“Paano kapag nagtanong sila kung paano tayo nagkakilala?” tanong ko kay Cielo. Binaba ko ang papel sa mesa at hinarap siya. Nasa isang cafe kami at pinag-uusapan ang tungkol sa parents niya at parents ni Trixie. Nakita nga pala kami nitong magkasama ni Cielo noong nakaraang araw. Nag-walk out siya. Sa tingin ko naman ay gumagana ang mga plano nitong si Cielo dahil kung hindi, hindi magagalit sa akin ang babaeng ‘yon at hindi titirik ang mga mata niya sa panggagalaiti. “Tell them we met in a one-night stand,” walang pakialam niyang sagot habang naka-focus ang mga mata sa binabasang libro. Nasamid ako sa kape. Agad niya naman akong dinaluhan habang nagrereklamo ang tingin. Mabuti na lang at hindi nabasa ang libro niya at mga papel ko! “Tss, bakit ba lagi ka na lang nasasamid? May pro