"Dahan-dahan lang anak. Aba'y gusto mo yatang mapatagal ang paninirahan mo rito sa pagamutan."
"Mom? You are here? Since when?"
"Ay, wala ako rito. Nasa Pilipinas ako. Ang Daddy mo lang ang nandito." Napataas tuloy ang kilay ni Ginang Janellah Pearl.
"Ikaw talaga, asawa ko. Sagutin mo ng naayos ang anak natin," nakatawang saad ni Jameston sa mag-ina niya.
Paanong hindi siya matatawa ay mukhang hindi pa handang gumising ang anak nila mula sa isang linggong pagtulog. At mukhang nakalimutan na rin yata nitong naka-dual citizenship silang lahat. Kaya't maari silang makapasok sa US anumang oras. Ang asawa naman niya ay sinagot pa ito ng pabalang.
"Nandito pala kayong dalawa, Mommy, Daddy. Ano ba ang nangyari? Ang huli kong natandaan ay bumangga ang sasakyan ko sa isang L300 van. May nag-overtake sa akin at huli na upang umiwas. Kaya't bumangga ako sa lintik na van," pahayag ng dalaga.
"Tumawag ang Uncle Bradley mo, anak. Nasa pagamutan ka raw. May dinaluhan kaming business meeting sa Nevada kaya't naging mabilis ang pagpunta namin dito. At sa pahayag mo, ayon sa Uncle Bradley mo ay pauwi raw siya ng hapon na iyon nang nakita ang isang van ay isang itim na sasakyan kaya't agad na tumawag ng backup. Dahil namukhaan ang sasakyan mo," paliwanag ni Jameston sa anak na agad ding sinundan ng asawa.
"May hinala ka ba kung sino-sino ang mga iyon, anak? Kung hindi lang sana matigas ang ulo mo at papayag kang magkaroon ng escorts. Disin sana'y maiwasan mo ang ganitong pangyayari," anito.
"Mommy, kung oras kong mamatay ay kahit anong gawin ko, kahit saan man ako naroon. May bodyguards man o wala kung nasa mundo na ang sundo kong kamatayan ay hindi ko iyan maiiwasan. Malas lang ng sino mang poncio pilatong nagpatumba sa akin dahil nakilala ko ang mga sasakyan nila. Damn them all---"
"Aray naman, Mommy! Bakit ka nangungurot? May kaagaw na ba ako sa pagkabunso?" nakangiwing tanong ni Claire sa inang nangurot sa kaniya ng pinong-pino.
Kaya naman ay muling nagsalita ang padre de-pamilyang pangiti-ngiti lamang sa tabi ng mag-ina.
"Anak, ang bunganga mo. Mamaya ay pasukan ng naligaw na langaw galing sa labas. By the way, nevermind about your mother's pinches. Namimiss ka lang namin. Magpagaling ka dahil hinahanap ka na raw ng mga katrabaho mo," aniya.
"And yes, we miss you, Mary Claire Mckevin Smith. Magpagaling ka dahil kailangan mong pumasok sa trabaho at makapag-file ng leave. Ang Kuya Jervin mo ay mag-aasawa na at sa promotion niya sa Camp Villamor." Napangiti na rin ang Ginang.
Totoo naman kasing bihira lamang nilang makasama ang bunsong anak. Dahil sa Harvard ito nakatira kasama ang mga ninuno nila. Ito ang bunso pero ito ang pinakamatigas ang ulo. Mas tigasin pa kaysa mga kapatid na lalaki.
"I'm not Mary, Mommy. Dahil pumapatay ako ng mga tao kaya't hindi ako Santa. Hindi ko alam sa inyo ni Daddy kung bakit n'yo ako pinangalanang Mary Claire. Mayroon bang Santa na pumapatay? Claire na lang, Mom." Nakangiwing pagsalungat ng dalaga sa ina.
Kaso tinawanan lamang siya ng mga magulang. Ayon naman kasi sa mga ito ay Mary daw dahil unexpected baby siya. Iyon nga lang ay talagang ayaw niya sa pangalang Mary dahil hindi bagay sa tulad niya. Whatever! Claire is her name!
Naging mabilis ang balita. Nakarating agad sa mga kalaban ng dalaga ang katotohanang buhay na buhay ito.
"That b***h! Damn her! I will personally kill her!" A man in black hood fiercely cursed.
"Ano ngayon ang gagawin natin, Boss?"
"Umalis kayong lahat sa harapan ko! Kung inayos n'yo lang sana ang trabaho ninyo ay wala na sana tayong problema sa bagay na iyan! Alam n'yo namang matinik ang gagang iyon sa kamatayan. Ngunit hindi n'yo sinigurado ang kamatayan niya. At ngayon ay nagtatanong kayo kung ano ang gagawin natin?!" sa inis ng Boss ay napasigaw ito.
"I'm sorry, Boss. Bigyan mo kami ng isa pang pagkakataon upang isagawa namin ang pagligpit sa kaniya. Ipinapangako namin, Boss, magtatagumpay kami sa pagkakataong ito," saad ng isa. Hindi maikaila ang takot na nakabalatay sa mukha.
Dahil sa galit ay hindi agad nakasagot ang Boss. Kaya naman ay sinamantala ito ng kanang kamay. Ito ang sumalo sa pagsagot.
"Bumalik na muna kayo sa inyong trabaho. Ipapatawag ko na lamang kayo kayag lalamig na ang ulo ni Boss. Unawain n'yo na lamang ang Boss natin," anito.
"No, you are not going anywhere else, you people. Pagkakataon ba ang nais ninyo? Okay, fine. Pagbibigyan ko kayong lahat ng isa pang pagkakataon. By all means you need to kill her. At huwag na huwag kayong magpapakita sa akin hanggat hindi n'yo siya napapatay. Kung mayroon kayong balak takasan ako dahil kako ay huwag kayong magpakita sa akin hanggat hindi n'yo siya napapatay ay burahin n'yo na iyan sa isipan ninyo. Kahit saan kayo magtago ay malalaman ko. Nagkaunawaan ba tayo?" patanong na pahayag ng Boss sa napakalamig na boses.
Sa takot ng mga ito sa Boss nila ay tanging YES BOSS ang naging sagot nila.
As the days goes on!
"Thanks God! Finally I can go back to my work already," Claire murmured as she prepared herself for her first duty since the accident happened.
"Okay ka na ba talaga, anak?" paniniguro pa ng Uncle Bradley niya.
"Yes, Uncle. Boring na boring na nga po akong walang ginagawa. Isang buwan ang ibinigay nilang bakasyon ko ngunit pakiramdam ko ay isang taon." Sumabay siya sa tiyuhing papalabas. Kagaya niyang papasok sa trabaho. Iyon nga lang ay sa Police Department ito nagtatrabaho.
"Ang tigas kasi ng ulo, anak. But by the way, let's go." Nakatawa pa itong lumingon sa kaniya.
Lahat naman sila ay iisa ang sinasabi. Tigasin talaga siyang babae. Well, that's her assets by the way. Her Uncle has his own car as she does. Kaya't nang nakarating sila sa garahe ay naghiwalay din sila ng landas.
After sometimes...
Dahil isang buwan din siyang hindi pumasok sa trabaho ay sumaglit lamang siya sa sariling opisina. Nagpakatao sa mga tauhang masayang sumalubong sa kaniya. At nang nasigurado niyang nasa maayos ang lahat ay napagdesisyonan niyang magreport sa Boss niya. Ngunit sa kaniyang paglalakad patungo sa opisina nito ay mayroon siyang naririnig na tinig. Bulungan lamang ito kaya't halos hindi niya maunawaan. Ngunit sa kaniyang pagpapatuloy ay mas lumilinaw ang mga tinig.
Kaya naman ay patihaya siyang lumapit sa pinagmumulan ng mga bulong. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya dahil sa narinig. Those men in uniform are planning something. At bago pa niya napigilan ang sarili ay sinipa na niya ng pagkalakas-lakas ang pintuan ng opisinang kinaroroonan ng mga unipormadong nag-uusap.
"Hindi ko akalaing kayo rin pala ang humihila pabulusok sa departmento natin. Ang tataas nang pagtingin ko sa inyo mga SIR subalit ano iyang ginagawa ninyo? You are just using your uniforms to threaten those who are powerless people! Shame on you! Shame on you!" she uncontrollable shouted as she pressed the alarm of their respective department.
She alerted their Boss that there are termites in their department. Hindi niya akalaing sa unang araw nang pagpasok niya makaraan ng isang buwan ay ganoon ang madadatnan niya. Di yata't napag-iwanan na siya masyado dahil sa pansamantala niyang pagbakasyon. Halos ayaw magsumiksik sa isipan niya ang narinig at nalaman.