"Miss Smith, okay ka lang ba riyan?" tanong ni Martin. "Kung nagkataon lamang na wala tayo sa ganitong sitwasyon ay nasapak na kita. Aba'y matapos tayong pahirapan ng mga lintik na arabo ay matanong-tanong mo pa kung okay ako." Masakit man ang katawan dahil sa pagpapahirap ng mga arabo sa kanila ay nagawa pang umismid ng dalaga. "Ano ba kasi ang nakain mo at sinagot-sagot mo pa ang hayop na iyon? Imbes na hayaan tayong bihag ay hindi na---" "Hoy, Miller! Manahimik ka! Dahil ang pagkabihag natin dito ay dahil sa ambush. Kung marunong sanang makinig ng suhestiyon si Captain Foxton ay hindi nauwi sa disgrasya ang lahat. Look at them. Tayong lahat! Do you think that it's natural? No! We have been trapped by those crippled Arabs who are enjoying the scenario!" Malakas na pamumutol ng dala