"Anong nangyayari?" "Hindi ko alam." "Tsk! Ikaw nga ang malapit sa mga iyan!" "Huwag kang maingay, Claire. Mukhang may hinahanap sila." Hindi na nga sumagot si Claire. Bagkus ay tahimik siyang sumunod sa mga taong nandoon na wari'y takot na takot. 'Lintik! Mukhang mga motowa! Ano na naman ang problema ng mga ito?' Tahimik niyang ngitngit. "Kapag bumulong ka, honey, siguraduhin mong ikaw lang ang makarinig. Careless whispers iyon," saad ng binata. Aba'y dinig na dinig naman kasi niya. Mabuti na lamang at sa salitang Español kaya't naunawaan niya. Kaya naman ay napatitig ang dalaga rito. Tsk! Mukhang kakaiba talaga ang nilalang na ito. "Sa sarili ko sinabi pero narinig mo? Aba'y may mukhang may---" 'Mukhang may extension ang taenga mo ah.' Nais pa nga sana niyang sabihin. Subalit h