"That's what we call decisive plan, Miss Smith. Kaya't ibaba mo na ang iyong kilay. Ang importante ay nakawala na tayo sa mga lintik na iyon," nakangiwing saad ng binata. Subalit dahil hindi pa rin makapaniwala ang dalaga sa nangyari ay kinapa-kapa niya ito sa noo at pisngi. Nais niyang makasiguradong kung wala nga ba itong sinat. "Ouch! Bakit ka nananapak, Claire? Aba'y gusto mo yatang matuluyan ako ah," angal ng binata. "Tsk! Tsk! Talagang tutuluyan kita kung patuloy kang mag-inarte. Mataas ang lagnat mo kaya't kailangan kitang dalhin sa pagamutan!" singhal ni Claire. Kaso umiling-iling ang binata tanda lamang na hindi sang-ayon sa kaniya. "No, Claire. Hindi na kailangan." "Bakit, aber? Iron man ka na rin ba?" "Hindi sa ganoon, Claire. Ang sa akin lang ay makalayo tayo sa lugar na