala siya. Saan naman kaya ‘yun pumunta? Umupo na lang ako at kumain na. Tamang tama dahil gutom na rin ako. Hindi kasi ako nakakain kagabi dahil sa nangyari. Habang kumukuha ako ng pagkain ay may nakita akong isang maliit na papel na hugis puso na naka ipit sa plato. Kinuha ko ito at binasa. Good morning Kyle, Lumabas ako saglit para mag grocery. Wala na kasing laman ang ref mo. Take care okay? Enjoy your breakfast. :) Yssa. Napakunot ang noo ko nang mabasa ang sulat niya. Naisip ko ang ginawa ko sa kanya kagabi. Bakit parang hindi man lang siya apektado? Dapat galit siya sa akin, hindi ba? Bakit ganito siya ngayon? Dapat ay magalit din siya dahil sa kag*guhang ginawa ko. Mas gusto kong kamuhian niya ako kaysa suklian ng kabutihan. Mas gusto ko iyon dahil hindi ko na kailangan pang makonsensya. Kasi, sa pinapakita niya ngayon, pakiramdam ko’y napakasama kong tao. Kinain ko na lang ang lahat ng inihanda ni Yssabelle. Sa unang kagat pa lang, marami ng alaala ang bumalik sa isip ko. Hanggang ngayon ay kuhang kuha pa rin niya ang gusto kong timpla sa pagkain. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang araw nang maghiwalay kami. Masaya ako palagi sa tuwing nagigising sa umaga. Si Yssabelle kasi ang unang bumubungad sa akin, kaya sa umpisa pa lang ay kumpleto na agad ang araw ko. "Goodmorning, love," nakangiting bati niya sa akin. Nakaunan siya sa braso ko. Hinalikan ko siya sa noo. "Goodmorning din, love…" Dito na nakatira si Yssabelle sa akin dahil mas malapit ang bahay ko sa trabaho niya kaysa sa bahay nila. Pumayag naman ang mga magulang niya na dito na tumira ang anak nila dahil nasa tamang edad na rin naman kami. Magkasing edad kami ni Yssabelle, dalawampu’t anim na taong gulang. Hindi rin naman magtatagal ay aalukin ko na siya ng kasal. "What do you want for breakfast?" nakangiting tanong niya at humarap sa akin. Ang ganda talaga niya. Hinding hindi ako magsasawang tingnan siya. "Alam mo na, yung paborito ko..." paulit-ulit kong hinaplos ang kanyang buhok. "Hindi ka pa ba nagsasawa?" "Never, love. Ang luto mo kasi ang pinakamasarap na pagkain na natikman ko sa buong buhay ko." Totoo naman kasi. She's really good at cooking. Hinampas niya ako ng bahagya sa dibdib. "Binobola mo lang yata ako, eh." "Magaling ka talagang magluto,” niyakap ko siya ng mahigpit. "Wala ka bang tiwala sa sarili mo?" "Hmmps, sige na nga,” aniya at umupo na. "Tara na. Ipagluluto na kita." Nagbihis na muna kami bago lumabas ng kwarto. Sinuot niya ang t-shirt ko. Napunit ko kasi ang damit niya kagabi. Ang unang gabi namin bilang isa. Abala si Yssabelle sa paghahanda ng agahan namin habang ako naman ay pinapanuod siya sa kanyang ginagawa. Ang swerte ko talaga sa kanya. Parang mag asawa na kami kung ituring ang isa't isa. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. "Mahal na mahal kita." sabi ko. "Mas mahal kita. Tandaan mo ‘yan, Kyle Joshua Cristobal." humarap siya sa akin at hinalikan ako ng mabilis sa labi. Tinulungan ko na siya sa kanyang ginagawa. Ako ang taga abot ng mga kailangan niya. Nang matapos na kami ay sabay na kaming umupo at kumain. "Here love.." sabi ko sabay subo sa kanya ng pagkain. "Ang sarap ng luto mo, ‘di ba?" "Hmm.. Oo na. Binobola mo pa ko." Masaya naming pinagsaluhan ang agahan, gaya na lang ng nakasanayan naming araw-araw. Nang matapos kami ay iniligpit na ni Yssabelle ang pinagkainan namin. Ako naman ay naligo. Kailangan ko kasing pumunta sa opisina dahil mayroong malaking anunsyo ang aking ama. Paglabas ko ng banyo, nakalapag na sa kama ang damit na susuotin ko. Sigurado akong inayos ito ni Yssabelle. "Love, pwede na bang pumasok?" katok ni Yssabelle mula sa labas. "Yes, love." Isang matamis na ngiti ang isinalubong ni Yssabelle sa akin pagpasok pa lang. "Akin na nga,” aniya sabay kuha sa necktie ko. "Ano kaya ang announcement ng daddy mo?" "Ewan ko nga, eh... " kibit balikat na sagot ko. Hindi na siya sumagot. Pinagpatuloy na lang niya ang pag-aayos sa suot ko. Pinagmamasdan ko siya sa ginagawa niya. "I'm so lucky to have you, love," hinapit ko ang baywang niya kaya naman natigilan siya sa kanyang ginagawa. Pinagdikit ko ang aming mga noo. "Mas swerte ako kasi ako ang minahal mo," ngumiti siya. “Kung tutuusin, marami namang babae d’yan na mas mayaman… mas maganda… pero ako pa rin ang minahal mo.” “Mas ako nga ang dapat matakot, eh. Kasi baka bigla ka na lang matauhan at iwan ako. Hindi ko kaya…” “Hindi-hinding mangyayari ‘yun, Kyle. Hindi kita iiwan.” “Mahal na mahal kita at papakasalan nita, Yssabelle…” Unti unti ay pinaglapit ko ang mga labi namin. Hinalikan ko siya ng marahan. Isang halik na sa kanya ko lang gustong iparamdam. Tumigil saglit ako sa paghalik para pagmasdang mabuti si Yssabelle. Ang singkit niyang mga mata ay bagay sa namumula niyang labi at pisngi. Ang maputi niyang balat ay parang gatas. Natatakot akong diinan ang bawat halik at hawak ko sa kanya dahil baka mag-iwan ang mga ito ng marka. Isang beses kong hinaplos ang baywang niya bago ko marahang tanggalin ang suot niyang t-shirt ko. Namangha ang mga mata ko nang tuluyan kong matanggal ang telang tumatakip sa katawan niya. Hinaplos ko ang magkabilang dibdib niya habang siya naman ay isa-isang binubuksan ang mga butones ng suot ko. Bago pa ako tuluyang mawalan ng lakas, binuhat ko na si Yssabelle patungo sa kama namin. Hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Marahan ko siyang ibinaba sa kama pagkatapos ay lumuhod ako sa pagitan ng mga hita niya. Nakapikit na ang kanyang mga mata ngunit kita ko sa reaksyon niya na gusto rin niya ang nagyayari. Hinubad ko na rin ang suot ko at muling hinalikan sa labi si Yssabelle. Hindi naman ako nabigo dahil sinuklian niya ang halik ko. Ang galaw ng aming mga labi ay tila sinisindi ang apoy sa pagitan namin. Bumaba ang halik ko sa leeg niya. Habang siya naman ay abala sa pagbaba ng slacks ko.  Napatingin ako sa orasan na nasa bedside table. Alas otso na pala. Oh sht! Male-late na ako. Ayaw kong mabitin, kaya tinulungan ko na si Yssabelle sa pagtanggal ng pang ibaba ko. Nang mahubad na naming ang lahat ay ipinosisyon ko na ang sarili ko sa kanya. Alam kong masakit pa rin ito sa kanya dahil ito pa lang ang pangalawang beses na gagawin namin to. "Kyle..." ungol niya ng maipasok ko na ito sa kanya. Kinagat niya ang ibabang labi niya. Alam kong nasasaktan pa rin siya kaya dinahan-dahan ko muna ang paggalaw. "I won’t move for a while, love..." I know this would kill me. But I don't care. Ayaw ko naman na si Yssabelle ang masaktan. "No,” bulong niya. “Go on, K-kyle.” "But..." nahihirapang sabi ko. "P-please.." Hindi ako santo, lalaki lang ako. May kahinaan din. Kaya kahit ayaw ko man ay binilisan ko na ang paggalaw ko. Hinalikan ko na lang ang labi ni Yssabelle para kahit papaano’y mabawasan ang hapding nararamdaman niya. Hindi ko ‘yon iniwan hanggang sa alam kong hindi na niya nararamdaman ang sakit. "U-uhhh.. I'm almost there…" habol hiningang sabi ko. "Ahh! Kyle!" Humiga ako sa tabi ni Yssabelle pagkatapos ng nangyari. Pareho kaming naghahabol ng hininga. Humarap ako sakanya at hinalikan siya sa noo. "Thank you, love. I love you.” Isang matamis na ngiti lang ang sagot niya pagkatapos ay ipinikit an niya ang kanyang mga mata. Mukhang napagod siya kaya nakatulog kaagad. Kinuha ko ang kumot at itinakip iyon sa hubad niyang katawan. Tumayo na ako at muling nagbihis. "I love you, Yssabelle..." bulong ko sa kanya bago ako umalis. Panay ang bati ng mga empleyado sa akin pagdating ko sa opisina. Hindi ko maintindihan kung bakit gano’n na lang sila. “Kyle, you’re late…” salubong ni daddy nang makita ako. "Sorry, dad. May inasikaso lang ako." dahilan ko. Hindi na rin naman siya nagtanong pa. “Ano nga po pala ‘yung announcement niyo?” "Yes, about that, son..." tinapik niya ang balikat ko. "I announced my retirement, and that means you’ll take over our company from now on.” Panandalian akong hindi nakapagsalita. Pino-proseso ko muna ang aking mga narinig. "Seriously, dad?!" gulat na sabi ko ng makabawi. "Yes, matanda na ako…” tawa niya. "But… dad, I don't think I can manage this company,” dahil iyon naman ang totoo. Yes, I’ve been working on his real estate firm since I graduated in college. Pero pakiramdam ko’y hindi pa rin sapat ang lahat ng mga natutunan ko. Kulang pa ako sa karanasan. Paano kung hindi koi to mapanatili? Masasayang ang kumpanyang pinaghirapan niya. "I trust you, son..." "I don't know..." pauli-ulit akong umiling. "Come on, Kyle, I know you can do it…"  Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Gayunpaman, ibinalita ko ito sa mga malalapit kong kaibigan. Hindi ko muna ito ipinaalam kay Yssabelle. Mamaya na lang pag uwi ko sa bahay. Malamang ay matutuwa siya sa balita ko at bibigyan niya ako ng premyo. I smirked at that thought. "The new boss is here!" sigaw kaagad ng kaibigan kong si Arnold pagdating ko sa bar. Siya ang pinaka pilyo at maloko sa aming lahat. Inabot niya sa akin ang isang bote ng beer. Tinanggap ko ito at ininom kaagad. Nilapitan na rin ako ng iba ko pang mga kaibigan na sila Lester, Vince, at Jim. Binati rin nila ako.] “Bakit parang hindi ka naman masaya?” tanong ni Jim. Sa kanilang lahat, sa kanya ako pinakamalapit. "Hindi ko alam... parang nagdadalawang isip ako." "Bakit naman?" "Iniisip ko si Yssabelle. Baka mawalan ako ng oras sa kanya." Tinapik ni Jim ang balikat ko. "Maiintindihan ka naman niya dahil mahal ka niya." Ngumiti na lang ako sa sinabi ng aking kaibigan. Tama nga, maiintindihan ako ni Yssabelle dahi mahal niya ako. Nang medyo lumalim na ang gabi ay nagpaalam na ako sa kanila. Hindi ako masyadong uminom. Dalawang bote lang ng beer ang ininom ko.  Duumaan muna ako sa isang restaurant para bumili ng mga pagkain namin ni Yssabelle. Magse-celebrate pa kaming dalawa. Hindi maalis ang ngiti ko habang nagmamaneho. Kung kanina'y kinakabahan ako, ngayon naman ay excited ako dahil makikita ko na naman si Yssabelle.  Sa labas ko muna pinarada ang sasakyan ko. Mamaya ko na ito ipapasok sa grahe. Gusto ko kasi talagang sorpresahin si Yssabelle. Kanina pa ako hindi nagte-text sa kanya. Marahan ang bawat hakbang ko. Bubuksan ko na sana ang pintuan ngunit natigilan ako nang may marinig akong nag-uusap. Hindi ko ito gaanong maintindihan kaya naman mas lumapit pa ako sa pintuan.  "Pineperahan mo lang ang anak ko! Hindi ka karapatdapat sa kanya!" Laking gulat ko na lang nang marinig ang sigaw ni mommy mula sa loob.  Teka nga, anong ibig niyang sabihin? Hindi ko maintindihan. Nag-aaway ba sila ni Yssabelle? Idinikit ko ang kaliwang tainga sa pintuan para mas klaro kong marinig ang pinag-uusapan nila. Naririnig ko ang paghikbi ni Yssabelle. "Wag ka ngang umiyak d’yan! Magsalita ka!" halatang galit si mommy sa tono pa lang ng pananalita niya. "Puro iyak na lang ba ang isasagot mo sa akin?! Pare pareho kayong mga--" "Oo! Pera lang ang gusto ko kay Kyle! Pera lang! Wala ng iba! Ngayon, masaya na po ba kayo?!" malakas na sigaw ni Yssabelle. Nanlamig ang sikmura ko at ang mga kamay ko’y tila namanhid na rin. Nanlumo ako sa aking narinig at hindi ko namalayan na nabitawan ko na pala ang bitbit kong pagkain. “Totoo ba?” malamig kong tanong pagbukas ko ng pintuan. Napabaling kaagad si mommy at Yssabelle sa direksyon ko. "Kyle.." humihikbing sabi ni Yssabelle. Tinapunan ko siya ng malamig na tingin. "Totoo ba?" ulit ko sa tanong ko. "No, K-kyle…” lumapit siya sa akin. Sinubukan niya akong hawakan sa kamay pero tinabig ko lang ito. “Hindi gano’n… h-hindi ganun ang ibig kong s-sabihin.” Gusto kong magwala. Hindi ganoon ang ibig niyang sabihin? Samantalang malinaw naman na tanging pera lang ang habol niya sa akin! Sa kanya na mismo ito nanggaling. "Narinig mo naman siya, anak. Pera lang ang habol niya sa ‘yo.” "H-hindi ganun, Kyle… hayaan m-mo muna akong magpaliwanag.." "Ano pang ipapaliwanag mo? Sa ‘yo na mismo nanggaling na pera ko lang ang gusto mo!" tumaas na ang boses ko. Hindi ko na mapigilan ang pagbugso ng galit ko. "Please, Magpapaliwanag a-ako," sumamo ni Yssabelle at nagulat ako nang bigla na lang siyang lumuhod sa harap ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago ulit magsalita. "Tama na.." ikinuyom ko ang aking mga palad. "Let's end this, Yssabelle." Tumayo siya at niyakap ako. "No, Kyle… Please, pakinggan m-mo muna ako…" ramdam na ramdam ko ang pag iyak niya. Nanginginig din ang buong katawan niya. "Tapos na tayo.." Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin. Tinalikuran ko siya at pumasok na ‘ko sa aking kwarto. Sumunod naman si mommy sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin. Mamaya na lang kami mag-uusap.   Kumuha ako ng isang maleta at inilagay ang lahat ng damit ni Yssabelle dito. "Palalayasin mo na ba siya anak?" Hindi ako kumibo. Nagpatuloy lang ako sa paglalagay ng mga damit ni Yssabelle sa maleta. "K-kyle…" gulat na sabi niya paglabas ko ng kwarto. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa maletang hawak ko. "Leave.." walang emosyon kong sabi. "Kyle, please, pakinggan mo muna ako…" muli siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Gusto ko siyang yakapin pabalik ngunit mas nangingibabaw ang galit na nararamdaman ko. "Tama na, Yssabelle.. Tapos na tayo.." Itinulak ko siya kaya naman napaupo siya sa sahig. Iniwan ko ang maleta sa tapat niya pagkatapos ay pumasok na ulit ako sa kwarto. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa. Sapat na ang mga narinig ko mula sa kanya. Sapat na sa akin ang sakit na ginawa niya. ‘Yun na ang huling araw na nakita ko si Yssabelle simula nang maghiwalay kami. Inabala ko ang sarili ko sa trabaho at kung sinu-sinong babae ang ginamit ko para lang makalimutan siya. Akala ko ay madali lang gawin iyon. Pero hindi pala. Nagkamali ako. Dahil nang makita ko ulit siya, nabuhay ulit ang galit at sakit sa puso ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makalimutan. Naiinis ako dahil, sa kabila ng galit ko sa kanya, hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD