"Ano? Nasaan ngayon ang anak natin? Aba'y ang babaeng ito talaga! Wala na yatang pag-asang mapermi sa iisang lugar!" hindi mapakaling saad ni Janellah Pearl. "Ayon kay bayaw Bradley, isang taon na pala ito sa Navy. Pero nitong mga nakaraang buwan ay nagkaroon ng aberya. Sa ngayon ay wala pa raw silang kaalam-alam kung nasaan ito," paliwanag naman ni Jameston. Magsasalita pa sana ang ilaw ng tahanan subalit eksakto namang pagdating ng panganay nilang anak. Maaring galing ito sa AGDA kaya't mag-isa lamang itong dumating. "Hello, Mom, Dad. I'm sorry but I overheard your conversation. Huwag kayong mag-alala kay bunso. Dahil hindi tinaguriang THE MAFIA'S CONQUEROR kung hindi niya halughugin ang mundo upang mailigpit ang mga ito. That sister of mine is not ordinary woman. She's indeed hardhea