CHAPTER ONE

1166 Words
"Do the move now!" malakas niyang sigaw kasabay nang pagtaas ng kanang palad. Kasabay nang pagbigay ni Claire sa go signal ay hindi na nagsayang ng oras ang grupo niya. Wala kang ibang marinig sa oras na iyon kundi ang palitan ng putok sa magkabilang partido. Kailangan nilang lumaban dahil mga buhay nila ang nakasalalay. "Jones, sixty meters, seven o'clock position!" "Snipers, tutukan ang patrol car na may sakay na mga nahuli!" Agad namang bumaling doon si Reyes at nagpaputok sa sinabing direksyon. Ilang segundo lang ay may narinig silang dumaing mula roon. Nagpatuloy ang madugong labanan. Subalit naging alerto sila sa bawat command ng team leader nila. "Johnson, two o'clock, thirty meters sa likod mo!" "Bradley, ten o'clock, two hundred meters." "Dacascus, eleven o'clock, five hundred meters." Patuloy lang si Mary Claire sa pagbigay nang commands sa mga tauhan. Hanggang sa namataan niya ang mastermind ng grupo. "The mastermind is on the exit area! He wants to escape! Full alert!" Mga ilan lamang sa mga binitawang salita ni Claire. Kasalukuyan silang nasa operasyon. Thanks to the high technology, dahil nagkaroon sila ng pagkakataong makita ang bawat galaw ng kanilang kalaban. Ang grupo niya ang inatasan ng kanilang Boss upang huliin ang mga nagpalitan ng ipinagbabawal na gamot sa isang abandonadong lugar. Mayroon naman silang orders na shoot to kill order para sa mga lalaban dahil matagal na ring nasa wanted list ang mga huhuliin nila. Ngunit kahit mga criminal ang mga kawatan, as human beings, ay kailangan din nilang mapabigyan ng pagkakataong sumuko ng maayos. Subalit mas pinili nila ang lumaban kaya't nakipagsabayan na rin ang grupo niya. "Saan ka pupunta sa pagkakaalam mo, Mr Coleman?" "Wala kang pakialam, Smith! Kahit kailan ay ikaw talaga ang tinik sa lalamunan ko!" "Binigyan kita ng pagkakataong sumuko ngunit mas pinili mo ang lumaban! Look around, Mr Coleman. You are alone now! Wala nang tutulong sa iyo!" Mas hinigpitan ni Claire ang paghawak sa kalibre kuwarenta-isingko. Dahil abala ang mga kasamahan niya ay siya ang kusang kumilos at pumaikot. Hinabol niya ang papatalihis na si Mr Coleman. Hindi siya papayag na mauwi sa wala ang lahat ng pinagpaguran nilang team. "Hindi ikaw ang magpapatumba sa akin, babae ka!" "F*ck! Wala kang kadala-dala! Move!" Dahil hindi niya napaghandaan ang bigla nitong pag-ikot at sinubukan siyang labanan sa mano-mano ay natumba siya. Bumagsak siya sa sahig kaya't dahil sa kabiglaan at sakit sa pagbagsak niya ay napamura siya. Ganoon pa man ay agad siyang nakatayo at muling nabalanse ang sarili. At bago pa man makakilos o makagawa ng anumang hakbang ang mastermind ay napusasan na niya ito. "Nahuli mo man ako ngayon ngunit ito ang tandaan mo, Smith! Hinukay mo ang iyong sariling libingan! Kahit mapabitay mo ako ngunit hindi ibig sabihin ay nagtagumpay ka na. Dahil ang tulad ko ay pain lamang nila. Kaya't kung ako sa iyo ay huwag magpakasigurado. Bukas o sa makalawa ay mabalitaan kong isa ka ng bangkay!" "Subukan mong gawin, wala ka ng pakialam kahit ngayon ay mamatay ako. At kung sino-sino man ang mga nagpain sa iyo ay nais ko ring ipaalam na uubusin ko sila isa-isa. Dahil kayo ang sumisira sa buhay ng mga inosenteng kabataan!" Kulang na lamang ay itulak niya ito papunta sa harapan ng building. Nandoon na rin ang mga tauhan niya. Dahil kasabay nang pagtakas sana ng mastermind ng grupong nakalaban nila ay unti-unti na ring tumigil ang palitan ng putok. Sa isipan niya ay kailangan nila itong isalang sa interrogation room. Dahil sigurado siyang mayroon itong nalalaman. Lalo at may nasabi pa ito. Ilang sandali pa matapos nilang malinis ang naturang lugar ay payapa na silang bumalik sa headquarters. "Congratulations, Agent Smith. You did it very well." Masayang sumalubong sa kanila ang superior na pumapalakpak. "Thank you, Sir. Pero hindi po ako nagtagumpay sa operasyon na ito kung wala ang mga kasamahan ko." "Oh, you are so humble, Agent Smith. By the way, there will be a congratulatory party for you and your team. Be ready for the surprises that they prepared for you. According to our Big Boss, he will be coming here to join us. Again, congratulations on your success." Iminuwestra nito ang palad upang makipagkamay. At tanda na rin nang pagbati. Kaya't malugod din itong tinanggap ni Claire. Kinabukasan nga ay dumating ang kanilang Big Boss. Hindi lamang iyon, dahil hindi naman niya isinapuso ang nabanggit ng Boss niya about surprise ay halos hindi siya makagalaw nang inianunsiyo nila ang surpresang naghihintay sa kaniya. "Congratulations, Agent Smith. I am here today to proclaimed your promotion. From your position, you are now promoted as Supervisory Special Agent. You will be responsible of leading teams of special agents in investigations. And it will requires you to report directly to managing and executive special agents. You are now essentially a senior agents, that may do field, administrative, and analytical work while leading an investigation. You will typically try to track the progress of an investigation. In most cases, this will involve strategizing and documenting the tactics and processes of an investigation. And as the law of protocol, you need to follow everything about your duty as Supervisory Special Agent. Once again, congratulations, Miss Mary Claire Mckevin Smith." Sa hinaba-haba nang pahayag ng kanilang Big Boss ay iisa lamang ang tumatak sa isipan niya. Promoted siya. Mula sa pagiging Special Agent ay naging Supervisory Special Agent na siya. Sa ilang taon niya sa FBI ay pang ilang promotion na rin niya iyon. Kaso bago pa niya masalungat ang Big Boss nila dahil sa pagbanggit nito sa buo niyang pangalan ay taos-puso na siyang nagpasalamat. "Thank you very, Sir." Malugod niyang tinanggap ang kaniyang parangal. "Your welcome, Miss Smith. Keep up the good work. You and your team will serve our country impartially." Tumango-tango pa ang Big Boss. Kaya naman ay hinarap ni Claire ang mga kasamahan niya. Itinaas ang parangal na natanggap. "Ang tagumpay ko ay tagumpay nating lahat. Dahil ang operasyon na iyon ay hindi ko magagawa na mag-isa. Kaya't maraming-maraming salamat sa inyo. Bilang leader ninyo, ay proud na proud ako sa ating unity. Our unity leads us to succeed. Congratulations to all of us." Masaya niyang itinaas ang hawak-hawak na promotion's certificate. Muling nag-ingay ang mga nasa lugar na iyon dahil sa binitawan niyang salita. Masaya siya para sa tagumpay niya ngunit mas masaya siya dahil suportado siya ng kaniyang grupo. At higit sa lahat ay may pagkakaisa sila kaya't hindi mahirap ang magtagumpay sa anumang kaso at operasyon na kanilang hahawakan. Few days later... Nasa daan siya pauwi sa tahanan ng mga ninuno niya kung saan siya nakatira nang nakaramdam siya ng kakaiba. "No, I must be over acting---" Ngunit ang pananalita niyang mag-isa ay ay hindi na rin niya nagawa. Dahil pagliko pa lamang niya sa kanto ay mayroon ng sasakyan na animo'y ibon sa bilis nang pagmamaneho. Huli na rin upang umiwas siya. Ang huli niyang natandaan ay bumangga ang sasakyan niya sa isa pang sasakyan na humarang sa pagliko sana niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD