“I am damn in love with you, Mauve.” That made me stop. Pakiramdam ko’y umalon saglit ang puso ko sa sinabi niya... hanggang sa muli kong ma-realize kung ano nga ba ang meron sa pagitan naming dalawa ni Cielo, hanggang sa maalala ko kung bakit nga ba narito ako ngayon sa kung nasaan man ako sa buhay niya. Ganoon nga siguro minsan. Kapag gustong-gusto o mahal na mahal natin ang isang tao, naibibigay natin ang lahat ng meron tayo. Everyone around us will tell us to be wise, to be protected, to be guided, pero kapag marami ka nang nararamdaman para sa isang tao, natatabunan ng lahat ng ‘yon ang mga bagay-bagay. That’s why even smart people get hurt by love. That word is really just powerful. Siguro nga ay tama si Jade. I never really hated Cielo. He’s indeed annoying. ‘Yong taas ng pr