To say that I am surprised is an understatement. Hindi naman ako ganoon kainosente, but I have no experience with adult stuffs. I think... I think it was my first time actually seeing two people almost doing it. Gusto kong ipikit ang mga mata ko at alisin ang paningin sa kanila pero hindi ko magawa dahil sa gulat ko. Saka lang ako natauhan nang iharang ni Cielo ang braso niya at tinukod ang kamay sa pader sa gilid ko dahilan para maharangan ang tinitingnan ko. Napalunok ako’t nag-angat ng tingin sa kaniya. Nakatingin na siya sa akin ngayon, pero sigurado akong nakita niya ang dalawa. Cielo breathed heavily. Kumuyom ang palad niya at nagtangis ang panga. Napayuko ako. It’s serious. It’s really a serious situation between the two of them, and here I am, getting involved. Again. Nang