“Good morning, class!” bati ng isang babaeng professor nang pumasok siya sa classroom. Some of my classmates greeted her back, iyong iba naman ay walang pakialam. Malalim akong bumuntong-hininga nang magsimula na siyang mag-discuss. Napanguso ako habang pinaglalaruan ang ballpen sa mga daliri ko at nakapangalumbaba. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari noong isang gabi. Isang araw ko ring hindi nakita at nakausap si Cielo nang maihatid niya ako. He’s probably busy, lalo na’t mukhang may parating siyang shelf exam. Shelf exams are exams taken by med students in their senior year in med school after their every core rotation to test and examine their knowledge with each topic. Nag-text lang siya sa akin kahapon nang umaga para mag-good morning. Napansin ko ang pagiging tahimik niya mat