Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko nang tingalain ang malawak at malaking building ng Valerius Medical Center, isang kilalang hospital sa kalakhan ng Maynila. Pinagmasdan ko ang entrada nito habang nasa tapat at nakita ang mga abalang tao na paroo’t parito, labas-pasok sa rotating glass door ng entrance. Natatanaw ko na rin ang mga tao sa malawak na lobby sa loob ng hospital.
I looked at myself through my phone’s screen again, at pagkatapos ay muling pinasadahan ng tingin ang suot, puting uniform namin sa College of Nursing sa isa ring kilalang private university sa Manila.
“Bakit pa ba ako nag-aayos, eh, iiyak lang din naman ako sa harapan niya?” bulong ko sa sarili at dumiretso na sa loob ng hospital.
Nililibot ko ang tingin sa paligid habang hinahanap ang office ni Dr. Ariñez. Napasinghap pa ako nang makita ang sinusugod na pasyente sa emergency room habang may nakatarak na matulis na bagay sa kaniyang tiyan.
Umaalingawngaw ang boses ng paramedics, boses ng mga nurse, at emergency doctors na may tinatanong tungkol sa lagay ng pasyente. Mabilis na dumaan sa paningin ko ang stretcher.
Nang lumingon ako sa kabilang gawi ay nakita ko naman ang pasyenteng sinusugod din sa ER habang nasa stretcher at may nagpe-perform ng compression. Cardiac arrest patient.
Bumigat ang dibdib ko habang tinitingnan ang isang batang lalaki habang walang imik na nakatingin sa pasyenteng ‘yon, but the boy’s hands were shaking so bad. Namumutla ito at namumuo ang luha sa mga mata. Ang matandang babaeng kasama nito ay halos abutin ang loob ng ER habang walang tigil sa pag-iyak at paghagulgol, paulit-ulit na sinisigaw ang pangalan ng pasyenteng nasa stretcher.
Kahit saan ako lumingon ay nanghihina ako sa nakikita ko.
Hospital rooms, emergency patients, mga hindi magkamayaw na nurses at medical staffs, at paroo’t paritong mga doktor. Even the other patients’ guardians waiting outside the emergency rooms looked so tired and hurt, para bang nasa pagitan ng langit at lupa, sa pagitan ng buhay at kamatayan.
They were crying, silently praying.
Ito siguro ang dahilan kung bakit ayaw ko sa mga hospital. Specifically, kung bakit ayaw ko sa medisina. Hindi sa ayaw kong magligtas ng mga buhay at tumulong sa mga may sakit, iyon nga lang ay nakakapanghina talaga kapag ganito ang masasaksihan mo araw-araw.
Mabigat ang loob na tumuloy ako sa opisina ng hospital director. Pagdating sa labas, sinabi ng assistant na may kausap pa raw si Dr. Ariñez sa loob kaya naghintay na lang muna ako. May kaba pa akong tumingin sa relo ko at nakitang lagpas alas-dos na ng tanghali.
Kinagat ko ang labi ko at malalim na huminga, tinatapik-tapik ang mga paa sa lapag.
Kailangan kong kumalma! Pero paano ko ba ‘yon magagawa, eh, wala na akong ibang maisip kundi kung paano ako hihingi ng tawad at magmamakaawa na babawi ako sa susunod na taon ng klase.
Mabilis akong napaayos ng tayo nang bumukas ang pinto ng opisina at lumabas ang isang doktor mula sa loob na may dalang charts. Dinaanan ako nito ng tingin pagkalabas na pagkalabas ng pinto.
Maliit akong nag-bow at bumati. “G-Good afternoon po, Doc.”
Hindi naman ako nito pinansin pa at agad nang naglakad palayo. Sinulyapan ko ito at nang makitang wala na ay pumasok na ako sa loob ng opisina.
Bumungad sa akin ang office ng hospital director. Puno ng pictures at models ng mga buto ang kwarto, tanda na orthopedics ang field ng nag-o-opisina.
Tinapunan lang ako ng tingin ni Dr. Ariñez nang makita ako bago bumalik sa pag-aayos sa kung anumang bagay sa drawer ng kaniyang table.
He’s not saying anything yet, pero abot-abot na ang kaba sa dibdib ko!
Umupo na lang ako sa upuang nasa harap niya habang bahagya lang na nakatungo.
“Kanina pa ang sinabi kong oras na magpunta ka rito.” Kalmado ang malamig na boses nito nang magsalita.
“It’s just 2:20, Dad. I waited outside. Nakita ko po kasing may kausap pa kayo,” mahinang sagot ko.
Nakita ko ang mahinang pag-iling niya. “When will you run out of excuses?”
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko para pigilan ang sumagot pabalik. “Bakit n’yo po ako pinapunta?” Doon lang ako nag-angat ng tingin sa kaniya.
“Ano na ang nangyari sa kursong kinuha mo?” tanong niya habang magkahawak ang dalawang kamay at nakapatong sa mesa.
“A-Ayos lang po.”
“Ayos?” sarkastikong sabi niya. Agad na bumaba ang tingin ko sa papel na pabagsak niyang inilapag sa ibabaw ng mesa, ang grade slip ko.
I flinched. Napapikit ako at malalim na huminga. “Nakakuha ka ng dos? Am I even seeing these grades for real? Really? Two? Do you think that’s okay?”
“It’s still a passing gr—”
“And you think that’s enough?” disappointed na sabi niya. Napayuko na lang ako. “I graduated medicine with straight uno. I passed med school. You, having these grades right here, are honestly being incompetent,” dagdag niya.
Wala akong ibang nagawa kundi ang mapalunok at sundan ng tingin ang marahang pagkahulog ng papel. Hinangin iyon kaya naman nahulog at ngayon ay nasa lapag na. He didn’t even care. Napako ang paningin ko sa papel… sa grades, sa grades na pinaghirapan ko ng buong taon.
Ito naman talaga ang inaasahan ko bago magpunta rito. Alam na alam ko sa sariling iiyak ako... siguro ilang linggo o buwan ko ulit didibdibin.
I even prepared myself for my father’s sharp words. Sabi ko ay ayos lang kahit magalit siya, kahit ipahiya niya ako sa sarili ko mismo. Lulunukin ko na lang ang pride ko at hihingi ng sorry sa kaniya o ‘di kaya’y ang mga salitang ‘hindi na po mauulit’.
“For heaven’s sake, hindi ba Nursing na nga lang ang kinuha mo? Bakit ganito pa ang mga grado mo? Paano pa kung magme-medical school ka?”
Mapait akong napangiti sa sarili. Iyon lang ang kaya ko, eh. Anong magagawa ko?
“Dad, please, I won’t go to med school. I won’t enter med school,” pagod na paliwanag ko.
Paulit-ulit niyang pinipilit ang med school gayong hindi nga ‘yon para sa ‘kin. Hindi na iyon abot ng kakayanan ko!
“You will go to med school after college, Mauvereen. Don’t you ever disobey me!” Mariin ang boses niya nang sabihin ‘yon, siguradong-sigurado. “At kung hindi ka sa medicine, saan ka? Our family is a family of great doctors and surgeons! Your grandfather owns the hospital! You have to enter medicine! Ilang beses pa bang ipaliliwanag ito sa ‘yo?”
Nanatiling nakababa ang paningin ko ngunit nagbabaga ang galit sa dibdib.
“Don’t be a disgrace in the family! Magiging doctor ang pinsan mong si Karissa. You should not be uncompetitive!”
So, not entering med means that I am being uncompetitive? Kompetensya ba ang lahat ng bagay? Kompetensya lang ba ‘to lahat sa kaniya? Sa kanila?
People should become doctors and surgeons because they want to, because they love to, because it is their passion. Hindi dahil nakikipagkompetensya sila, hindi dahil kailangang isalin ang pinagmamalaking pangalan ng pamilya!
Napakarami kong gustong sabihin at kung gaano nag-aalab ang mga salitang ‘yon ay gano’n naman ang pagkatupok ng lakas ng loob kong sabihin ang mga ‘yon sa kaniya.
“You’re such a disappointment.” Tinanggal niya ang suot niyang salamin bago isinandal ang likod sa upuan, mabibigat ang bawat paghinga. “Ano na lang ang sasabihin ng lolo mo kapag nalaman niya ang tungkol dito?”
Nilunok ko ang pride ko. Wala akong magawa dahil sino nga ba naman ako sa harap ng sarili kong ama? Isang magaling na doktor, successful, kilala, at role model ng mga estudyante sa field ng medisina. He’s even training other med students under him. Rinig ko’y magaling din siyang magturo.
Naiinggit ako sa mga estudyante niya. Nagmedisina rin naman ako pero kahit kailan ay hindi niya ako nagawang turuan. Hindi kami magkasundo, at bukod doon ay hindi rin kami malapit.
To be specific, wala halos nakakaalam na anak niya ako. Hangga’t wala pa siguro akong napapatunayan... hindi ako makikilala bilang anak niya.
“S-Sorry, Dad. I’ll do better.” My voice broke upon saying that.
“Dapat lang, Mauvereen,” mariing sabi niya. “If you can’t do good in college, then quit! I don’t pay your tuition fees for nothing.”
“Y-Yes, Dad.”
“Makakaalis ka na,” sunod niyang sinabi. Tumango na lang ako bago maliit na yumuko sa harap niya at dumiretso na palabas ng pinto. Hindi ko pa tuluyang nasasara ang doorknob nito ay naramdaman ko na ang pagpatak ng luha ko. Agad ko iyong pinunasan at hindi pinansin. Dire-diretso akong naglakad palayo sa opisinang iyon habang nanlalabo ang mga mata.
Wala nang bago sa eksenang ‘yon. Ganoon naman palagi. He always wants me to do good, to do better and be the best… but what can I do if I am not the best?
Kung hindi ba ako ang pinakamagaling para sa kaniya ay isa na akong talunan?
Ginawa ko naman ang makakaya ko sa kursong kinuha ko kahit hindi ko naman talaga ‘yon gusto. Sila naman ang nagdesisyon na kumuha ako ng ganitong kurso, and Dad wants me to go to med school after college, pero mariin ko iyong tinanggihan. Kahit iyon na lang.
Kahit doon niya na lang ako pagbigyan at huwag diktahan.
This is my life. Buhay ko ‘to pero pakiramdam ko ay inutang ko lang sa kaniya kaya ngayon ay hawak niya ang mga desisyon ko at kailangan kong pagbayaran ‘yon sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng utos niya.
Tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luha ko habang bumabalik sa isip ang panibagong mga salitang natanggap ko sa araw na ‘to.
Napagdesisyunan kong maglakad pauwi para magkaroon ng oras mag-isip.
I am such a disappointment. Nakakahiya ako kung hindi ko man lang mapapantayan si Karissa.
I bit my lip, bago inis na ginulo ang buhok ko. Tinanggal ko ang pagkaka-bun nito at hinayaang bumagsak ang may kaiklian kong buhok. The h*ll I care about neatness! Ayoko na sa kursong ‘to. Ayoko na!
“Ayoko na. Ayoko na talaga... I quit!” Kulang na lang ay tuktukan ko ang sarili ko.
Nasa ganoong kondisyon ako nang biglaang umingay ang paligid kaya napatigil ako sa paglalakad at napalingon.
“‘Yong lalaki!”
Napuno ng gulat na sigaw at takot na mga pagsinghap ang paligid. Napaatras ang lahat nang magsimulang umusok ang isang sasakyan sa gitna ng kalsada.
Natigilan ako at mabilis na lumapit para tingnan ang nangyari. Napasinghap ako sa gulat nang makita ang nakatigil na kotse sa gitna at sira ang bandang harapan at gilid nito. Sa bandang unahan nito ay isa pang kotseng nakabungguan nito.
“Tumawag kayo ng ambulansiya!”
“Hijo, naririnig mo ba kami?!”
“Kawawa naman. Mukhang bata pa,” bulong ng nasa isang tabi.
Napahawak ako sa bibig nang makita ang lagay ng isang lalaking nakahandusay. Mula sa ‘di kalayuan ay ang bike nitong nakasemplang.
Pilit itong tinatapik ng ibang dumalo. May nagtangka pang itihaya ito na siyang maling gawin. Napapikit ako at napabuga ng hangin.
Damn it, sabi ko ay titigil na ako at magku-quit! Pero hindi... kusang lumakad ang mga paa ko palapit.
“Sandali! Huwag n’yo siyang hawakan!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Natigilan ang mga naroon at napatingin sa gawi ko.
Lumapit ako at binitawan ang hawak na bag. Mabilis ko itong dinaluhan at nakitang wala itong malay. Kasabay niyon ay siya ring paglapit ng isang lalaki sa taong nakahandusay sa sahig ng kalsada.