“Perfect! Pwede nang ikasal!” malawak ang ngiti na saad ng make-up artist at personal stylist ni Nathalia. Tiningnan ko ang sariling repleksyon sa salamin at napangiti. “Thanks, Lito! Ang galing mong make-up artist!” puri ko at sinipat ang ginawa niya sa itsura ko. I usually go for a lighter everyday make-up, pero ngayon ay inayusan talaga nila ako at ini-style ang buhok ko. Nagpumilit si Nathalia na magtiwala lang daw ako sa kaniya at sagot niya ako sa buong birthday party ng mom nila. “Hay, sabi ko Lottie na lang, eh. Ang dugyot ng Lito!” reklamo nito. Natawa naman ako. Lottie’s a gay. Totoong pangalan niya raw ang Lito pero dahil nga bakla siya ay naging Lottie. Para daw cute at bagay sa kaniya. “Okay, Lottie,” saad ko at ngumiti sa kaniya pabalik. Inayusan nila ang buhok kong h