“Mommy, can we buy chocolates?”
Nagbaba ako ng tingin kay Celestine, my four-year old daughter, before I smiled and nodded my head. “Okay, but you can only eat one today. Bawal ang sobra. It’s not good if you eat too many chocolates, Celestine Iris.”
Tumango-tango siya sa ‘kin at mahigpit na niyakap ang hawak niyang stuffed toy. Humikab siya kaya alam kong inaantok pa dahil masiyado pang maaga sa kaniya para gumising at alas-siyete pa lang.
Inayos ko ang hospital uniform na suot ko bago lumuhod sa harap niya para magpantay kami. Inayos ko rin ang suot niyang purple dress at nakangiting pinisil ang mga pisngi niya.
“Magpakabait ka ulit kina Tita Ace, ah? Si Papa Chie, mabait ‘yon, pero si Tita Ace, minsan bad. Kapag inaway ka, isumbong mo kay Archie,” natatawang sabi ko. Kinuha ko ang maliit niyang backpack at chineck ang mga laman niyon para siguraduhin.
12 hours ang shift ko ngayon sa hospital kaya naman mamayang alas-siyete pa ng gabi ang uwi ko. Si Ace na ulit ang magbabantay kay Iris dahil nakabalik na sila mula sa Paris.
Pagkatapos mag-asikaso ay lumabas na kami sa condo unit. Saglit kaming bumili sa labas ng chocolates na gusto niya at inihatid ko na siya sa unit ni Ace na nasa mas mataas na floor kumpara sa unit namin.
Nag-doorbell ako sa pinto ng unit ni Ace at agad ‘yong bumukas. Bumungad siya na mukhang kanina pa nakaligo at nakapag-ayos ng sarili.
“Good morning, baby Iris! Good morning, Mauve!” bati niya agad sabay yakap kay Iris at mukhang maganda ang gising. Napangiwi na lang ako at napailing-iling.
Alas-siyete pa lang pero ang pagod ko ay parang pang-alas-singko na ng hapon.
“Ang taas yata ng energy mo ngayon?” Sumimangot ako.
Humalakhak si Ace at binuhat si Iris.
“Bantayan n’yo nang mabuti ang anak ko. Pagbuhulin ko kayong dalawa diyan.” Umirap ako at natawa rin kalaunan. Sana lang ay hindi sila naghaharutan habang nandiyan ang anak ko dahil pagbibigwasan ko talaga ang dalawa.
Nagpaalam na ako dahil baka ma-late pa ako sa trabaho. Nang makasakay sa elevator ay agad na nag-ring ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Nathalia kaya naman sinagot ko ‘yon.
“Oh, my goodness, hindi ka maniniwala!” histerikal na bungad niya. Nailayo ko ang cellphone sa lakas ng boses niya. Bigla ko tuloy nakwestiyon kung anong oras na ba at parang ang taas ng energy ng mga tao? Lunes kaya ngayon! Walang nakakatuwa sa Lunes.
“At paano mo nasabing hindi ako maniniwala, eh, hindi mo pa nga sinasabi?”
Hindi siya natigil sa paghihisterikal. “Mauve, I know it’s still too early, pero kailangan mo ‘tong malaman or else ay magsisisi ka.”
“Ano ba ‘yon, Nathalia? Ang aga pa para pakabahin ako nang ganiyan.”
Saglit siyang natahimik at seryosong bumuntong-hininga. “This is about… my brother. And I promise, kakarinig ko lang talaga sa balitang ‘to. Kung nalaman ko lang agad ay mas maaga kong sinabi sa ‘yo.” Muli siyang bumuntong-hininga na parang ‘di mapakali. “So, I heard that this week, Cielo will—”
“It’s almost seven, Nathalia. Kailangan ko nang pumasok. Let’s just talk some other time.”
Bumuntong-hininga ang kaibigan ko at nanlulumong tinawag ang pangalan ko. Agad nawalan ng emosyon ang mukha ko at gumapang ang lamig sa buong sistema. “Kung tungkol ito sa kuya mo, hindi ako interesado. Please, stop talking about him. I’m sorry, Thalia.”
Hindi na siya nakasagot kaya naman binaba ko na agad ang tawag.
Dumiretso ako sa hospital kung saan ako nagtatrabaho, ang isa sa mga pinakamalaking hospital sa buong Maynila.
“Mauve, good morning! Ang ganda mo. Mas maganda ka pa sa umaga,” bati ng isang male nurse at malawak na ngumiti sa ‘kin. Inasar ito ng mga kasama at agad silang nagtulakan.
Ngumiti na lang ako at natatawang ibinalik ang tingin sa case records para sa araw na ‘yon.
“Sana hindi toxic today. May case presentation ulit tayo this week. Naiiyak ako,” sulpot ni Nadia sa tabi ko. Mabilis ko silang naging kaibigan at ka-close dito sa hospital kahit hindi pa ako matagal dito. Lumapit na rin sa amin ang iba para magchismisan.
“Ay, oo nga pala, Mauve, narinig mo na ba ‘yong tungkol sa bagong doctor? Freak, sobrang gwapo raw! Galing ‘yon sa ibang bansa! Doon nag-aral ng specialization, pero dati na siya rito noong estudyante pa lang. Tapos ngayon ay bumalik na para ipagpatuloy ang medicine dito.”
Maliit akong ngumiti. “Hindi, eh. May bagong doctor?”
“Ano ka ba? Sinabi kaya iyon noong nakaraang araw!” Sumimangot si Misha. “Kinikilig ako! Sana ako ang scrub nurse kapag siya ang doctor!”
Sa Operating Room kami ngayon naka-assign. Naging abala agad ang lahat at akala ko ay natigil na ang chismisan ngunit pagdating ng hapon ay dumating ang pinakainaabangan nila, ang bagong doctor na kakatapos lang daw ng residency sa ibang bansa.
The new doctor specialized in surgery abroad. Ang ibig sabihin ay makakasama namin siya sa operating room.
Hindi ko na masiyadong pinagtuunan ng pansin ang pinagkakaabalahan nila. Hindi na rin naman nakakapagtaka kung may bagong mga doctor o nurses dito. Masiyadong malaki ang hospital na ‘to at isa sa pinakakilalang hospital sa buong bansa.
Medyo pagod ako at walang energy nang araw na ‘yon, dahil din siguro sa pag-uusap namin ni Nathalia.
Tatlo ang case namin sa araw na ‘yon at si Nadia ang kasama ko. The first one was a minor case at major naman ang isa. Hindi naman kami masiyadong nahirapan kaya ang buong akala ko ay magiging maayos at mapayapa ang araw na ‘yon kahit na maraming pasyente, pero pagdating ng huling case namin ni Nadia ay nagbago ang ihip ng hangin at mukhang napagdesisyunan pa yata ng langit na talikuran ako.
“Kayo na ang pinakahuling case, Mauve, Nadia. Major case ito at manonood ang bagong doctor. Alam n’yo na ang gagawin,” sabi ng head nurse.
Kadalasan ay hindi naman ako kinakabahan sa ganito. Ilang beses na akong nag-assist sa loob ng operating room at malaki ang tiwala ko na magagawa ko nang maayos ang mga dapat kong gawin, pero hindi ko alam kung bakit noong sandaling ‘yon ay bigla akong dinaga ng kaba.
Umayos ka nga, Mauve! Katulad lang ito ng mga cases noong nakaraan. Para ka namang baguhan!
Pinangaralan ko ang sarili. Nilingon ko si Nadia na hindi kinakabahan, nakangiti pa ito at kinikilig. Ako naman ay hindi makuhang kiligin kahit ilang beses na nilang sinabi na sobrang hot at pogi ng bagong doctor.
“Mauvereen, galingan mo! Kaya mo ‘yan!” pagchi-cheer sa akin ng mga male nurse at ilang intern bago sinenyas ang amphitheater, sinasabing manonood sila sa gagawing operasyon.
Ang amphitheater ay ang space na nasa taas sa bandang kisame ng operating room. Glass wall iyon at mayroong mga upuan kung saan maaaring pumwesto ang mga estudyante, interns at mga doctors na gustong panoorin ang surgery.
Kung maka-cheer naman sila sa akin ay parang ako ang magpe-perform ng surgery samantalang ako ang scrub nurse. Si Nadia naman ang circulating nurse. Ang trabaho ko ay sa sterile field at mag-abot ng instruments sa surgeon.
Sumimangot si Nadia. “Ang daya naman. Bakit ikaw lang ang chini-cheer nila? Paano naman ako?”
“Ikaw ba mag-i-scrub?” sagot ng isa at pabiro itong umirap.
Nagtawanan na lang kami. Agad na kaming nagbihis ni Nadia ng scrub suit at naghugas ng kamay. Pumasok na kami sa loob at agad din namang dumating ang surgeon at ang isang assistant doctor.
Nagtama ang paningin namin ni Nadia na bahagyang disappointed, dahil siguro hindi ‘yong bagong doctor ang assistant doctor ng surgeon. Gusto kong matawa sa reaksyon niya.
Bakit kasi sila umaasa na sasalang agad iyon dito sa OR? Eh, hindi pa nga iyon nagsisimula dito.
Akala nila ay ‘yong gwapo at hot dow kuno na doctor ang mag-a-assist pero ang pumasok ay ‘yong may edad na doctor na may katabaan, si Dr. Mercado, magaling din ito at magaang kasama sa operating room. Ilang beses ko na itong nakasama sa OR.
Nag-angat ng tingin ang doctor sa amphitheater gamit lamang ang mga mata at saka nagsalita. “Nariyan na pala ang bago nating doktor.” May tunog ng pagkamangha at proud ang boses niya.
Kahit gusto kong lumingon ay hindi pwede. Nanatili ang mga mata ko sa mga instruments sa harapan pero sa hindi malamang dahilan ay dumoble ang kabang nararamdaman ko.
“Our new doctor is a doctor that this hospital should be proud of, right, Dr. Mercado?” ani ng surgeon at matunog na ngumiti. Ang surgeon na humahawak ngayon sa operasyon ay ang isa sa pinakastrikto at pinakamasungit na surgeon sa buong hospital.
“Of course, Dr. Perez,” sagot ni Dr. Mercado. He didn’t sound like he’s offended. Muli itong nag-angat ng tingin sa amphitheater.
Napalunok ako at agad nagbaba ng tingin. Nasa bandang likod ko ang amphitheater at hindi ko magawang lumingon doon.
“Good afternoon, Dr. Cillian Lorenzo Ramos,” bati ni Dr. Mercado sa nasa amphitheater.
Tila kusang bumagsak ang dugo sa katawan ko at tinakasan ng katinuan. Namutla ako at sunod-sunod na napalunok sa narinig.
Did I hear the name right?
No way. N-No, Mauve, nagkamali ka lang ng dinig! Marami naman siyang kapangalan!
Nag-angat ako ng tingin kay Nadia na nakatingin sa amphitheater at tila kumikislap ang mga mata. Hindi ko magawang tingnan ang theater pero sigurado akong marami ang naroon, sigurado ako na nakatingin na ang mga ito sa pwesto namin.
Agad nanginig ang mga kamay ko. Kahit malamig sa loob ng operating room ay parang bigla akong pinagpawisan at kahit pigilan ko ang sariling kaba ay parang gusto ko na lang bumagsak sa kinatatayuan ko lalo na nang muling may nagsalita sa speaker na siyang bumalot sa kabuuan ng operating room.
“Good afternoon.” Seryosong-seryoso ang malalim at buong-buong boses nito.
Agad nanghina ang mga tuhod ko. Hindi ko magawang gumalaw at napako yata ang mga paa ko sa lapag.
Hindi ako pwedeng magkamali.
Kahit na hindi man ako tumalikod para tingnan kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon, alam ko na ang sagot.
Kilalang-kilala ko ang nagmamay-ari niyon.
At kahit gaano pa katagal ang panahong lumipas, sigurado ako… alam ko…
Siya iyon.
The father of my child is freaking here!