“Hindi ko alam na masaya pala ang mga inaaral sa Nursing.” Napalingon ako kay Nathalia nang magsalita siya at saka lang ako natauhan. “Huh?” nagtatakang tanong ko. Nginuso niya ang mga libro at papel sa harap ko. “Kanina ka pa kasi nakangiti.” Nagkibit-balikat siya. Tumikhim naman ako at kinunot ang noo ko. Pinagbintangan pa ako nitong nakangiti, eh, kanina pa ako nahihirapan sa inaaral ko. “Hindi ako nakangiti,” tanggi ko at nagpatuloy sa pag-aaral. Ilang oras na rin kami rito sa room niya. Naubos na rin ulit ang snacks na dinala kanina, pero hindi na kami nagpadala pa ulit dahil uuwi na rin naman ako mayamaya at mayroon akong shift sa convenience store. Kanina pa ako naiihi ulit pero pinigilan ko na lang dahil baka kapag sinabi kong bababa ako ay pagbintangan na naman ako ni Na